Wednesday, July 31, 2013

Ati, Yung Letter?!

                                       (Hastag Teynkyu)

“Naaprobahan na ba yung pondo natin?”
“I-fa-follow-up pa lang eh.”
...

“Malakiba ang chance napirmahanni Mam Gascon? Anongmga attachments nun?”
“...me CHED Memo naman..siguro...”
...

“N.aprubhan n b tau?”

Tutoot!!! (1 message recieved)
Opening Message...

“Yap :D”
                
Basahing Suwestyon: Jer.29:11, Psl.66

     Naimbitahan si Titseron ng International English Learners Institute sa isang journalism seminar at privileged siyang magsama ng mga delegado. At dahil likas siyang mapagmahal (ubo..ubo..) kasama ako sa 10 delegado.  Mahal ang naturang seminar, as in! Pumalo sa tumatagingting na 50K ang budget request para sa aming 10 kaya hindi kami, lalo na ako; kumpyansado na maaprubahan ito. Kasi naman sa lupaing nakakatamad maligo sa umaga, sa lugar na walang erkon ang mall, sa Summer Capital ng bansa, sa mahal kong Baguio City ang sinasabing jounalism kemedu. Kaya gusto kong sumamaaaa to the Nth power!

     Tila isang healthy host na slow-motiong nalalag-lag sa isang pulutong na gutom na zombies ang maiksing reply sakin ni Pusa. Agad prinoseso ng utak ko ang mga maaaring manyari. Maglalaba ako. Mag-i-impake. Hihinging baon. Tapos, mapapagalitan kasi wala na namang kaming pera. Very Classic.

      Shuk! Biglang pumasok sa isipko na baka nagpo-powerbluff lang si Pusa, ang hirap kayang papirmahin ni Dra. Gascon, ang kasalukuyang presidente sa perhaps, pinaka-murang unibersidad sa Timog Katagalugan. Mula Honoraria, Budget, Purchase, at iba pang requests na sangkot ang salapi ay nangangailangan ng kanyang pag-sang-ayon. Kaya makapangyarihan ang lagda niya, konting pataklang ng tinta, maarinang bumaha ng salaping sanlaksa. Kaya maingat at mabusisi ang pagpopoproseso ng mga requests na dumadating sa kanyang himpilan. Hence, usad ______(insert favorite amphibian).

     Pero hindi eh, alam kong kasama si Pusa sa Top10 Most Trusted Info.Source sa phonebook ko. Isa pa, binuro namin, kasama ng mga kabalaybay-bunga ko sa kubo; sa prayers ang hinaing kong ito. Sa sandaling panahon, mga 5mins.;nakalimot ako na ang laki-laki-laki nga pala ng Boss ko. Nakaka-shy dahil pinagdudahan kong may himala pa nga pala sa 21st century. May nakapag-suhestiyo pa nga sakin, dahil kapatid ko naman daw sa faith ang Univ.Pres.;si Ate Ces (yerla!); ay gamitin ko daw ang koneksiyon. Ngunit mas minabuti kong si Boss na lang ang kumausap sa kanya para wala siyang palag.Di ba? The Strongest Connection? “ Hoy! Ces aprubahan mo yan, sa lil' brother mo yang si Jord, kahit hindi faithful yun pagbigyan na lang muna.” Siguro parang ganun.

                “Minsan ang prayers natin para lang siyang plain letters of requests kay God at wala rin Siyang masyadong hinahanap na attachments bukod sa stamp- yung stamp of Faith.”
                                        
                                                                    -Ako lang ang nag-quote niyan.



Bukod dun sa creative journalism na portion nung seminar, marami pa kong gustong gawin habang papunta at namamahinga sa Baguio maylabs. At ito ang mga ss.:

1. Takasan ang bagyo ng academic pressures (kahit isa lang naman ang subject ko)
2. Makakain ng Brocolli sa Baguio
3. Mamasyal at makapanayamsi Ben Cab
4. Makapagbakasyon at makapag-Pokemon

5. Makapag-meditate ng malupit-lupit!

Tuesday, July 30, 2013

Keri ba ng Powers Mo ang Prelims?


     Prelim Exam. Bagong kaibigan para sa mga freshmen at dating kaaway kaaway para sa mga dating freshmen, na karamihan sa kanila haggard na. Ituring mo mang kaibigan o kaaway ang prelims, sinasabi ko sayo na pagdadaanan mo pa rin siya, hindi mo siya matatakasan. Hinding-hindi mo matatakbuhan. Prelim ang magtatakda kung ano ang ikikilos mo sa Midterm at batayang propesiya  kung maipapasa ang sabdyek na kinuha.

     Sa mga freshmen, malamang me hang-ober pa sila sa buhay hayskul kaya sa gabi bago ang eksam pa lang magrerebyu at sa mga dating fresh, malamang nadala na natin yung ugali natin mula pa nung hayskul. At dahil may kakulangan tayo sa paghahanda, marami sa atin ang naghandang mangopya, mangodiko, magdaya, o sa madaling salita: lokohin ang sarili. At sa pagpagaspas ng balita, mabilis nakaabot sa’king me mga batang niloko ang sarili sa pamamagitan ng pag-e-exchange paper gayong nagsasagot pa lang sila ng exam. At ang malupit pa nyan, nahuli sila ng mapagmatyag na proktor nila. Gaano ko man gustuhing malaman ang kanilang katauhan, eh binitiwan siyang blind item sakin. Kaya para sa 2 taong self-scammers, Brad! Approach nyu ko, gawa tayo ng org- Org ng mga singko sa prelim.

     Oo. Alam ko naman yun. Mahirap talaga ang mga term exams, kaya unang araw pa nga lang ng prelim exam- Shulug aga! Mabuti pa yung ibon nakakalipad ng malaya at mabuti pa yung ulaloy, nakakapag-EMO sa ulan. Tas’ ako, naka-istak sa enumeration? Nasan ang freedom? Yung demokrasya! Sa sobrang hirap ng exam nakapag-isip ako ng mga kapangyarihang masayang taglayin pag-prelim o term exams.

Byakugan. Naku kung Hyuga lang ang apelyido ko,  359° sana ang range of sight ko. Wala ng hassle sa paglingon-lingon.  Kaya lang, bukod sa 1° nitong kahinaan, olats tayo pag 2-3 pages ang exam. Mas maganda sana ang byakugan kung may x-ray vision feature itong kasama kahit hanggang substance 20 lang. Trivia: Hanggang substance 16 lang ang pinakamakapal na test paper sa SLSU.

Mental Telepathy. Tanungin ang mga kaklaseng G.-na-G. sa pag-aaral gamit lang ang isip. Astig no? Paano kung hindi ka nya bigyan ng sagot dahil G.-na-G. din s’ya sayo? Yun yung hindi astig. Mas maganda siguro kung psychic powers na lang para deretso basa na. Anu palag?

Time Travelling. Sa mga tanong  na nakalimutan lang ang sagot, mag-time travel sa past at balikan ang petsa na itinuro ‘yon. Siguraduhin lang na regular kang pumapasok para may past lectures ka talagang babalikan.

Spirit Channeling.  Eto ang cool: tawagin ang kaluluwa nina Aristotle, Socrates, Democritus, Hooke at kung sinu-sino pang mga siyentipiko para pag-sagutin ng exam. Kaya lang, baka mahirapang mag-tsek ng wikang griyego ang propesor mo. Eto ang malupit na tip: Sa scratch muna mag-sagot kung alam mong non-american scientist ang natawag mo at pagkatapos, saka ka tumawag ng kaluluwa ng European Languages Expert para mag-salin ng sagot sa Ingles. Tawag dun genuine intel!

     Kung inisip ko na lang sana ng mabuti ang yung enumeration kaysa sa mga bagay na’to, naging maganda pa sana ang resulta ng eksam ko. You are not alone ika nga ni MJ. Isang malinaw na pag-lilinaw, hindi ho ako na-singko dahil sa pangongopya o panloloko sa sarili. Sa tingin ko dalawa lang kasi ang dahilan kung bakit tayo nangongopya. Una, gustong makapasa. Pangalawa, gusting makaungos sa iba. Kaya hindi ako nangongopya kasi alam kong kaya kong pumasa at wala akong dapat ungusan. May pinaghuhugutan pa kasi ako ng ibang kapanyarihan.

     Bukod kaya sa panloloko sa sarili ano pa kayang lamang ng nagdadaya sa exam sa mga ibon at ulaloy na ginagawa lang ang makakaya nila? Tsk. Tsk. Sa tingin ko, sa tingin ko lang ha, yung mga taong niloloko yung mga sarili nila, yun yong mga hindi dapat gayahin.