Sunday, March 27, 2022

riles9

kainitan ng Marso, kung kailan dapat nanlilimahid sa banas, biglang lumurok ang ulan. Linggo. kalat ang paa ni Papa sa paghahanap ng basahan para sa sahig. sa pagsasahod ng mga p'langganita sa tumutulong bubong. kalahati lang ng kusina ang napapalitan n'ya ng bubong dalawang taon na mula sa pinag-refereehan n'ya. wala namang paliga sa panahon ng pandemya. ayan kalawangin ang kalahati ng bubongan ng kusina. "papalitan ko na talaga 'yang bubong na 'yan" sabi ni Papa at bago raw magbagyuhan uli.

maya-maya, umugong na uli ang riles at sumirena ang tren.