Tuesday, July 30, 2013

Keri ba ng Powers Mo ang Prelims?


     Prelim Exam. Bagong kaibigan para sa mga freshmen at dating kaaway kaaway para sa mga dating freshmen, na karamihan sa kanila haggard na. Ituring mo mang kaibigan o kaaway ang prelims, sinasabi ko sayo na pagdadaanan mo pa rin siya, hindi mo siya matatakasan. Hinding-hindi mo matatakbuhan. Prelim ang magtatakda kung ano ang ikikilos mo sa Midterm at batayang propesiya  kung maipapasa ang sabdyek na kinuha.

     Sa mga freshmen, malamang me hang-ober pa sila sa buhay hayskul kaya sa gabi bago ang eksam pa lang magrerebyu at sa mga dating fresh, malamang nadala na natin yung ugali natin mula pa nung hayskul. At dahil may kakulangan tayo sa paghahanda, marami sa atin ang naghandang mangopya, mangodiko, magdaya, o sa madaling salita: lokohin ang sarili. At sa pagpagaspas ng balita, mabilis nakaabot sa’king me mga batang niloko ang sarili sa pamamagitan ng pag-e-exchange paper gayong nagsasagot pa lang sila ng exam. At ang malupit pa nyan, nahuli sila ng mapagmatyag na proktor nila. Gaano ko man gustuhing malaman ang kanilang katauhan, eh binitiwan siyang blind item sakin. Kaya para sa 2 taong self-scammers, Brad! Approach nyu ko, gawa tayo ng org- Org ng mga singko sa prelim.

     Oo. Alam ko naman yun. Mahirap talaga ang mga term exams, kaya unang araw pa nga lang ng prelim exam- Shulug aga! Mabuti pa yung ibon nakakalipad ng malaya at mabuti pa yung ulaloy, nakakapag-EMO sa ulan. Tas’ ako, naka-istak sa enumeration? Nasan ang freedom? Yung demokrasya! Sa sobrang hirap ng exam nakapag-isip ako ng mga kapangyarihang masayang taglayin pag-prelim o term exams.

Byakugan. Naku kung Hyuga lang ang apelyido ko,  359° sana ang range of sight ko. Wala ng hassle sa paglingon-lingon.  Kaya lang, bukod sa 1° nitong kahinaan, olats tayo pag 2-3 pages ang exam. Mas maganda sana ang byakugan kung may x-ray vision feature itong kasama kahit hanggang substance 20 lang. Trivia: Hanggang substance 16 lang ang pinakamakapal na test paper sa SLSU.

Mental Telepathy. Tanungin ang mga kaklaseng G.-na-G. sa pag-aaral gamit lang ang isip. Astig no? Paano kung hindi ka nya bigyan ng sagot dahil G.-na-G. din s’ya sayo? Yun yung hindi astig. Mas maganda siguro kung psychic powers na lang para deretso basa na. Anu palag?

Time Travelling. Sa mga tanong  na nakalimutan lang ang sagot, mag-time travel sa past at balikan ang petsa na itinuro ‘yon. Siguraduhin lang na regular kang pumapasok para may past lectures ka talagang babalikan.

Spirit Channeling.  Eto ang cool: tawagin ang kaluluwa nina Aristotle, Socrates, Democritus, Hooke at kung sinu-sino pang mga siyentipiko para pag-sagutin ng exam. Kaya lang, baka mahirapang mag-tsek ng wikang griyego ang propesor mo. Eto ang malupit na tip: Sa scratch muna mag-sagot kung alam mong non-american scientist ang natawag mo at pagkatapos, saka ka tumawag ng kaluluwa ng European Languages Expert para mag-salin ng sagot sa Ingles. Tawag dun genuine intel!

     Kung inisip ko na lang sana ng mabuti ang yung enumeration kaysa sa mga bagay na’to, naging maganda pa sana ang resulta ng eksam ko. You are not alone ika nga ni MJ. Isang malinaw na pag-lilinaw, hindi ho ako na-singko dahil sa pangongopya o panloloko sa sarili. Sa tingin ko dalawa lang kasi ang dahilan kung bakit tayo nangongopya. Una, gustong makapasa. Pangalawa, gusting makaungos sa iba. Kaya hindi ako nangongopya kasi alam kong kaya kong pumasa at wala akong dapat ungusan. May pinaghuhugutan pa kasi ako ng ibang kapanyarihan.

     Bukod kaya sa panloloko sa sarili ano pa kayang lamang ng nagdadaya sa exam sa mga ibon at ulaloy na ginagawa lang ang makakaya nila? Tsk. Tsk. Sa tingin ko, sa tingin ko lang ha, yung mga taong niloloko yung mga sarili nila, yun yong mga hindi dapat gayahin.

No comments: