Efs Ren at Efs Charm:
Hoy! Kumusta na kayo?
Ako, medyo oks na. Nabunutan na ng isang tinik dahil nakalabas na si Roy sa ospital. Nabibisibisita ko si Jeuel dito sa PGH. Isang sakay lang naman. Doon ako nagla-lunch para naman hindi s’ya mainip. Si Alquin, malayo, text-text lang kami.
Tungkol sa tzitzit at tekhelet. Tzitzit ay parang tali na may disenyo at kulay bughaw-langit (tekhelet or sky-blue). Ayon sa mga scholars, ang kulay na tekhelet ay mula sa isang species ng suso (Murex trunculus) sa Mediterranean Sea. Tinatali ng mga Hudyo ang tzitzit sa kanilang damit o mga balabal para ipaalala sa kanila ang relasyon nila sa Diyos (Numbers 15:38-39).
Tungkol sa mga relasyon. Ang dami ngayong couples na may magkaparehas na damit. Maraming love songs sa radyo. Maraming naghahanap. Maraming nagpupumait. Maraming chocolates at flowers pero hindi tayo magpapadala sa daloy ng tradisyon! Istey pokus!
Tungkol sa date. Tandaan na ako ang una n’yong ide-date kapag sumusuweldo na kayo. Hindi naiinggit sa mga couples sa Intramuros wall ang kuya n’yo.
#
Dyord
Pebrero 04, 2015
Intramuros, Manila
2 comments:
Naiiyak ako. I haven't seen you for a long time. Hindi ko nga alam paano kita kakamustahin or naiisip mo ba kami ni efs?
I hope, Lord willing ay maidate kita kahit pa nakalagpas na ang unang sweldo ��
eps/kuya Jord, I miss you! Namimiss ko yung kapag nagkikita tayo tapos babaril? ewan ko anong tawag doon sa ginagawang yun.
Belated Happy Birthday! Hindi kita nabati kahapon kahit pa nagbabasa na ako kahapon pa dito sa blog mo.
Post a Comment