Saturday, November 2, 2019

Groseri Muni




Nagtatagal ako kakamuni-muni sa groseri. Ang hirap na mamili ngayon. Hindi na lang sulit ang basehan, much like so lit na rin dapat.

May gusto akong bilhing sarsa. Paborito ko ito sa anumang prito. Kaso mo, naresolba na ba nito ‘yung pagpipiket ng mga unyon ng manggagawa nila? Parang wala akong narinig na natugunan. Hindi ko ma-check sa net kung anong respond nung manufacturer kasi walang signal sa loob ng groseri. Wala naman akong maisip na alternatibong brand kung di ito.

Ganito na lang (muna), bibilhin kita para ano reminder na hindi namin nakakalimutan ‘yung atraso mo sa mga manggagawa mo. Kada buhos ng sarsa, inaalala namin ‘yung isyu. Kada ihip sa anghang, nakikiisa kami sa mga hapdi ng mga aba. Makikisawsaw  pa rin kami.

Para tuloy ayoko nang itaktak ‘yung sarsa.

No comments: