Galing ako sa isang development congress
na pakana ng isang unibersidad sa Maynila. Nagmatyag lang. Sumilip sa kung
ano-anong ginagawa ng mga indibidwal at organisasyon para sa ekonomiya, human
rights, health, environment; sa ikauusad ng mga buhay-buhay natin. Nailatag din
ang Ambisyon 2040 na kontekstuwalisadong bersiyon natin ng SDGs.
Pauwi, nagkarera ang apat na dyip na
biyaheng Buendia. Sabado, kaya uwian. Nagkasabay lang ang para ng isang ale at
red light sa may Kalaw Ave. Hindi pala ale ang pumara, lola na. Sa gitna ng kalsada tumigil ang dyip
kaya may kalayuan ‘yung tatawirin ng matanda. Iika-ika pa s’yang lumakad at nakabalikwas
ang kaliwang paa. Nagpabalik-balik tuloy ang tingin ko sa bumababang bilang ng
stop light at sa slow motiong naglalakad na matandang ubanin.
Nakahinga lang ako nang makatawid ang
matanda sa kabilang kalsada. Inalalayang makasakay uli ng dyip ng isang barker
na may diskuwento na rin.
No comments:
Post a Comment