Walang
marinig na mga pagaspas
Sa
sanlaksang pinalipad na mga kalapati
Naghihintay
sa mga baka naman
Umaaasam
ng biglang-likong pangyayari
‘yung
biglang-bigla:
Na
maggugulat-gulatang di inaasahan
Magmamaang-maangang
di karapat-dapat
Kahit
nanghahaba ang leeg katatanaw
Ni
anino man lang, ni pabulong na lawiswis
Pahiram
ng mga bagwis kahit saglit
Pumailanlang
man lamang palayo
Sa
ito na lang ba ang lahat na hawla
Makita
ang pinagpagurang pugad
Na
lamunin ng luntiang dagat
At
kung mabalian ng bagwis sa himpapawid
Magpapatihulog
na nang buong timbang
At
bahala na ang ihip ng Amihan
#
No comments:
Post a Comment