Wednesday, June 28, 2017

Pasaway

     “O, sino naman ‘yun?”

     Tinanong ko kay Mama kung sino ‘yung binati ni Rr. Sinaluduhan pa ang kapatid ko. Maraming kakilala ang kapatid ko sa Tiaong. Lahat ng lalaking makasalubong ay kumpare. Lahat ng matandang babae ay lola naman n’ya. Lahat ng matandang lalaki ay tatay ang tawag naman n’ya. Kapag minsan nagmamano pa ‘yan kahit di naman talaga n’ya kakilala.

     Minsan habang ginagawa ni Rr ang isa sa mga volunteer works n’ya; ang pagta-traffic enforcer. Pero alam n’yang delikado kaya sa minor roads lang ‘yan nagtatraffic. Pakaway-kaway sa mga umaatras na sasakyan. Nagpapabagal kapag may tatawid. At madalas may mga sasakyang sumusunod naman sa kapatid ko.

     Kuwento ni Mama, minsang nagtrapik nga sa may palengke ay kinalampag ni Rr ang atensyon ng nakaparadang sasakyan. Dinungaw pa raw ni Rr ang bintana. “Ay trapik na!” Kilala ni Rr ang uniporme ng pulis pero alam din n’yang nakahara ‘yung sasakyan nila sa daan kaya nagtatrapik na. Sa tingin ni Rr trabaho n’yang padaluyin ang mga sasakyan sa paligid n’ya.


     Pasaway talaga ‘tong si Rr.

Tuesday, June 27, 2017

Hunyo 27, 2017


Rald: … Teka, ikaw naman magkwento. Nagsusulat ka rin ba ng short story o nobela ngayon? O puro tula at blog lang?


Dyord:  Hindi ako makasulat ng fiction. As in. Sobrang nahihirapan ako.

Dyord:  Ang tamad ko magsulat. Siguro dahil kulang ako sa mental space. Sobrang stressful sa gobyerno. Palaging may kulang. Parang lahat ng efforts ko di sapat. Pumasok na ko ng Sabado, Linggo, pati Lunes kahit holiday pero di pa rin naka-100%. So minsan, ‘yung inadequacy ko sa job, makes me feel less human. Kaya hindi ako nagsusulat, kung kailan nga mas dapat (nagsusulat ako) para hanapin ang sariling diwa.

#
Dyord
Hunyo 27, 2017
White House





O di ba, maka-entry lang cinopy-paste ko lang sa chat box. Uso naman yung mga chat-serye at text-serye e. Pero kahit noong wala naman ako sa gobyerno, wala rin akong sinusulat masyado. Sige, dugsungan pa natin 'tong entry. Naalala ko lately, nagbabasa-basa lang ako ng blogs ng iba, kaya nga lang yung mga sinusundan ko mukhang mga kulang din sa mental space.

So, nanoood ako ng mga vloggers. May pinanood ako na mga vids na the whole 6 mins, nagmumura lang. May vlogs na politikal na trashtalk na nakakatawa ang dating sa'kin. May hatak pa rin ang hugot videos hanggang ngayon. May mga vlog na tungkol lang sa laman ng bag n'ya. Meron din akong napanood na papanoorin ko lang kung anong reaction nung vlogger sa pinapanood n'yang video. Seryoso? Reaction mo papanoorin ko? Parang mga talent competitions ang ngayon na laging interrupted ng reaction ng judges.

Nakakatakot na ang laki ng audience nila at nakakatakot ang content na pinapakain nila. Sa bagay, hindi naman nalalayo ang content ko sa kanila. Masaya din namang magbasa ng blog tungkol sa bagong kabit na kurtina at bagong gawang gripo ah? Ang nakakasaludo sa mga vloggers na nakita ko these past days ay ang tiyaga nilang mag-edit, creative naman, pero parang ayokong tanggapin na ang mga viral contents ngayon ang mukha ng Filipino millenials.

Sana may mag-make up tutorial habang nagdi-discuss ng national issue. Sana may nagpapakita ng laman ng bag n'ya habang tinatalakay kung saan ito gawa at anong estado ng mga industriya at manggagawa nito. Hindi dapat tayo makuntento sa mga contents na nakikita, napapanood, at nababasa natin sa ngayon.


Wednesday, June 7, 2017

Blogging para sa mga Komunidad na Developing


Mag-blog para sa mga komunidad na tinulungan ng Kagawaran. 
Sumulat para magmulat. 
Mag-blog at 'wag mambulag.

Lunes na Lunas



Ang huling pagkikita pa namin ni Tsang Lorie ay noong huling kumperensiya pa namin sa Pontefino Hotel sa Batangas City. Pagbalik ko ng Garcia, parang walang nangyayaring maganda sa komunidad namin. Inalat ako ng dalawang linggo kumbaga. Despalinghado ang pribadong partner, may pagtatalo sa isang taniman dahil sa tubig, di kumikitang mga bigasan, nagastos ang pera ng asosasyon, at papalapit nang papalapit na deadline ng mga bagong proposals.

"Walang nangyayaring maganda sa buhay ko," text ko kay Tsang. Hindi na rin ako nagsulat ng weekly feedback report dahil nakakalason magsulat ng mga problema. Nakailang tawag si Tsang Lors, pero di ko maabut-abutang sagutin.

"Wag kang magparinde," sabi ni Tsang habang naghapunan kami sa McDo sa Rosario. Palipat-lipat lang kami ng counseling venue saRosario; sa Jolibee, Chowking, at sa McDo. Nasa pagdududa-sa-sariling-kakayahan stage na naman ako. Nagkakaganito ako kapag walang-tumatama-sa-kalendaryo-ko week.

Pinag-usapan namin ang mga natitira pa naming pondo. Parehas nasa tig-dalawang milyon pa ang gugulin at kailangang sulatan pa ng proposal. Nag-uumpisa na ang Hunyo at sa katapusan dapat ay nasa lamesa na ni boss.

Nakakaubos na kako ako ng ideya ng puwedeng pagkakakitaan. May mga maayos na bigasan pero meron ding di maayos. Gagawa ka pa rin ga kaya ako ng mga bigasan? Tabi-tabi na ang sari-sari store. Nagpa-iwi na kami ng lahat ng hayop pang bukid. E kung elepante na ang ipa-iwi namin?

"'yung iba nga, wala pa ring proposals."

Sabagay, titiisin mo lang namang pagalitan e di ba? Walang proposal? Edi walang proyekto. Wala ka ring problema. Pakapalan na lang ng mukhang tumanggap ng suweldo nang walang na-serve! Naalala ko bigla ng tawanan namin ni Ate Ivy.

E di wag nila kong i-renew. Maghanap sila ng iba! "Simple lang ang buhay." dagdag ni Tsang sabay isang tuktok sa lamesa.

"Anong balak mo?" tinutukoy ko yung natitirang pondo ni Tsang habang hinihimay ang paa ng manok.

Bigasan at Hilot ang buod ng sagot n'ya. Ako kako'y nauubusan na talaga. Iniisip ko minsan na baka meron d'yan na mas maraming ideya, mas may karisma sa komunidad, mas magaling makipag-usap sa mga pampubliko at pribadong opisina, mas mahusay magplano; baka maa may deserving talaga ng job order ko?

Laging nasasangkalan ang self-worth kapag di ko napapangyari ang mga bagay-bagay. Pumapagod talaga sa'kin yung pagsisi sa sarili e. Nasabi ko tuloy kay Tsang yung realization ni Ate Ruma, sa Singapore daw nung manager pa s'ya ro'n ng restaurant; pagkahugas mo ng pinggan sa gabi, tutulog ka na. Bukas na ulit ang trabaho. Walang babagabag sa isip mo.

Kung puwede nga lang kakong kontrolin ang isip ng mga tao; control freak at perfectionist talaga ako e. O kung puwede lang kontrolin ang kalendaryo na umayon sa gusto kong mangyari kahit isang buwan lang.

"I started the Monday great" text ko kay Tsang ngayong Lunes ng umaga lang.

Nakapagbisita kasi kami ng mga namamasada at nakakuha ng kuwento ng bahagyang pag-angat n buhay nina Ate Merly; isang naghahalaman na natulungan ng Programa. May ipanglalagay na ako sa bago kong blog tungkol sa development.

So baka dapat kada Lunes dapat maghanap ako kahit ng maliliit na kuwento ng pag-angat. Para hindi ako nalulunesan. Para hindi ako lumubog ng buong Linggo.

Te Lors, next time try naman natin sa Ham Chan. Anong masarap d'yan? Lomi. Chinese resto 'yan di ba?