Rald: … Teka,
ikaw naman magkwento. Nagsusulat ka rin ba ng short story o nobela ngayon? O
puro tula at blog lang?
Dyord: Hindi ako makasulat ng fiction. As in. Sobrang
nahihirapan ako.
Dyord:
Ang tamad ko magsulat. Siguro dahil
kulang ako sa mental space. Sobrang stressful sa gobyerno. Palaging may kulang.
Parang lahat ng efforts ko di sapat. Pumasok na ko ng Sabado, Linggo, pati
Lunes kahit holiday pero di pa rin naka-100%. So minsan, ‘yung inadequacy ko sa
job, makes me feel less human. Kaya hindi ako nagsusulat, kung kailan nga mas
dapat (nagsusulat ako) para hanapin ang sariling diwa.
#
Dyord
Hunyo 27, 2017
White House
O di ba,
maka-entry lang cinopy-paste ko lang sa chat box. Uso naman yung mga chat-serye
at text-serye e. Pero kahit noong wala naman ako sa gobyerno, wala rin akong
sinusulat masyado. Sige, dugsungan pa natin 'tong entry. Naalala ko lately, nagbabasa-basa lang ako ng blogs ng iba, kaya nga lang yung mga sinusundan ko mukhang mga kulang din sa mental space.
So, nanoood ako ng mga vloggers. May pinanood ako na mga vids na the whole 6 mins, nagmumura lang. May vlogs na politikal na trashtalk na nakakatawa ang dating sa'kin. May hatak pa rin ang hugot videos hanggang ngayon. May mga vlog na tungkol lang sa laman ng bag n'ya. Meron din akong napanood na papanoorin ko lang kung anong reaction nung vlogger sa pinapanood n'yang video. Seryoso? Reaction mo papanoorin ko? Parang mga talent competitions ang ngayon na laging interrupted ng reaction ng judges.
Nakakatakot na ang laki ng audience nila at nakakatakot ang content na pinapakain nila. Sa bagay, hindi naman nalalayo ang content ko sa kanila. Masaya din namang magbasa ng blog tungkol sa bagong kabit na kurtina at bagong gawang gripo ah? Ang nakakasaludo sa mga vloggers na nakita ko these past days ay ang tiyaga nilang mag-edit, creative naman, pero parang ayokong tanggapin na ang mga viral contents ngayon ang mukha ng Filipino millenials.
Sana may mag-make up tutorial habang nagdi-discuss ng national issue. Sana may nagpapakita ng laman ng bag n'ya habang tinatalakay kung saan ito gawa at anong estado ng mga industriya at manggagawa nito. Hindi dapat tayo makuntento sa mga contents na nakikita, napapanood, at nababasa natin sa ngayon.
No comments:
Post a Comment