Wednesday, June 28, 2017

Pasaway

     “O, sino naman ‘yun?”

     Tinanong ko kay Mama kung sino ‘yung binati ni Rr. Sinaluduhan pa ang kapatid ko. Maraming kakilala ang kapatid ko sa Tiaong. Lahat ng lalaking makasalubong ay kumpare. Lahat ng matandang babae ay lola naman n’ya. Lahat ng matandang lalaki ay tatay ang tawag naman n’ya. Kapag minsan nagmamano pa ‘yan kahit di naman talaga n’ya kakilala.

     Minsan habang ginagawa ni Rr ang isa sa mga volunteer works n’ya; ang pagta-traffic enforcer. Pero alam n’yang delikado kaya sa minor roads lang ‘yan nagtatraffic. Pakaway-kaway sa mga umaatras na sasakyan. Nagpapabagal kapag may tatawid. At madalas may mga sasakyang sumusunod naman sa kapatid ko.

     Kuwento ni Mama, minsang nagtrapik nga sa may palengke ay kinalampag ni Rr ang atensyon ng nakaparadang sasakyan. Dinungaw pa raw ni Rr ang bintana. “Ay trapik na!” Kilala ni Rr ang uniporme ng pulis pero alam din n’yang nakahara ‘yung sasakyan nila sa daan kaya nagtatrapik na. Sa tingin ni Rr trabaho n’yang padaluyin ang mga sasakyan sa paligid n’ya.


     Pasaway talaga ‘tong si Rr.

No comments: