Masteral 4
Hindi na nga ako natuloy sa pagma-Masteral. [for now]
Ang hinahanap ko ngayon mga 5-day workshop-seminar-conference type na mga scholarships. Nakukuha ko kaagad ‘yung gusto ko. Nagkukuripot din talaga ako to myself, puwede kasing sagutin ng non-profit ‘yung workshops, sila pa nga nagpapadala sa’kin, ako na lang ‘yung tumatanggi sa mga di ko masyadong trip.
Kaysa magpakalunod ako sa academic readings tapos di ko naman lahat ma-apply. Mahalaga pa rin ang masteral, di ko naman sinasarado ‘yung idea na kukuha ako. “Anxiety mo lang ‘yan,” sabi ni Donjie. Gusto ko lang talaga ‘yung papel bilang eject button kung magkanda letse-letse man ‘yung mga ganap ko ngayon, may papel ako to compete sa mainstream, sa industry kung saan may pera at tumitingin sa papel.
Si Donjie ‘yung lagi kong kinukulit dati pa na mag-Masters kami. Excited kaming mag-asikaso ng admission sa Grad School. Send ng list ng pinagpipiliang kurso. Tapos. ‘yun mag-isa lang s’yang tumuloy. Hindi ko naisip na nang-iwan ako sa ere sa ginawa ko. Mga 3 months na s’yang nag-aaral nang ipinaramdam n’ya sa’kin na sira akong kausap. Nag-asikaso naman talaga ko ng requirements, kaya lang life happened. Send lang s’ya nang send ng memes at mga pusa n’ya, malay ko ba. Niyaya ko kasi s’yang mag-apply sa mga scholarships for workshops, tapos ito reply n’ya:
Iniwan mo nga ako sa UPLB
Ganyan ganyan din naramdaman ko
Sana may kasama ako
Pero syempre biglang ayawan
Backout dancer
Then stop complaining about being alone
Do it if you want
Ayoko nang madamay.
Magulo na buhay ko ngayon. Enough na to.
*lol emojis
Pero I’m serious.
May emojis naman baka hindi galit. Baka na-stress lang talaga dahil nag-12 units tapos eto na naman ako sa mga wild kong ideas na gusto ko s’yang isali. Nag-sorry ako. Na-guilty din. Halos linggo-linggo tinatanong ko if puwede akong bumisita ng elbi; kain, kape, tambay, ganun. Hanggang sa matapos ang halos dalawang buwang pangungulit, pumayag na. Bati na siguro kami, natapos na ‘yung isa n’yang major report kasi.
Matagal na kaming prends e. I like his mga pagsimangot kapag nagsasabi ng counter-arguments. Hindi ka maasar doon sa argument n’ya eh, nakakaasar yung pagngiwi-ngiwi ng mukha n’ya. Ang bitchella lang. Pero I like his skepticism na wala nang malinis na tinapay, ‘yung takot n’ya na mabobo, ‘yung masanay lang sa ginagawa, ‘yung continuous search n'ya for growth. Tapos, ‘yung honesty sa pag-amin na hindi ka naman passionate go-getter everyday, may mga cheat days ka for binge-watching at gaming, tapos cram. Kaya nasusungitan mo ‘yung friend mo kapag nangungulit. Mahusay ‘yang si Donjie, kaya lagi kong sinasabihan na “I expect a lot from you” kasi alam ko malaki na yung pressure na ibinibigay n’ya sa sarili n’ya. Hindi nga raw s’ya nagpo-post masyado ng tungkol sa UP, “mamaya hindi pa ko maka-graduate.”
Nagkita kami sa Carabao Park, tapos lumabas ng campus para maghanap ng korean resto. Ayoko sa maraming tao, kako. Bumalik kami sa loob, sa SEARCA kami kumain. Masarap ‘yung mga ulam dito at marami pa ‘yung servings. Nag-tig-dalawang rice kami. Hinatian ko s’ya sa tocino ko. Binigyan n’ya ko ng bicol express n’ya.
Ang ganda raw nung isang klase n’ya tungkol sa mass extinction. Mangyayari at mangyayari dahil ‘yun naman daw talaga ang cycle ng mundo; iinit-lalamig. Parang may graph na habang gumagalaw ‘yung global temperature ay numinipis naman ‘yung kapal ng biodiversity, may mga species na naitutulak to extinction.
Pero ‘yung paglapit natin at pagtulak sa iba to extinction, hindi naman laging natural na proseso ng mundo, nagsusunog kaya tayo more than ever. Binubuksan ulit natin ‘yung mga deposito ng mga greenhouse gases. Tapos, ito pa, kahit naman daw nagko-coal power tayo sa Pilipinas, hindi naman tayo pumasok sa top emitters ng carbon gases. Hindi naman daw tayo mararamdaman ng daigdig sa liit natin. Wala tayong impact. Pero nasa top plastic dumpers tayo sa karagatan, residue ‘yun ng fossil fuels, ano wala lang? Sila na lang mag-curb out ng fossil fuel burning tutal first world na naman sila at may iuunlad pa tayo? Natural namang proseso ang pagbabago ng pandaigdigang klima. So, kebs na? Eh ano pang point ng mga drama sa conservation work? I-exploit na lang natin ‘to lahat at magpakasasa.
Hindi naman pagkikibit-balikat or denial ang point n’ya (or nung klase n’ya.) Ang sinasabi lang may geophysical changes talaga na pinagdadaanan ang daigdig at ‘yung sibilisasyon natin ay baka isang minuto pa lang sa buong edad ng daigdig. Mangyayari ang mangyayaring mga proseso. “Pero tao kasi tayo Donj.” Hindi natin puwedeng hayaang may mga lumubog na komunidad. Malagay sa alanganin ‘yung mga hirap na nga sa araw-araw na buhay. Hindi na tayo higanteng ameoba na mag-eevolve kung anong idikta ng nangyayari sa paligid. May konsepto na tayo ng hustisya, kalidad ng buhay, karapatan, pag-unlad; may humanidad na tayo ngayon.
May mga conflicting principles na nga s’yang nasusugagaan sa Masteral. At least, may iba-ibang pagtingin. Bawat siyensya naman kahit papano’y may pagtatangkang magyabang na mas angat o malawak ang pagtingin sa mga bagay. Bahala ka na lang pumisil-pisil at magpasiya kung ilalagay mo sa basket mo.
Medyo maingay na pala ako. Kaya gusto ko ‘yung hindi mataong lugar e. Humanap kami ng coffee shop pero nauwi kami sa pagbili ng milk krem at pagtambay sa bench malapit sa isang japanese temple.
Ipinapaliwanag ko sa kanya ‘yung huling barahang meron kami sa pangagalaga ng Lawa ng Taal. Hindi sigurado, nakakatakot, pero malay mo. Iniisip kasi naming makipag-usap sa mga korporasyon. Marami na sa kanilang may lupa doon, ilan nag-uumpisa nang araruhin ang mga natitirang green spaces sa lawa. Wala namang clup-clup sa mga lgu, revenues ‘yan e. Baka kung makikipagtrabaho kami sa kanila, baka mas pakikinggan kami ng landholders kung galing mismo sa corporate group. Matatalino naman ang sustainability managers ng mga ‘yan ih or else we will be overlooking a dead lake sa future. Mas bababa ang balor ng mga properties nila. Isa pa, they have political pull, malaking player sila sa development politics eh kahit nga sa partisan. Baka mas may kagat ang law enforcement. May resources din sila para sa pagpapaunlad ng mga nakapaligid na komunidad, puwede kaming mag-institutionalize ng climate crisis fund bukod pa sa social development fund mula sa revenues. Hindi ko na iisipin kung saan manggagaling ‘yung pera para sa community work ko. Design-design na lang at implementation.
“Wala nang pure ngayon, ako lang” sabi ni Donjie. Korporasyon kasi iyan, hindi yan maglalabas ng pera na hindi nag-iisip kung paano mababawi. Okay, I’m listening. Baka nga masasabihan namin sila kung paano babawiin ng hindi masyadong nalulustay ‘yung lake ecosystem. Baka. Kaysa we stay pure, stay small, magdadalawang dekada na pero saan umaabot ‘yung efforts? It’s a losing battle. T’saka baka mas malaki ‘yung susuwelduhin ko kapag corporate-funded na ‘yung social dev’t work. “Pero saan nga kukunin?”
Nabanggit ko kasi na may mining ventures ‘yung korporasyon. Pero hindi naman sa lawa. Sa ibang isla. Sa lupang-pamana, as in ancestral domain of all the places. “Naku.” Pero hindi naman sa Taal Volcano Protected Landscape. “Puwede naman akong mag-work with them na nakapikit ang isang mata,” idinemo ko pa, o di ba kaya. “Pero, Jord, holistic dapat ang pagtingin.” I work locally, problema na nila ‘yun. Marami namang professionals ang nagtatrabaho sa environmental restoration. Naisip ko, see; Masungi. “T’saka, isa pa, may karapatan ang mga cultural communities na ipamina ang lupang pamana nila, kanila ‘yun, sila ang magdedesisyon para sa kanilang lupa!”
Pero paano kinuha ang consensus, ano-anong ipinangako sa kanila? Napakaraming komunidad na oo nga, maayos ang buhay noong may mina, pero pagkatapos, ano, wala silang masaka, contaminated ang water tables, lalong naging vulnerable, lalong wala. Sabi dun sa report ko, mga professionals talaga ang nagsusubo sa mga communities (at ecosystems) sa exploitation. Sinubo, agad?
“Kasi nga may pambayad ang korporasyon.” Simple lang, they pay, you deliver. Pangkain mo, pamasahe, pan sine, pambihis, pambayad ng rent, pang insurance, kailangan mong kumita nang makagalaw ka sa kasalukuyang ekonomiya.
T’saka, wala pa kong tinatanggap. Wala pa ring malinaw na offer. Wala pa akong isinusubo.
“Nakiinom lang ako ng kape.” Ganun na rin ‘yun, tinanggap mo na. Courtesy lang nila ‘yun. T’saka, kakagising ko lang nung pumunta ko sa meeting,w ala pa nga akong toothbrush nun. “Hindi ako sumakay ng chopper, Donj.” Hindi ko gusto ‘yung helicopter position, ‘yung top-down na view.
Sabay na rin kaming umuwi ng Quezon, sakay ng cutting trips ng dyip at bus.