Natambakan na naman ako.
Hindi ko alam kung mga hindi ko ba naasikaso agad na nagpataong-patong na. Mostly, gaya ng to-write-on-blog-list, halaman sa bahay, scholarship applications atbp. Pero meron ding hindi ko kontrolado gaya ng sa trabaho, mga bagay na hindi ko puwedeng desisyunan, mga unfinished project proposals, at mga resultang hindi ko nakikita at ikinaiinip ko na.
Hindi ko alam kung bukod sa deep-inside na taranta ay takot ding magkamali. Parang hybrid ng surot ng takot at taranta na sumusundot-sundot sa utak mo kapag nasa dyip. Paano kung hindi mapangyari? Paano kung walang bumalik na kalapati?
Ako rin naman talaga ang nagpakomplikado. Iniisip ko nga baka uhaw lang ako sa mga gustong patunayan kaya ko ginagawa yung mga ginagawa ko ngayon. Oh edi ako ang napapagod. ‘yung napapagod ka pero hindi mo nakukuha ‘yung gusto mong result.
kafrustrate. katamad. auqna.
Pero lalakad pa rin naman bukas.
No comments:
Post a Comment