OKT 14, 2019, 4:34 PM
Me: Tinatapos ko ngayon yung Sixty in the City ni
Lualhati Bautista.
Me: Talagang walang patawad si Lualhati. Kahit
senior citizen, di inexempt sa heartbreak!
Sobrang astig nung isang linya, ayokong i-quote
dito kasi mas maganda mabasa mo sa loob ng nobela. Hinahamon n'ya 'yung
pagtingin na pang "bagets" lang ang pag-ibig. Binabasag 'yung
kaisipan na 'pag matanda, hindi na puwedeng maging malantong. Hindi man lang
nagbigay si Lualhati Bautista ng 20% discount sa pait at hapdi ng pagkabigo ng
damndamin.
OKT 15, 2019, 6:15 AM
Me: Rald. Grabe yung ending ng Sixty in the City.
Hanglungkot. 😞 Di ko pa
naman tapos, near ending pa lang.
Me: Grabe yung awareness sa pagiging babae talaga.
Kahit sa mga maliit na bagay ay hindi maliit na bagay.
Me: Ang sensitibo.
Me: Pero hindi pa rin sya preachy, nagbibigay pa
rin sya ng counter arguments; ng ibang perspectives. Sobrang demokratiko ng pagpapahayag
ng nobela n'ya rito.
Me: Parang this is my characters' view on feminism,
on being a woman, pero kayo, nasa inyo kung aakapin nyo. Tapos, #$%^&*
talaga yung ending.
Me: Naiinis ako.
hahahahaha
Me: Pero grabeeee pa 'yung sumunod na chapter!!!!
Me: HIMAGSIK!
Hindi naman sa hindi ko na favorite si Lea Bustamante, pero grabe rin si Guia. Kakainggitan mo 'yung tapang. Kakainggitan mo 'yung pagtitimpi na kimkimin 'yung gusto n'yang gawin para maging mabuting asawa at mabuting ina. Hahangaan mo 'yung pagkabaliw sa pagsasabi sa madla na ito ang gusto kong gawin, baliw na kung baliw. At tama 'yung anak mo Tita, hindi nakakahiya ang mga tula tungkol sa pag-ibig.
1 comment:
Hahaha. Pasensya, pasensya! Magrereply ako kapag nabasa ko na yung libro! Maghahanap muna 'ko ng kopya. :D
Post a Comment