Tuesday, October 1, 2019

Nintendo and Chill


Bigla-bigla na lang nagbigay si Walther ng free accommodation sa Queen Margarette. May libre pang almusal. Nag-book kasi sya para sa mga tao n’ya, e na nila matutulugan; hindi na raw pwede mag-refund. E sayang naman, edi, go na si patay-gutom.

Nag-compute ako. Kung magsusulat ako ng proposals sa coffee shop, 145 pesos ‘yung Cafe Italiano tapos average ng 4 hrs lang ang stay ko ron. Kung mamamasahe ako pa-Lucena 132 pesos lang tapos 22 hrs pa. [Di ko nasama 'yung cost ng meryenda at dinner so napamahal din ako talaga].

Sinama ko si Song. “Bakit? Anong gagawin sa Queen Margarette?”. Oo nga naman, nag-staycation na lang din kami sa Lucena pa, walang kaganap-ganap doon. Magsusulat ako proposal tapos chill ka lang. “Sige, dala na lang tayo Switch [Nintendo].” 

Ayun na, nadimunyu na ang proposal writing ko. Nag-hunt kami. Nagsulat-sulat lang ako kapag nasa cr si Edison. Umaagaw ng pailan-ilang sentences. Basta umusad. Naghapunan kami ng Tapa King, ‘yung Royal Meal tapos brewed coffee, ito ang nagpaantok sa’kin ng husto. Pero inabot na kami ng hanggang alas dos ng madaling araw kaka-hunt ng monsters. Naaalimpungatan na kong aandap-andap ang HP ko dahil nakakatulog na pala ako. 

Ang dami naming nagawa ni Song ha, nakapag-palit s’ya ng armor set at nakapag-upgrade kami ng weapon. Mahigit isang buwan din bago kami nakapag-hunt ulit. ‘yung una kong game di ko pa tapos ’til now; magkakalahating taon na! Ang dami ko na ring nasa quest board sa totoong buhay. Kung puwede lang mag-abandon ng quests e, kaya lang sayang 'yung coin rewards e. 

Next week naman, grind na ulit sa totoong buhay. Tapos, next year wala nang laro-laro. ‘yung sinusulat kong proposals, may pa-sweldo sa assistant ‘yun, kapag na-approve ‘yun mas marami akong time mag-chill. heh-heh

No comments: