Hindi ko alam kung anong oras ako nagising, malilim dahil maulap, mahalumigmig din. Karaniwang araw na uli, umuwi ako kagabi nang nakahiga na lahat ng tao sa bahay at bumangon na wala na uling tao baka nasa kani-kanilang kaabalahan na. Bago ako makaupo para umpisahan ang dapat gagawin ngayong araw, inabot na pala ako ng alas tres ng hapon. Hindi kasi mainit ang sikat ng araw ngayon kaya hindi ko nahalata habang naglalakad sa bayan. 'yung paligid ngayon ay parang may summer sa Italy noong 80s ang color grading.
Monday, June 14, 2021
Hunyo 14, 2021
Saturday, June 12, 2021
raket3.d
kinumusta kaming mga research assistants ng mga doktor sa team. siguraduhin daw na mabakunahan kami bago pakawalan sa field. kakatanggap ko lang ng recovery clearance ko at katatapos lang ng isa pang katrabaho na magkwarantin ng 14 days. isa pala sa research team ang absent sa meeting ngayon dahil nasa ospital: senior citizen na nurse pero nasa academe. unang nagpositibo ang asawa at s'ya ngayon ang klinikal na ang kalagayan pero hindi pa rin inuumpisahan ang COVID-19 management dahil ang tagal ng resulta ng RT PCR swab test sa Leyte. kung hindi ba nabakunahan, hindi raw. nakadalawang balik na sa pag-asang mababakunahan bilang senior citizen naman pero hindi nabakunahan ang mag-asawang matanda. dumagdag lang ang exposure sa labas ng mga matatanda na maaaring nadamay sa cluster infections o 'yung grupo-grupo dahil lang hindi maayos ang siste ng pagbabakuna sa malalayong bayan ng probinsya.
#
Ilang araw lang at babanggitin ni Dr Carissa na nabawasan na kami sa team; "nag-arrest at hindi na umabot ang permafusion". Ito ang huling message sa team:
"But I suppose God’s ways are not our ways. So we wait on Him. Whatever shall befall me, I should be singing til the evening comes: Praise the Lord O my soul, worship his holy name 🙏🏽”
Inulit ni Dr. Medit na mabakunahan lahat kaming research assistants.