tinatawagan ko 'yung isang doktor sa bandang bondoc pen ng Quezon. bakit kaya hindi sinasagot, nakikita naman n'ya chat ko, nag-confirm pa ng call appointment sa text; hanggang si dok na ang tumawag pabalik, hindi raw s'ya pamilyar sa viber. nag-usap kami tungkol sa sistema nila ng serbisyong medikal sa munisipyo nila at nasa 31 din ang staff nila ah, kasama na 'yung mga 'ibinaba' ng DOH at balik face-to-face na konsultasyon na sila. ang pinaka naging mahirap daw na tugunan noong pandemya ay 'yung mental. kung mental health ba ito, "psychiatric" sabi ni dok. muntik na kong mapabitaw ng "aahhh mga baliw" buti hindi dumulas, hindi na yata politically correct 'yun. nag-asikaso pa rin sila ng mga psychiatric patients noong lockdown. 'kaloka. biglang naputol ang tawag namin nang sabihin ni dok na may emergency, humingi ng pasensya at narinig ko pang tinatawag si dok dahil may tumaob na bangka. may bagyo nga pala.
No comments:
Post a Comment