Monday, June 14, 2021

Hunyo 14, 2021

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising, malilim dahil maulap, mahalumigmig din. Karaniwang araw na uli, umuwi ako kagabi nang nakahiga na lahat ng tao sa bahay at bumangon na wala na uling tao baka nasa kani-kanilang kaabalahan na. Bago ako makaupo para umpisahan ang dapat gagawin ngayong araw, inabot na pala ako ng alas tres ng hapon. Hindi kasi mainit ang sikat ng araw ngayon kaya hindi ko nahalata habang naglalakad sa bayan. 'yung paligid ngayon ay parang may summer sa Italy noong 80s ang color grading. 


Hunyo 14, 2021
Sitio Guinting, Brgy. Lalig
Tiaong, Quezon

No comments: