Imbes na ulam, pekeng rosas ang inuwi ni Mama galing sa
Central kaninang tanghali pagkasundo kay Rr. Nag-abot lang ng pambili ng
uulamin ko ay umalis na ulit ang magnanay papunta namang palengke.
Kaninang hapunan, dala naman n'ya ay rosas na kulay lila ang
dala n'ya galing naman kay Idon. Pilit na naghanap ng lila at binawas pa ng
pinsan ko sa baon n'ya ang niregalo kay Mama. Lila pala ang paboritong kulay ni
Mama.
"Asan na kaya ang ama mo," tanong ni Mama.
Dumating na raw kasi 'yung bill nung a-diyes pa. "Tapos, wala na ring
patuka 'yung mga manok n'ya. Iisipin ko pa yan?" Hindi lang namin
pinapansin at naasiwa kaming magkapatid pero may naalala naman akong Araw ng
mga Puso na may pa-flower at pa-heart baloon si Pader kay Mama. Si Rr naman ang
tuwang-tuwa noon sa lobo.
Kanina bago maghapunan, may iniabot din pala si Rr kay Mama,
"Happy Valentines Day Mama and Papa" sabi ng tinuping short bond
paper. May nakakapit pang heart-shaped cut outs sa harap. May sticker pa ng
puso sa likod ng papel na hindi man lang naigitna-gitna ang pagkakakapit.
"Hindi naman s'ya ang nagsulat," sabi ko. 'yun
pala ang inactivity nina Rr sa Central kanina. Trinace n'ya pala 'yun.
Pumasok naman si Kilino na may dalang nilagang pata ng
baboy, nakalimutan ko nang kaarawan nga pala ng kapit-bahay naming si Val.
Maya-maya si Rr naman ang may dalang minatamis na sago at nata galing din sa
kapit-bahay.
Nakakatanggap din naman ako ng mga gifs, memes, at stickers
sa FB pero kebs lang sa paganismo at komersyalismo. Pero napangiti ako sa isang
text message na natanggap mula kay Ate Noeme kahit medyo pa-jejemon:
"Gudeve po, sir happy valentine we in harmonica
spa... mis u.. Take care always..."
Hindi rin biro-birong makipagrelasyon sa mga komunidad. Na
'yung 'ser' ay pamangkin, anak, kumare, kachokaran, dabarkads, kapanalig, at
kagahing na rin. Ang hirap mag-move on.
Ok wait, tama na.
Rr! Paabot nga ng tissue beh.
No comments:
Post a Comment