Thursday, August 15, 2019

Bumisita kami ng Leyte Sab-a Peatland.





Bumisita kami ng Leyte Sab-a Peatland. 

May peatlands tayo sa Pilipinas!

Napag-aralan namin 'to sa kaisa-isahang EnviSci subject noon. Litong-lito kami sa pinagkaiba ng marshland at peatland, p'rehas kasing matubig. Google n'yo na lang din yung tungkol sa features ng peatlands.

Grabe 'yung socio-political history ng Leyte Sab-a Peatland. GMG! Pero grabe rin yung commitment ng local governments, parang ayokong maniwala pero sincere sila "to correct the sins of the pasts". Masyadong mahaba yung kuwento.

Meron tayong Waray-waray at Mindanaon na salita sa peatland; luyon-luyon at guyon-guyon. Siguro dahil mauga ang lupa sa luyon-luyon, parang umaalon. 

Nakatapak ako sa luyon-luyon. Mukha lang s'yang malawak na damuhan tapos may konting tubog o kaya sapa. Puwedeng hindi mapansin kung nasa byahe ka. Ang hirap ilaban ang karapatan ng luyon-luyon kumpara sa iba pang ecosystems kung hindi mo mauunawaan ang siyensya sa ilalim ng madamong luyon-luyon. 

Parang lulubog talaga ang bawat hakbang mo pero puwede ka ngang lumubog kung di mo hahatiin yung bigat mo sa bawat pagtapak. 

Puwede bang ang luyon-luyon at mga komunidad ay magkaroon ng malakaibigang pag-iral? Hindi madali pero kaya naman kung aagapan yung pagkasira ng luyon-luyon. Reversible pa sa ngayon. 

Bumisita rin kami sa mass grave sa Palo, Leyte. Ito yung mga biktima ng halimbawa ng climate crisis; Super Typhoon Yolanda. Isang hakbang ang pag-aalaga ng mga luyon-luyon dahil kaya nitong mag-imbak ng gigatons ng carbon gases. Malaki na raw yun ayon sa eksperto mula sa Indonesia. May 14 million has ng peatlands ang Indonesia! Sa Pilipinas, may listahan na tayo ng peatlands at suspected peatlands. At una pa lang ang Leyte Sab-a Peatlands na may malaking conservation efforts. 


#

Dyord
Baybay, Leyte
Agosto 15, 2019







No comments: