Wednesday, August 7, 2019

Sa Kabila ng Lahat

Sa kabila ng lahat ng nangyayari sa paligid: banta ng demokrasya sa Hong Kong, krisis sa klima, pag-aagawan sa mga isla, pagkikibit balikat ng mga nasa kapangyarihan para kumilos; ay parang may crush ako ngayon.

Parang may crush ako ngayon. Ngayon na lang ulit ako hindi sigurado sa gusto ko. Oks din naman palang yakapin yung di kasiguraduhan. 'yung nanunulay sa puwedeng oo at puwedeng hindi. Ilalapat ka ulit sa lupa, mawawala 'yung pag-aakala mong kilala mo na talaga 'yung sarili mo kung aakapin mo rin minsan 'yung hindi piho. 

Baka natutuwa nga lang din ako. Ang normie kasi, 'yung pagka-slow n'ya sa mga jokes ko sobrang natural. 'yun nga lang di ako sigurado sa pagkamakulit n'ya, baka dahil kakakilala lang. Lingid sa kaalaman ng mga bumbero, pumapatay pa naman ang pagkapamilyar ng apoy.

Susubukan kong hindi mag-reply ng mabilis.

No comments: