Wednesday, August 14, 2019

Nasa isang scientific community conference pa rin


Nasa isang scientific community conference pa rin. 


Parang ang hirap isulat ng iba kong naririnig. Ang lungkot kasi. Example, since 1992 ang Protected Area ng Southern Sierra Madre (Gen. Nakar, Real, at Infanta) ay walang Protected Area Management Plan. Wala silang pinaka bibliya na pag-aangklahan ng pangangalaga sa bulubundukin. Kahit na protektado s'ya ng pambansang batas, mahalaga rin na may mga lokal na mga polisiya at plano na nasusulat. Hindi ma-explain masyado at hindi ako lawyer pero alam ko mahalaga na laging may nag-uusap at pinag-uusapan kasi it can push back yung mga projects na nakukurtinahan ng "development" pero nakakapurhisyo in the long run. T'saka totoo yung sinabi nung isang attendee e, hindi puwedeng isa o dalawang tao lang ang nagdedesisyon sa loob ng protected area. At dapat na dapat lang na may upuan ang mga cultural communities sa mesang magdedesisyon sa mangyayari sa malaking bahagi ng kanilang lumang pamana. Sad reacts only.

Nag-uusap kami ni Jane (again, hindi kami lawyer). Kung tutuusin doble-doble nang proteksyon nito sa batas. Protected area (NIPAS Act) at ancestral domains (IPRA Law), pero umaaligid-aligid pa rin ang mga national projects dito for "development" na hindi ikakatuwa ng mga naninirahan doon. 

Good news: May PAMB ang Protected Landscape ng Mt Banahaw- Mt Cristobal sa Quezon. May social fence kasi organisado ang mga may paki sa bundok. At may pagtaas sa sightings ng Philippine Warty Pig na maaaring dahil na rin sa pagbaba ng kaingin at pagtaas ng reforestation efforts. Pero since 2014 wala pa ulit sighting ng Philippine Rufous Hornbill, oooh. Nagkaroon na rin sila ng pag-uusap sa DepEd Quezon para isama ang biodiversity sa curriculum. 




#

Dyord 
Visayas State University
Baybay, Leyte
Agosto 14




No comments: