bigla na lang akong nahigit nina Adipose at Rodora. dinaanan ako ng Estrada sa may amin, sa may riles. magmamami kay Tita Melods, yung kainan namin noong college. agad naman akong naligo kahit kakakain ko lang ng tanghalian. dito kami nangungutang dati ng kape o kaya mami with half egg. ginugulantang ng mga halakhak ang nagsisiesta na si tita Melods. nasa tabi nga rin pala ito ng riles. sigurado na ba, kako. baka mabago pa kapag nagpalit ng administrasyon, lalo na't intsik ang kontraktor. hindi na, napirmahan na raw ng presidente sabi ni tita Melods. "hagip ito [mamian], 'yung QARES [kung saan kami nag-OJT], at yung bagong building [sa SLSU]," baybay ni Tita Mel. "sana naman makalimang taon pa bago mapaalis at makabili muna kami ng bahay naming sarili." bukod pa sa pangungumusta sa mga buhay-buhay ng mga suki rin dati sa mamian na wala naman kaming pakialam.
No comments:
Post a Comment