Saturday, April 9, 2022

Abril 09, 2022

It was a nice day. Wala masyadong plano ngayong araw. Subukan lang namin mag-yoga sa bagong bahay nina Ashley at Jhunnel, newly weds. Medyo matagal ko namang plinanong mag-yoga talaga. Andito rin pala si Neal, newly broke up. Slow day, nangaghilata lang kami sa sofa nina Ash na binili sa Waltermart. Tinanong kung saan-saan galing ang mga furnitures at fixtures sa bagong bahay. Inalam saan binili ang mga paintings. Tsikahan ng kung sino-sinong mga tao. Kung saan lang mapunta ang usapan habang nakatakla sa sofa. Rest day din ng bagong mag-asawa na maraming trabaho. So, walang agenda. 

Huminga lang. Humalik sa sahig. Sininghot ang gabok habang nagyoyoga. Nakikinig sa yoga teacher sa Youtube habang gumagalaw. Naaalala kong bigyang-pansin lang ang pag-iral. Koneksyon ng mga bahagi. May maalog, may matigas, may mabigat, may ngalay, may kirot, tapos paglapat. At patawarin ang sarili sa mga bahaging hindi maiunat, maiabot o kahit nga maramdaman. Nang sabihin ramdamin ang koneksyon ng ulo sa buntot, ang kahabaan ng gulugod; shet di ko maramdaman ang gitna kong katawan. Manananggal pala ako. Lutang/kulang pero okay langang mahalaga ngayon ang paghinga -Pag-iral. May pahinalay sa pamamaluktot. Umiral, singhot-buga, maging mortal at hindi agenda.

Pakiramdam ko ang haba ng araw. Ang dami kong ipinawis. Binawi ko lahat ng pamamaluktot sa isang liempo at unli rice sa Inasal Pampanga's Bezt sa Talisay. Umuwing magaan kahit busog, busog pero magaan. 


#

Abril 09, 2022
Lalig, Tiaong, Quezon

No comments: