Tuesday, April 12, 2022

parang gusto kong mag-aral ulit (Masteral 5)

parang gusto ko nang mag-Masteral talaga. nakasobre pa rin ang mga recommendation letters ko noong 2020 para sa Masteral sana sa lokal na unibersidad, handa na akong gumastos kaso pumutok ang bulkang Taal kaya di ko na muna tinuloy. nawalan ako ng trabaho, ipon at nakabawi na uli ako financially kaya baka puwede na uling mangarap.

gusto ko na uli mag-Masteral sa ibang bansa. 'yung kurso pa rin na tiningnan ko noong 2016 ang gusto kong kunin: Wild Writing sa Essex lang meron. Hindi creative writing kundi wild writing; mas nakatutok sa pagsusulat sa/ng kalikasan, paligid at samut-saring buhay. Dalawang taon bago ako mag-conservation work noon. 

para makapag-apply sa kurso kailangan ko na lang ng recommendation letters tungkol sa pagsusulat, pasadong IELTS exam at personal statement. wala pang scholarship ito. Admission pa lang sa school. ang nakakatamad dito, puwedeng asikasuhin ko lahat 'yan at hindi ako matanggap. puwede rin namang makapasa. 

ito ay thread na babalik-balikan ko para sa binubuong personal statement: 

1. gusto kong maglakad-lakad sa parke sa probinsya ng United Kingdom kapag weekend at walang klase 

2. gusto kong mag-intern/volunteer sa mga gallery o suminghot ng kultura

3. gusto kong magsulat nang malayo sa Pilipinas

4. gusto ko [pa bang] makasulat ng libro? 

5. gusto kong tipidin ang tuition fee para makabili ng bahay pag-uwi

[balik ako kapag may naisip pa akong dahilan kumabakit gusto ko uli mag-aral ng Wild Writing kahit pag-uwi wala naman akong balak magsulat bilang kabuhayan o propesyon.]

No comments: