Nagkatrangkasong lubog na malala kaya wala ring matrabaho. Nanood na lang kami ng kapatid ko ng mga War of the Worlds movie adaptations simula 80s hanggang 2021. May anime, sci-fi, apocalyptic retelling/rehash. Maganda yung isang concept, ginamit natin ang Martian technology para sa development. May martian species na naka-adapt or naka-develop din ng immunity sa virus.
May pelikulang nagsisimula sa napakaraming astrophysics jargons na wala kaming mahagip. Usap-usap lang at hindi naman pinapakita ang alien. Ipakita nyo yung alien wag kayo mag-flex ng mga military montage. Ang hostile pala talaga ng response natin sa non-human lives no? Kapag hindi tao, threat. Low cost pa yung FX ng ibang pelikula tapos masalita masyado. Paiba-iba yung POV, may konting family dramang pilit, lubay pa ng plot. Gusto ko lagi yung tinitingala yung mahahaba ang galamay na Martians, may pailalim na saya kapag may kaguluhan sa business-as-usual na siyudad. Electromagnetic pulse, electro charge, tapos kumuha ng yellow pad paper si astrophysicist, tapos sumulat ng mga dalawang stroke ng ballpen at nakuha na nya na gustong sirain ng Martian ang ozone ng Earth. Terraforming Earth pala sya, gagawin Mars ang Earth parang satire take on terraforming Mars.
No comments:
Post a Comment