nood ako ng isang ads ng isang luxury real estate sa Lipa na bubuuin pa lang. lalong hindi ko naman kakayanin ang monthly mortgage neto, iniisip ko pa lang kung anong klaseng pagsisisrko ang gagawin ko para lang makahulog buwan-buwan. pinanood ko lang. mabagal at malumanay ang pagkukuwento tungkol sa rangya ng puwang, may babaeng nagbabasa sa estetik na kayumanggi na motif na kwarto. satin ang pajama ni ate, earthy colors lahat kumpara sa middle class na housing na masigla ang tunog at makulay ang brand. sunod ay ang rangya ng oras, may babae namang nasa kusina na nagluluto na ang suot ay parang mag-oopisina sa BGC, rangya talaga. kitang kita pa ang kulay ginto na hikaw habang akmang titikman ang sandok. sunod na slide ay rangya ng buhay na mainam (well-lived) hindi ko alam ba't ang dating nito ay himlayan sa'kin pero tungkol ito sa mga espasyo na luntian sa paligid ng properties. ikinakabit pala natin ang lunti sa rangya at marangya na alng ba ang paligid na luntian o baka ang ibig sabihin ay kahit malapit ka sa siyudad ay maraming luntian sa paligid ng properties namin. sana idisenyo na lang ang pag-unlad ng syudad na lunti para may akses lahat. di yang nasa loob ng de bakod na komunidad lang. may lounge, pet park, tennis court at club house na ang paligid ay berdeng mga halamang galing sa abroad. maganda naman kung sa maganda. dumadami na ang house developers sa paligid sa probinsya, umuunlad na nga siguro tayo. hindi pa nga lang kayang bumili ng bahay.
No comments:
Post a Comment