Naimbitahan nga ako ni Ms. Yna, ang editorial director ng OMF Lit., para sa kanilang ginanap na Creative Non-Fiction (CNF) Workshop-Talk sa Boni-Pioneer. Nakakatawa dahil si Bebang Siy na naman ang nag-talk sa nasabing workshop. Mukha na akong stalker ni Ate Bebs dahil kapapakinig ko lang sa talk niya sa Aklatan 2014 nito lang ding Nobyembre.
Si Bebang Siy, nag-iingay sa unahan
Kahit sabi ni Ate Bebs na wala na kaming mapipiga sa kanya (dahil nga marami ng talks na narinig namin siya) ay marami pa rin naman akong natutunan. Gaya ng... gaya ng... ahhhmm... ah basta! Madami. Nagbigay siya ng 6 Tips sa Pagsulat ng CNF o sanaysay na kahit isa wala akong maalala. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay wala akong natutunan. Kung pinipilit mong malaman kung ano talaga yung natutunan ko, e ito yung kung paano nakakatulong sa sarili at sa iba ang pagsusulat.
Para kay Ate Bebs, ito ang mga dahilan kung bakit tayo nagsusulat:
1. Para sa sarili
2. Para sa iba
3. Para sa bayan
4. Pangkabuhayan
Para kay Ate Bebs, ito ang mga dahilan kung bakit tayo nagsusulat:
1. Para sa sarili
2. Para sa iba
3. Para sa bayan
4. Pangkabuhayan
Sinulit ko ang registration na Php 75. 00 sa pag-ubos sa potato chips sa table ko. Baka hindi na'ko iimbitahan ni Ms. Yna sa susunod dahil sa pagiging patay-gutom ko. Magkagayunman, na-imbitahan ulit ako ni Ms. Yna para sa Christian Writers Fellowship Christmas Party.
Pasasalamat:
Kay BOSS: Para sa mga ganitong klaseng opurtunidad na hindi naman ako deserve at sa nakuha kong raket.
Kay Ms. Yna: Sa kanyang mga imbitasyon sa hindi lang "young writer" kundi "hungry writer" din na kagaya ko.
Kay [*kung sinuman siya]: Naging kaibigan ko 'to doon sa talk. Mula pa siya sa Calamba, Laguna kaya kasabay ko siya umuwi pa-South. Tapos, nakatayo kami sa bus dahil uwian ng Biyernes ng gabi. Tapos, para hindi kami antukin ay nagsagawa kami ng review and discussion kahit mukhang ingay na ingay sa'min ang mga pasahero.
No comments:
Post a Comment