Unang sweldo. For sure, makukuha mo lang yan sa una mong trabaho. At sa una kong trabaho, ang una kong sweldo ay na-delay. Ye-ey! Hindi sa dahil may problema yung kumpanya, kundi dahil ako ang nagkaproblema. Hindi ko naibigay yung account number ko sa accounting at inabot ako ng cut-off. Malay ko ba? Kaya yun na-move siya sa katapusan. Lalo lang akong na-eksayt!
Hindi ko kasi inalam kung magkano ang su-swelduhin ko. Basta sinulat ko lang kung ano yung expected salary ko nung nag-eksam ako. 'Yung buong katotohanan ay 15K talaga ang tibok ng puso ko pero considering my experience (na wala pa naman) at credentials (na hindi kapani-paniwala) ay ibinaba ko ang demand sa 13K kada buwan. After kong ipasa yung papel, nagtanong ako sa isang kakilala kung magkano ba ang 'tamang' sweldo kung nag-aapply ka bilang writer sa Philippine Daily Star (codename ng pinagta-trabahuhan ko dito sa blog), sabi n'ya 12-14k. Uy! Nasa optimum lang 'yung finil-up ko. Hindi naman umo-o yung kumpanya sa demand ko, hindi rin sila humindi. Silence means yes ata ang policy rito. Kaya wala akong clue kung magkano papatak ang unang sweldo ko.
Hindi na rin ako nagtanong kung magkano. Surpresa na lang. Sabi ng mga nagtatanong kung magkano raw ang sweldo ko, karapatan ko raw magtanong kung magkano ang per day ko. Karapatan ko rin na piliin kung i-e-exercise ko ba ang karapatan na 'yun o hindi. Tingnan ko raw sa contract, pero wala ding nakalagay doon. "Naku! Wala kang suswelduhin d'yan! Bayani pala yang inapply-an mo." biro ng mga kasama kong nakikituluyan sa kumbento. Tsaka, tiwalaan na lang. Tinanggap ako ng Philippine Daily Star nang hindi man lang nila alam kung nakakasulat ba talaga ako ng artikel, kaya tatanggapin ko rin kung anung isusweldo nila sa'kin. Madali namang umalis kung hindi makatarungan. Isa pa, sinuswelduhan naman ako sa bagay na gusto kong gawin.
Disyembre 29, 2014. Pinakain ko sa ATM yung card ko. Tapos, nagbalance inquiry. Hindi ko tiningnan yung screen, hinintay ko yung resibo ang magsabi ng sweldo ko. At Php 10, 372 pala ang sinuweldo ko. Bale sa loob yan ng 19 days kong ipinasok at may mga kaltas-kaltas na. Hindi ko muna winidro, umakyat muna ako para iatado ang limpak na limpak na salapi. Limpak na 'yan sa'kin, wag kang ano dyan.
(Expenditures hanggang sa susunod sa sweldo, Savings, Leisures & Vices, at Tax kay Inay)
Pagkain P 800
Pamasahe 835
2Ps -Pantawid Pamilya 2,000
Operation Blessing 350
Panitikan Purchases 580
Linis-linisan Budget 50
Aura Allotment 191
*TOMP 1,437
Contingency Funds 700
Tipon sa Tag-Ulan 3,000
P 9,943
blogger, manggagawa, hirap maligo sa umaga
Salapi para sa Survival. Yung budyet ko sa pagkain at pamasahe ay cinover na yung pagkain at pamasahe ko hanggang sa susunod na sweldo. Kasama na rin dito yung ipinamasahe ko pauwi sa amin sa Tiaong. Tapos yung pamasahe ko sa pagpaparoo't-parito sa Lusacan para makipagkwentuhan sa mga kaibigan.
2Ps. Ito na rin yung Tax kay Inay. Dahil isa akong Pilipino at kulturang pinoy ang pagtulong sa pamilya, nag-abot ako ng 2k para sa 2Ps. Kahit na alam kong maraming benta ang nanay ko sa palengke noong kapaskuhan, at hindi naman kami garbo maghanda dahil maraming handa ang kapitbahay; nag-abot pa rin ako. Itutulong din naan yun ng nanay ko sa aming mga kamag-anak. Marami siyang charity works, kasing dami ng utang niya.
Operation Blessing. Nag-abot ng bahagya sa 'Kumbento' kung saan ako nakikituloy pansamantagal. Yung 35 dyan, pinambili ng tinapay at kape sa'king huntahan sessions kena E-boy.
Panitikan Purchases. Libro lang 'yan at comics. Nakakapangamba dahil maraming tukso sa paligid ko. Hindi lang dahil malapit ang NBS at Book-for-Less sa trabaho ko dahil ultimo sa bangketa at sa underpass ay may nagtitinda ng libro. Ngayon, may 5 na 'kong nabiling libro at 6 na komiks. Wala pa nga 'yung ikalawang sweldo.
Linis-linisan Budget. It is consisted of sabon, both panligo at panlaba, shampoo, at downy.
Aura Allotment. Pumunta ako ng MegaMol dahil may tiningnan ako na biyulin. Tapos,kumain lang ng bahagya sa Jollibee. Hindi naman siguro masamang i-date ang sarili at bumida ang saya kapag holiday.
*TOMP- Ito ay laan para sa 'religious activities'. Religuous activities at pinasyang hindi na i-elaborate pa. Hindi po ito donasyon. 'Wag ring maipagkamaling ito ay limos. Basta 'yan na yan at wala nang mga detalye pa.
Contingency Funds - para sa mga emergency situation. Kagaya nito: Pagdaan ko sa bangketa, nakita ko yung 'All I Really Need to Know, I Learned in Kindergarten' ni Robert Fulghum, paperback editon. Tinignan ko yung likod; P 150 lang. This is an emergency kaya hinugot ko yung ConFunds at binili ko. Mabuti na lang at naagapan ko ang emergency na 'to.
Tipon sa Tag-Ulan. Ito ay simpleng savings lang na maaring hugutin pambili ng biyulin, malaking bag, maleta, pang-licensure exam, pang-laptop, at iba pang maaring kailanganin ko pa sa panahon ng tag-ulan at hindi na'ko employed. Dahil alam ko na panandalian lang ito at hindi ako permanente sa trabaho.
"Unang sweldo'y walang kasing tamis. Ang tamis ba'y magdudulot ng hinagpis? Mabuti pang walang tamis at nagdidil-dil sa asin; walang pait, at least."-Dyord,
blogger, manggagawa, hirap maligo sa umaga
No comments:
Post a Comment