Tuesday, April 28, 2015

Job Order

Dress up!


May order ang isang kostumer:
Elegant Long Gown
May Likod (Hindi backless para may decency)
Long Sleeves dapat
May Head dress
May boquet ng Blue Roses (Bakit blue?)

Mekaniks:

Gagawin ng bawat grupo ang gown ayon sa job order sa kanila. Sa bawat isang grupo ay may model na bibihisan at siya rin ang rarampa ng natapos na disenyo. Ang gown ay gawa sa cartolina, colored paper, tape, at dyaryo. Ang mga lider at asistant ay isang kamay lang ang gagamitin. Dalawang kamay naman ang sa miyembro. Sa loob ng 30 mins tapos na dapat ang gown at huhusgahan na ito ng mababait na hurado. Ondaspat akong naging hurado.

Criteria for judging:

Job Ordrer -50pts
Over-all Design -25pts
Cleanliness/Neatness -25pts
Boquet -10pts
 ...for a total of 110 pts.(Bakit 110?)


Ito ang nakita kong goal ng game: Madevelop ang pagiging malikhain ng mga bata dahil magdidisenyo sila ng gown. Ma-eenhance din ang kanilang pagiging people smart dahil kailangan nilang maging organized dahil kung lahat ng gustong idikit sa modelo ay ididikit,  baka hindi na makalakad ang modela dahil balot na balot na ito. Dapat comfort before style! Magiging people smart ang mga bata dahil kailangan nilang makipag-cooperate sa mga kagrupo nila. Matututo rin silang sumunod sa instructions dahil malaki ang puntos sa pagsunod sa job order.

       
              

             
                       *Ang lahat ng larawan ay kuha ni: Dyord


Si Mil, Kuya Jun-jun at ako ang hurado at ito ang mga komentong constructive naman habang ginagawa pa lang ang mga evening gowns ng tanghaling tapat:

Parang basurang bumangon sa junk shop

Mukhang scarecrow
Mandirigma na naka-full armour
Parang napagkalmot ng alimos
The Mummy Returns


Matapos ang kalahating oras ay inirampa na ang mga natapos na gowns. Malikhain ang mga bata sa kanilang mga disenyo parang susunod na kay Enrique One o Pepsi Herrera. Todo cheer pa sila sa kanilang modelo. Yung isa nag-iyak dahil ampangit ng gown na dinisenyo ng kanyang mga kagrupo. Maaring hindi na-appreciate dito yan pero malay mo isang araw dumating din yung araw o tao na makakaappreciate niyan. Hindi naman natalo si Pane, hindi pa lang niya oras. Parang ganun.

Tinally na ang raw score at ito ang desisyon ng credible na inampalan:

1st 99 pts out of 110 goes to..... Yellow!
2nd 93 pts out of 110 goes to.... Green!






Ang Job Order ay isa lamang sa mga pakulo ng Tiaong Baptist Church sa kanilang Juniors' Summer Retreat na may temang "Ang Kaharian ng Diyos ay para sa mga Bata". Pakulo talaga ngayong summer.

Karir Plan


Nachos ala Dugie
Kuha ni: Dyord

Magkikita kami ni Adipose (Ate Tin) at Perlita (Dolour) bukas. Kena Perlita na ang benyu para tipid. Mga barkada ko ito noong college at alam mo naman kapag may career na, ay ang hirap nang buuin ng barkada. Ang sisipag pa naman ng mga kaibigan ko, nuknukan talaga! Kaya parang 3-4 times lang kami nagtagpo last year. Ito ang una ngayong taon.

Tapos na kasi sa work niya si Adipose. E kakatapos ko lang din. Si Perlita lang ang stable sa career niya. Si Rodora (Ana) ay hindi pa namamataan pero ang huling intel report ay hindi raw niya pwedeng iwanan muna ang mga sisiw. Libo-libo lang namang mga sisiw ang tinatrabaho niya ngayon. So, kaming tatlo lang ang magkikita. Para saan? Karir Plan.

1. Rebyu ng previous work. Anong natutunan sa inalisan na trabaho? Anong naidulot nitong paglago sa'yo? Anong naiambag mo sa industriya?

2. Saan o ano ang susunod na tatrabahuhin?

3. Para kanino ka kumakayod?

4. Tips sa pag-aaply at pagsulat ng cover letter. (Dito ako banum-bano)

Hindi lang ito pagpaplano sa karera o propesyon, magiging hugutan ng motibasyon at inspirasyon ang magaganap na panginginain... pamimingganan... planning! Planning pala. Magdadala nga raw kasi ng mangga si Adipose kaya medyo nasa-sidetrack ako. Dapat may mapuntahan ang pagpupulong bukas! Dapat maging produktibo!

Medyo maasim man ang naging takbo ng aming karera, pasasaan ba't may tamis ding matitikman. Bukas sabay-sabay ulit kaming hahabi ng mga pangarap sa saliw ng indian meyng-go at mainit na kape gaya noong college days.

Ito na nga ang documentation ng mga naganap:

                              
Ako, si Perlita at si Ate Tin, hindi palaging magkasama pero palaging kumakain.
Kuha ni: Perlita at Ate Tin

Attack! 
Kuha ni: Bea (Kapatid ni Perlita)



Thursday, April 23, 2015

Ang Hit na Tag-Init!

'Ambisi ko na! Lalo na ng mga nagdaang araw. Hindi ko na namalayang may namatay sa milk tea. Hindi ko na rin namalayang guilty si Napoles sa illegal detention. Tapos, may babarilin pa lang OFW sa Indonesia dahil sa drug couriering. Tapos, si Espina nagresign na rin. Lahat yan ay nauulinigan ko lang. Hindi ko alam ang detalye. Wala na ko sa current ng current events dahil nga abala kuno.

Long time, no time sa pagba-blog. Nag-Holy Week kasi tapos bumalik pa ako ng saglit sa opis para tapusin na ng tuluyan ang aking pers job! Tapos, malamang talagang mag-catch up ako sa buhay na kinagat-kagat ng trabaho ko. Marami pa kong mabibigat na dahilan kung bakit natigil sa pagsusulat gaya ng wala akong maayos na bolpen. Valid yun! Kahapon lang ako nakabili.

Sa dalawang linggo ng aking pagkalaya ay medyo may karamihan ding inatupag. Bago ako umuwi noong last day ko ay nagprint muna ako ng updated version ng aking resume, pero hindi pa ako nag-aapply ulet. Konting panahon pa ng paghahanda. Kapag nakaramdam na ulit ng gutom, saka!

Ito yung mga nagawa ko for the past days: nakapagplano na kumuha ng Civil Service Exam (w/ Jet-Jet), nakapaglubalob sa ilog ng Lumbo sa Dolores (hindi kami naligo nina Roy, Alquin, at Jul, yung mga kabataan lang na kasama namin), nakapag-lesson na ng high-yield music theory (TaliNotes), nakapag-SM at bumili ng bolpen, nakatapos magbasa ng dalawang nobela, at nakapaglakad-lakad ng mga aso. Ikaw na ang humusga kung produktibo o hinde.

Balak ko pang maging produktibo ngayong tag-init. Tutal, pawis na pawis na rin ang kili-kili ko sa banas, e sasabayan ko na ng produktibong aktibidades. Aasim na lang din ako, dapat may matamis akong malilikha!

Speaking of matamis na malilikha ay napag-usapan namin ni Jul na gumawa ng palamig. Tutal, mainit naman at irerenobeyt ang kanilang simbahan, e di maraming mag-aalwage, marami ring bibili ng palamig. Hashtag produktibo! Tapos, naisip din namin na mag-ambagan kami nina Roy at Alquin para gumawa ng mango-graham float. Tapos, ibebenta namin kay Gabby, o si Gabby pa mismo ang magbebenta. Hashtag produktibo! Nasusukat ba ang pagiging produktibo sa salaping naje-generate mo? O sa mga akitibidad na natapos mo pero hindi ka naman masaya o nakadama ng sense of accomplishment? Ikaw, depende sa depenisyon mo ng produktibo.

Marami akong gustong pag-aralan ngayong tag-init. Tambak ang dapat basahin. Gusto kong magsulat! Teka... teka... i-bubullet form ko na lang para mas organisado. Ito ang gusto kong mapangyari ngayong tag-init:

a. Maipagpatuloy ang TaliNotes. Isa itong mini-music theory class tuwing Lunes kena Jul. 'Yung bilang ng estudyante ay kasya pa naman sa isang banig. Layunin ng klase na makabasa ng nota ang mga musikerong mag-aaral na dati'y tainga lang ang ginagamit sa pagbibigay ng nota.

b. Makapagbasa. Tambak ako ng aklat na babasahin dahil kada uuwi ako noon mula sa Maynila ay may dala-dala akong mga libro. Para akong langgam na nag-iipon para sa tag-ulan kaya lang tag-init pa lang ay uumpisahan ko nang ikonsumo ang naipong mga libro. 'Yung bilang ng libro na naipon ko ay tatagal kahit sa isang taon pa ako magtrabahong muli. Ngayong Abril ay panitikang Filipino lang ang binabasa ko alinsunod sa pagdedeklara na ang Abril ay Buwan ng Panitikang Pambansa. Sa Mayo, baka Classics naman. Bahala na. Marami rin akong inuwing mga New York Times International  at iba pang mga magazines. May mga print outs din ako tungkol sa panitikan at mga PDFs tungkol sa fundamentals of music. Wooooo! Andami-dami!

c. Matapos ang course ko sa Time Management. Konting lessons pa at ilang quizzes na lang at tapos na! Dapat lang na mamani-obra ko talaga ng maayos ang oras ko dahil ang oras ay isang hindi na naibabalik na yaman. Saan ba napupunta ang mga nasasayang na oras? Gaano karami ang nasasayang? Gaano karami ang kapakipakinabang na mga oras? Alin ang mas marami? Itong mga tanong na ito ang kahit papaano'y nakakapagtulak sa aking may gawin parati.

d. Makapaghanda sa susunod na trabaho. Makapag-apply ganan. Dapat mai-handa ko na ang loob ko sa susunod na tatrabahuhin. Kasama na rito ang pag-aaral. Pagbabalik ng interes sa pag-aaral. Dapat din na kumilos ako sa pagpapasa ng resume. Konting paghahanda pa at hahakbang na rin ako.

e. Makapagsulat. Dapat mas marami akong masulat ngayong wala na akong trabaho. Pero baka sa notbuk ko muna masulat lahat kasi bihira lang akong makakahawak ng computer ngayon para sa blogging. Medyo malilimitahan ang posts pero sana kada posts ko ay yung medyo may laman naman na mga posts. Balak kong magsulat ng mas maraming tula ngayon. Tapos, makapag-utay-utay ng sanaysay at comics script! Hindi ko naman titigilan yan hanggat wala akong comics ngayong taon. Kulang pa kasi talaga ako sa pag-aaral, pagsasanay, sa disiplina. Naku, naku, tamad kasi. Kailangan bawasan na! Mas pokus ako ngayon sa pagbabasa pero magsusulat pa rin ako.

f. Magawa ang mga gawaing wala rito sa listahan. Aba maganda rin naman  'yung may mga di inaasahang mga bagay kang matapusan. Kumbaga ang bahaging ito ay para sa mga biglaang activities o lakad.

Medyo hindi pa ako ulit handang maglalayo o mag-travel. Medyo charge lang muna ako ulit. Mag-ipon ng lakas. Maging kagamit-gamit muna sa malapit. Maging mas malapit sa mga kalapit na at kumuyampit sa mga kasing init ng tag-araw na mga layunin.

Ito pala ang summer motto ko:
"Di na baleng may anghit ngayong tag-init, may mga napangyari naman; atlit!"

Andaming pwedeng gawin no?
So help me God.

Wednesday, April 15, 2015

Umento sa Sweldo

Pauwi ako noon sa probinsya nang mapanood ko sa tv sa bus ang balita: Kinse pesos na umento sa sweldo, inaprubahan na sa Kamaynilaan. Ngiting tagumpay! Isa kasi sa mga pangarap ko talagang maranasan bago ako magresign ay ang salary hike. Yohoo! Tsek na ang isa sa mga listahan ko ng dapat ma-experience. E ano kung kikinse pesos? Basta may umento! Oks na oks na'ko.

Ang dapat pala na sweldo kada araw para makapamuhay ng disente sa Maynila ang isang pamilya (5 members) ay P 1k pala mahigit. Ganun kamahal ang cost of living na disente; halos 2-day salary na yan ng minimum wagers. At disente is not defined as tatlong beses kumain sa isang araw. Disente includes gastos sa pamasahe, pang-kalusugan, pang-edukasyon, at pang-aliw ng buong pamilya. An' layo-layo ng milyong pamilya sa Maynila sa kategorya ng pamumuhay na disente. Ang hirap pala talaga magpamilya kaya dapat puspusan ang pagtuturo ng family planning dahil mas mabilis tumaas ang population at mas matulin ang inflation rate kumpara sa salary increase sa bansa.

Nalaman ko pa sa balitang 'yon na mas mataas pa ang sweldo ng street sweeper kesa sa sweldo ko. Sabagay mas mahirap ang ginagawa nila, magpapakabilad sa initan. Makakalanghap ng usok ng mga sasakyan. Nagwawalis ng kanal. Oo, kanal sweeper rin minsan yang mga yan. Nakikita ko sa may Pasig, ang aga-aga winawalis 'yung mga basura sa kanal. Kaka-almusal lang amoy ilog Pasig na agad ang kasunod na papasok sa sikmura nila. Deserve ng mga katulad nila ang umento sa sweldo. Ako, deserve ko ga?

Marami na ring matutugunan 'yung kinse na umento gaya ng pamasahe sa dyip. Dalawang sakay na 'yun. O kaya pambili ko ng camote cue sa may Liwasang Bonifacio. O pang-Gulaman Avenue sa may SM para may i-ip-ipin habang naglalakad sa MalacaƱan. O di kaya nama'y pambili ko ng shampoo, toothpaste, o sabon. 'Yung kinse araw-araw, sa sampung araw ay uno-singkwenta pesos din kaya! Pamasahe ko na pauwi ng probinsya. O kaya nama'y pambili ng brownies pasalubong. O pambili ng isang libro.

Mukhang hindi ko na rin masyadong mararamdaman ang umento. Andami kong kaltas sa mga lates at AWOLs ko e. Solomot pa rin at patuloy nating ipaglaban ang daan patungong disenteng pamumuhay ng pamilya at manggagawang Pilipino!

Wednesday, April 8, 2015

That Thing Called Writing (Dakdak ni Dyord sa Effective Writing Class ng BAT-3) Part 2

When I ride the dyip
I'm so excited going to school
And my teacher required me to join
A seminar to tuhog-tuhog my grade
But now, I'm so amazed by the speaker
-Merlee, BAT-3B


Event Proper

Take note: Nagte-take notes sila

Mga bandang 10 am na nag-umpisa ang program. Siyempre, humingi muna kami ng gabay sa May Akda ng Lahat sa pangunguna ni Micca. Nag-opening remarks na rin si Ms. Hesh na parang umiinit na ang ulo dahil nga sa late na nag-umpisa. May mga technical problems kasi, gaya ng hindi maaninag ang presentation dahil open area ang Licup Covered Court kaya medyo nagtagal sa pag-gawa ng paraan para lang makita 'yung presentation. Sabi ko lumpait na lang sila ng malapit na malapit para maaninang nila, kahit hindi na maayos 'yung upuan, parang group study. Group study ng 115 na participants. Wala kasi kami talagang malaking audio-visual room para sa mga ganitong event. Tao po sa nakaupo?

Medyo tense pa rin ng konti. Kilala ko kasi ang mga Aggie students, andali nilang ma-bore. As in. Kahit na nga sabihing relevant pa 'yung topic sa course nila, inaantok at kung ano-anong ginagawa nila. Nakakatakot lang na magtext sila or mag-walk out dahil na-bore sila sa talk ko. E hindi pa naman ako lively mag-talk. Hindi rin ako energetic. Hindi pa naman ganun ka-relevant ang writing sa course nila (as many percieve), pero kailangan nila ito for sure 'pag pasok ng industriya. Ayoko sana na magtitiis lang silang pakinggan ako dahil requirement 'yun sa Eff.Writ. class nila.  Nakakaba lang pero maganda naman daw 'yung may kaunting kaba. 

Nag-umpisa ako ng isang disclaimer. Sabi ko 'wag silang masyadong seryoso, ako lang 'to. Kasi pagharap ko sa kanila, pagtayo ko sa pulpito, ay sobrang tahimik talaga nila. All eyes talaga. Sabi ko hindi ako naghahanap ng paggalang. Noong estudyante pa ' ko kako kapag boring 'yung siminar ay hindi ako nakikinig o di kaya ay nilalayasan ko. Kaya oks lang sa 'kin kapag ganun ang ginawa nila. "I deserve all of that," sabi ko.

Nag-umpisa ako sa pagtatanong kung bakit ba hiwa-hiwalay ang mga daliri natin. Bukod sa survival ng homo sapiens, ito ay para makahawak tayo ng panulat. Hindi lang siya pang-holding hands. Sinundan ito ng "aaaahhhh..". Sinubukan ko rin tibagin ang kaisipan na ang pagsulat ay para lang sa matatalino, although hindi natin iniaallis na may mga lietrary genius talaga, pero di ibig sabihin noon ay sila lang ang may 'K' para magsulat. Ang pagsusulat ay parang oxygen, lahat ay may free access. Sabi ko, kung me' language at message ka, write it down, men!

Para akong may pinapagaling

Tinalakay ko kung ano-ano ba ang mga katangian ng isang effective na write up. Ito ang sample: 

The Seven Way Test
1. Is it readable?
2. Is it understandable?
3. Is it well-studied?
4. Is it comprehensive yet specific?
5. Is it engaging?
6. Is it empowering?
7. Did it serve its purpose?

Ayon sa biblehub.com ang effective pala ay galing sa salitang griyego na energeo, energes, na ang ibig sabihin ay to work for one, aid one, put forth power; palagi siyang may kinalaman sa work at accomplishing. Ilan lang 'yung pwede kong ilagay sa blog na mga natutunan ko sa sarili kong talk. Medyo hinimay ko rin 'yung writing process sa kanila. Tapos, nagbigay din ako ng kaunting tips sa kanila sa pagsusulat at nanghikayat na magbasa ng magbasa. 

Nagtake lang kami ng 45 mins na lunch break. Hindi ko pa makain yung ipiniripare nila na lunch. Nahihiy ako. Naisip ko kasi pinag-ambagan nila 'yun, e ang hihirap lang ng mga agri students. Ako nga dati, hindi makabayad ng mga ganyan-ganyan. Kaya hindi ko muna kakainin 'yung lunch. Magtatrabaho muna ako sa abot ng aking makakaya. Ipapaunawa ko sa kanila lahat ng pwede kong mai-share para naman masulit ang kanilang ibinayad. Nilapitan ko pa si Ms. Hesh kung hindi ba siya nagsisisi at ako ang inimbayt nila, hindi naman daw.
I was amazed at the beauty of life
Like riding a dyip on an endless journey
Like eating a tuhog-uhog for the first time,
Excited and happy like a child
-Vince, BAT-3B

Si Philip on Ukelele, Si Queen Joy as mic stand

Lingid kasi sa kaalaman ng marami, puno ng talento ang mga kabataang magsasaka.  Habang nagmemeryenda ako, merong sumayaw. Sumayaw 'yung isa sa mga host. Host na dancer pa. Tapos, habang nagsusulat kami ng poetry (dahil world poetry day din noong araw na 'yon) ay tumugtog naman ng ukelele si John Philip at kumanta rin 'yung isa sa mga host na si Queen Joy. Host na, singer na, at mic stand pa! Tapos, during the event may nagbebenta ng pagkain sa likod, part ata ito ng marketing subject ng mga agri students.

Naku, sinasabi ko sa'yo multifaceted talaga ang mga magsasaka dahil may husay pala sila sa pagtula. Maraming mahuhusay magsulat ng tula sa kanila. At game na game silang basahin ang tula nila sa harapan. Siempre, pinangunahan sila ng kanilang game na game na adviser na si Ma'am Hesh. Kung kanina medyo shy type pa sila, ngayon, lumalapit na sila sa mic sa unahan para basahin ang sinulat na tula. Meron kasi akong ipinagawang papael noong umaga, yung isang grupo ay mga facebook feelings at 'yung kabila ay something na intrinsic sa Pinoy culture. Tapos, gumawa ako ng set of words kung saan 'yun ang gagamitin nila sa pagbuo ng tula. Ang challenge ay gamitin ang mga Filipino words sa tulang nasa Ingles.

Set A: In love, Giggle, Halo-halo, Kwek-kwek
Set B: Tuhog-tuhog, dyip/jeepney, excited, amazed
Set C: Patintero, Puto, broken, wild, 


Ito ang mga nag-stand out:

When you love, you are wild
Just like a child playing patintero
But once your heart got broken
You'll just cry and eat your puto
-Jaymar, BAT-3B

As tuhog-tuhog is segmented
You made my heart beat excited!
In here, the dyip bounces and vibrates
Here I am, mexmerized, dazzled and amazed.
-Micca, BAT-3C

Ms Hesh is in the house!


Your smile tickles my heart
Your touch that makes me giggle
You're the sweetest thing in my halo-halo

Those people who are in love
Can't live on their own,
For kwek is not complete
without the other kwek
-Ven, SSC President

Life is like eating tuhog-tuhog
Feeling excited in everytime you pick
In a journey like riding a dyip
'Cause amazing thing await you
So, don't sleep
-Rex

Jomai reading his declarative sentence. I mean poetry


Amazed in different Filipino food
After class, excited to reach the peddlers on the side of the road
And make some tuhog-tuhog of chicken balls outside of loob
While the jeepney driver is waiting, I don't care;
I'm busog
-Regine, BAT-3B

It is weird to giggle everytime
When we are in love
Tis' like eating halo-halo
Without ice and eating
Kwek-kwek without egg.
-Richmond, BAT-3B

Life is like a piece of puto
Full of struggles like patintero
If you don't fight and get wild,
You'll be broken in the end.
-Ilao Ivo, BAT-3C

You make my heart tuhog-tuhog
And my heart beats fast like a dyip
I'm not amazed because you prove that you're not the one
And i fell excited for meeting the one
-Janine,

Hindi niya kinaya ang sariling tula

I was amazed 
When he tuhog-tuhog me
I was excited
Because it was in the jeepney!
-Gilda,

Boom!

Nagtapos kami sa pagbibigay ng mga certificates. Wow, pumirma ako sa certificate bilang resource speaker. Ibang feelings, nakaka-flatter na parang joke. Tapos, siyempre picture taking sa unahan kasama ang certificate of recognition at pagtanggap sa token at talent fee. Eto na, eto na 'yung pinaghirapan ko pero na-enjoy ko ng todo-todo. Ito na ang pinuhananan ko ng pawis, laway, at kaunting kapal ng mukha.

Pasasalamat:

Sa aking Exec. Editor: Kahit wala ka noong magpapapirma ako ng absent form. Salamat pa rin sa mga pagtuturo mo sa 'kin. Mga twice mo rin akong minentor.

Sa Pampolinas: Sa pagpapatuloy at pagpapahiram ng laptop sa 'kin. Kay Lola Nitz, Ptr. Abner, at Mrs. P sa paggising at pagsasangag ng kanin. Solomot din kay Jeuel sa pakikipagkwentuhan kaya hindi ako matapos-tapos sa ginagawa ko. Best supporting 'yan e.

Kay Alvin at Roy: Na nagpray at nagcheer para sa akin para sa talk. Salamat sa suporta!

Kay Micca, Joshee, at Ma'am Hesh: Sa pag-iimbita at pagtitiwala.

Sa mga Agri-students: Sa inyong aktibong partisipasyon at pagbabahagi ng inyong talento. 

At above all, kay God! Para sa pagpapakilala sa 'kin ng pagsusulat. Sa talino, sa kakayanan, sa talento, sa looks ko (yerla!); sainyo lahat galing 'yan e kaya salamat po! *fist bump



Post Event:

Umuwi ako kena Jul. Nakauwi na pala si Jeuel mula sa Manila Doctors' para sa kanyang regular check up. Habang nagpapraktis si Jeuel ng gitara ay tinira na namin ang dala kong Jolibee kasama ni Alquin at ni Roy. Pero siyempre, nagpasalamat muna kami sa Diyos ng panulat sa kanyang biyaya at sana ay may mga susunod pa. Iba ang feels talaga ng kumain ka ng pinaghirapan at pinagpaguran mo. Very rewarding. Tinirhan ko naman si Jul ng manok, kaya lang natempt din akong kainin.








Friday, April 3, 2015

Tapusin na Natin 'to!


Grrrabe! 

Parang marshmalow na natutunaw sa isang camping bonfire ang puso... hindi parang nanonood ako ng ipinapanganak na elepante sa kalawakan ng savanna sa... hindi e... mas tama kung para akong tatanggap ng Cum laude, Magsaysay Laureate, Palanca Award, at Oscars ng sabay-sabay noong grumadweyt na sina Jeuel, Alquin, at Roy. Hindi ko mahuli 'yung tamang tayutay e.

Halos dalawang taon na rin pala noong pinanonood ko silang magmartsa para sa kanilang diploma, ngayon ay bachelor degree na ang ipagmamartsa nila. Naalala ko, gradweysiyon ko rin dapat noon ng bachelor's degree ko pero naudlot (due to some technical problems). Dahil matapang ako, umattend pa rin ako ng graduation rites para i-congratulate lahat ng kaklase at naging kaibigan ko. Marami pala sila, mas marami pa 'kong naging kaibigan at natutunan sa kanila kesa sa natutuan ko sa loob ng klasrum.

Nakalipas ang dalawang taon, kukunin na nina Roy ang kanilang bachelor's degree. Tingnan mo nga naman, kailan lang ay nasa hospital bed kayo, isip ng isip kung makakapagmartsa ga sa Marso dahil naiiwan na sa lessons. Kahit ako, sa pagkakasukat ko parang imposibleng maging okey ang lahat sa isang buwan. Una, hindi maganda ang lagay ng utak ni Roy at Jeuel dahil sa brain trauma. May pahilo-hilong oras si Roy, at may risk pa ng seizure si Jul. Tapos, si Alquin, masakit pa rin ang likod. Paano niyo matatapos 'yung sandamakmak na rekusitos sa paggradweyt? Pangalawa, ang laki ng bayarin sa ospital, malaki rin ang bayarin sa school.

Natatandaan ko pa na pinaguusapan natin ang worst case at best case scenario para hindi na tayo magugulantang. Worst case scenario: Hindi kayo makagradweyt dahil walang pagkukunan ng grade nyo sa midterms, hindi kasi kayo pwedeng palabasin ng academe ng hindi fuly-equipped; or hindi pa kayo makapasok dahil kailangan ng matagalang pahinga. Best case scenario: Makakagradweyt kayo dahil kakayanin n'yong makahabol. At we thank our Schoolmaster, dahil palagi Siyang pabor sa'tin. Naka-best case scenario tayo! It's kwek-kwek time!

Ayan! Kasabay ng inyong pagtatapos ang katapusan ng inyong mga baon. Katapusan na rin ng cramming moments sa requirements. Tapos na rin ang mga gala-roon-at-gala-rito days. Mararamdaman n'yo na ang bahagyang pressure kapag tinatanong ng "anong plano mo?" or "asan ka ngayon?". Pressure ang magsupport sa pamilya. Pressure maghanap ng trabaho. Pressure ang kumpetisyon. Pressure ang work itself, pramis! Gaya ng pagkatuto, ang pressure ay hindi rin natatapos sa college. Hangga't may hininga, may pressure. Alam ko muntik na kayong mawalan ng pressure noong 'naaksidente' kayo, kaya alam ko gusto niyo ng pressure, at least may hininga. Meron kasi talagang mga bagay na kailangan ng pressure para matutunan natin.

Wala man kayong medlaya ng Cum laude o privilege speech, meron naman kayong ano... ahhh... ano.. uhhh... ano nga bang meron kayo? Basta! Hindi natin sinusukat ang tagumpay sa kapirasong bakal o papel, lahat kaya ng papel na natanggap n'yo ay blanko. Ibig sabihin, lahat ng nakuha n'yo sa akdemya ay nasa mga (injured) n'yong kautakan; hindi nahahawakan. Hindi maagaw.

Ang tagumpay n'yo ay tagumpay ko rin. Ang gradweysiyon n'yo ay gradweysiyon ko na rin. Maligayang Pagtatapos! Ang katapusan n'yo ay... katapusan n'yo lang. Isasali n'yo pa 'ko? Sige, ibahin na lang natin, ang bagong simula n'yo ay bagong simula ko rin. 

Kaya nasa worst case o best case scenario man tayo, palaging magpasalamat sa ating Schoolmaster! It is by Him and through Him that we have our being!


Best Case Scenario: Gradweysiyon
Kuha ni: Jeuel/Jul/E-boy