Wednesday, April 8, 2015

That Thing Called Writing (Dakdak ni Dyord sa Effective Writing Class ng BAT-3) Part 2

When I ride the dyip
I'm so excited going to school
And my teacher required me to join
A seminar to tuhog-tuhog my grade
But now, I'm so amazed by the speaker
-Merlee, BAT-3B


Event Proper

Take note: Nagte-take notes sila

Mga bandang 10 am na nag-umpisa ang program. Siyempre, humingi muna kami ng gabay sa May Akda ng Lahat sa pangunguna ni Micca. Nag-opening remarks na rin si Ms. Hesh na parang umiinit na ang ulo dahil nga sa late na nag-umpisa. May mga technical problems kasi, gaya ng hindi maaninag ang presentation dahil open area ang Licup Covered Court kaya medyo nagtagal sa pag-gawa ng paraan para lang makita 'yung presentation. Sabi ko lumpait na lang sila ng malapit na malapit para maaninang nila, kahit hindi na maayos 'yung upuan, parang group study. Group study ng 115 na participants. Wala kasi kami talagang malaking audio-visual room para sa mga ganitong event. Tao po sa nakaupo?

Medyo tense pa rin ng konti. Kilala ko kasi ang mga Aggie students, andali nilang ma-bore. As in. Kahit na nga sabihing relevant pa 'yung topic sa course nila, inaantok at kung ano-anong ginagawa nila. Nakakatakot lang na magtext sila or mag-walk out dahil na-bore sila sa talk ko. E hindi pa naman ako lively mag-talk. Hindi rin ako energetic. Hindi pa naman ganun ka-relevant ang writing sa course nila (as many percieve), pero kailangan nila ito for sure 'pag pasok ng industriya. Ayoko sana na magtitiis lang silang pakinggan ako dahil requirement 'yun sa Eff.Writ. class nila.  Nakakaba lang pero maganda naman daw 'yung may kaunting kaba. 

Nag-umpisa ako ng isang disclaimer. Sabi ko 'wag silang masyadong seryoso, ako lang 'to. Kasi pagharap ko sa kanila, pagtayo ko sa pulpito, ay sobrang tahimik talaga nila. All eyes talaga. Sabi ko hindi ako naghahanap ng paggalang. Noong estudyante pa ' ko kako kapag boring 'yung siminar ay hindi ako nakikinig o di kaya ay nilalayasan ko. Kaya oks lang sa 'kin kapag ganun ang ginawa nila. "I deserve all of that," sabi ko.

Nag-umpisa ako sa pagtatanong kung bakit ba hiwa-hiwalay ang mga daliri natin. Bukod sa survival ng homo sapiens, ito ay para makahawak tayo ng panulat. Hindi lang siya pang-holding hands. Sinundan ito ng "aaaahhhh..". Sinubukan ko rin tibagin ang kaisipan na ang pagsulat ay para lang sa matatalino, although hindi natin iniaallis na may mga lietrary genius talaga, pero di ibig sabihin noon ay sila lang ang may 'K' para magsulat. Ang pagsusulat ay parang oxygen, lahat ay may free access. Sabi ko, kung me' language at message ka, write it down, men!

Para akong may pinapagaling

Tinalakay ko kung ano-ano ba ang mga katangian ng isang effective na write up. Ito ang sample: 

The Seven Way Test
1. Is it readable?
2. Is it understandable?
3. Is it well-studied?
4. Is it comprehensive yet specific?
5. Is it engaging?
6. Is it empowering?
7. Did it serve its purpose?

Ayon sa biblehub.com ang effective pala ay galing sa salitang griyego na energeo, energes, na ang ibig sabihin ay to work for one, aid one, put forth power; palagi siyang may kinalaman sa work at accomplishing. Ilan lang 'yung pwede kong ilagay sa blog na mga natutunan ko sa sarili kong talk. Medyo hinimay ko rin 'yung writing process sa kanila. Tapos, nagbigay din ako ng kaunting tips sa kanila sa pagsusulat at nanghikayat na magbasa ng magbasa. 

Nagtake lang kami ng 45 mins na lunch break. Hindi ko pa makain yung ipiniripare nila na lunch. Nahihiy ako. Naisip ko kasi pinag-ambagan nila 'yun, e ang hihirap lang ng mga agri students. Ako nga dati, hindi makabayad ng mga ganyan-ganyan. Kaya hindi ko muna kakainin 'yung lunch. Magtatrabaho muna ako sa abot ng aking makakaya. Ipapaunawa ko sa kanila lahat ng pwede kong mai-share para naman masulit ang kanilang ibinayad. Nilapitan ko pa si Ms. Hesh kung hindi ba siya nagsisisi at ako ang inimbayt nila, hindi naman daw.
I was amazed at the beauty of life
Like riding a dyip on an endless journey
Like eating a tuhog-uhog for the first time,
Excited and happy like a child
-Vince, BAT-3B

Si Philip on Ukelele, Si Queen Joy as mic stand

Lingid kasi sa kaalaman ng marami, puno ng talento ang mga kabataang magsasaka.  Habang nagmemeryenda ako, merong sumayaw. Sumayaw 'yung isa sa mga host. Host na dancer pa. Tapos, habang nagsusulat kami ng poetry (dahil world poetry day din noong araw na 'yon) ay tumugtog naman ng ukelele si John Philip at kumanta rin 'yung isa sa mga host na si Queen Joy. Host na, singer na, at mic stand pa! Tapos, during the event may nagbebenta ng pagkain sa likod, part ata ito ng marketing subject ng mga agri students.

Naku, sinasabi ko sa'yo multifaceted talaga ang mga magsasaka dahil may husay pala sila sa pagtula. Maraming mahuhusay magsulat ng tula sa kanila. At game na game silang basahin ang tula nila sa harapan. Siempre, pinangunahan sila ng kanilang game na game na adviser na si Ma'am Hesh. Kung kanina medyo shy type pa sila, ngayon, lumalapit na sila sa mic sa unahan para basahin ang sinulat na tula. Meron kasi akong ipinagawang papael noong umaga, yung isang grupo ay mga facebook feelings at 'yung kabila ay something na intrinsic sa Pinoy culture. Tapos, gumawa ako ng set of words kung saan 'yun ang gagamitin nila sa pagbuo ng tula. Ang challenge ay gamitin ang mga Filipino words sa tulang nasa Ingles.

Set A: In love, Giggle, Halo-halo, Kwek-kwek
Set B: Tuhog-tuhog, dyip/jeepney, excited, amazed
Set C: Patintero, Puto, broken, wild, 


Ito ang mga nag-stand out:

When you love, you are wild
Just like a child playing patintero
But once your heart got broken
You'll just cry and eat your puto
-Jaymar, BAT-3B

As tuhog-tuhog is segmented
You made my heart beat excited!
In here, the dyip bounces and vibrates
Here I am, mexmerized, dazzled and amazed.
-Micca, BAT-3C

Ms Hesh is in the house!


Your smile tickles my heart
Your touch that makes me giggle
You're the sweetest thing in my halo-halo

Those people who are in love
Can't live on their own,
For kwek is not complete
without the other kwek
-Ven, SSC President

Life is like eating tuhog-tuhog
Feeling excited in everytime you pick
In a journey like riding a dyip
'Cause amazing thing await you
So, don't sleep
-Rex

Jomai reading his declarative sentence. I mean poetry


Amazed in different Filipino food
After class, excited to reach the peddlers on the side of the road
And make some tuhog-tuhog of chicken balls outside of loob
While the jeepney driver is waiting, I don't care;
I'm busog
-Regine, BAT-3B

It is weird to giggle everytime
When we are in love
Tis' like eating halo-halo
Without ice and eating
Kwek-kwek without egg.
-Richmond, BAT-3B

Life is like a piece of puto
Full of struggles like patintero
If you don't fight and get wild,
You'll be broken in the end.
-Ilao Ivo, BAT-3C

You make my heart tuhog-tuhog
And my heart beats fast like a dyip
I'm not amazed because you prove that you're not the one
And i fell excited for meeting the one
-Janine,

Hindi niya kinaya ang sariling tula

I was amazed 
When he tuhog-tuhog me
I was excited
Because it was in the jeepney!
-Gilda,

Boom!

Nagtapos kami sa pagbibigay ng mga certificates. Wow, pumirma ako sa certificate bilang resource speaker. Ibang feelings, nakaka-flatter na parang joke. Tapos, siyempre picture taking sa unahan kasama ang certificate of recognition at pagtanggap sa token at talent fee. Eto na, eto na 'yung pinaghirapan ko pero na-enjoy ko ng todo-todo. Ito na ang pinuhananan ko ng pawis, laway, at kaunting kapal ng mukha.

Pasasalamat:

Sa aking Exec. Editor: Kahit wala ka noong magpapapirma ako ng absent form. Salamat pa rin sa mga pagtuturo mo sa 'kin. Mga twice mo rin akong minentor.

Sa Pampolinas: Sa pagpapatuloy at pagpapahiram ng laptop sa 'kin. Kay Lola Nitz, Ptr. Abner, at Mrs. P sa paggising at pagsasangag ng kanin. Solomot din kay Jeuel sa pakikipagkwentuhan kaya hindi ako matapos-tapos sa ginagawa ko. Best supporting 'yan e.

Kay Alvin at Roy: Na nagpray at nagcheer para sa akin para sa talk. Salamat sa suporta!

Kay Micca, Joshee, at Ma'am Hesh: Sa pag-iimbita at pagtitiwala.

Sa mga Agri-students: Sa inyong aktibong partisipasyon at pagbabahagi ng inyong talento. 

At above all, kay God! Para sa pagpapakilala sa 'kin ng pagsusulat. Sa talino, sa kakayanan, sa talento, sa looks ko (yerla!); sainyo lahat galing 'yan e kaya salamat po! *fist bump



Post Event:

Umuwi ako kena Jul. Nakauwi na pala si Jeuel mula sa Manila Doctors' para sa kanyang regular check up. Habang nagpapraktis si Jeuel ng gitara ay tinira na namin ang dala kong Jolibee kasama ni Alquin at ni Roy. Pero siyempre, nagpasalamat muna kami sa Diyos ng panulat sa kanyang biyaya at sana ay may mga susunod pa. Iba ang feels talaga ng kumain ka ng pinaghirapan at pinagpaguran mo. Very rewarding. Tinirhan ko naman si Jul ng manok, kaya lang natempt din akong kainin.








No comments: