Tuesday, June 30, 2015

Road to Turo-turo (Part 2)

Ilang linggo ang lumipas, wala pa rin akong natatanggap na tawag. Mag-iisang buwan na, wala pa rin. Dito na dapat sabihin ang cliche na "tiwala lang". Habang tumatagal lalo kang nag-aalala, dalawa lang kasi ang lundo nito. Una, malapit na kong tawagan. Pangalawa, hindi na ako tatawagan. O hindeeee...

Nagpapalala pa sa pag-iisip mo ay ang pangangmusta ng mga kaibigan, kaklase, at kakilala. Hindi ko naman malihim na nag-apply ako bilang instructor, e sa nag-apply nga ako e. Siyempre, sasabihin nila "makakapasok ka d'yan, kaw pa". Tapos, i-explain ko naman na wala akong ganito, wala pa akong ganyan, kaya baka hindi rin ako matanggap. Negamind talaga. Kung me pagka-nega mind ako mas nega mind si Ate Tin.

Barkada ko 'yon e. Same birds kaya p'reho kaming negaminds. Sinasabi niya na kesyo wala na raw talaga. Sinasabi niyang baka ako lang daw ang tawagan. Kapag napaka-hopeless na ng chat conversation namin, ako na ang magpapaka-positive-walang-aayaw- attitude. Or else pareho kaming magpapasagasa na sa may Kanto ng Cabatang. Bigyan pa natin hanggang 2nd week of June.

Andami naming naging analysis kung bakit di pa kami tinatawagan. Ito ang ilan:
a. Baka busy pa sila sa summer classes.
b. Baka nakafocus pa sila sa result ng LEA.
c. Baka busy pa sa preparations sa enrolment.
d. Baka may nag-apply na taga-UP. Licensed. With Masters. Taob na tayo nyan.
e. Baka nagrenew ng contracts yung mga instructors.
f. Hindi kaya busy na sa enrolment?
g. Hindi kaya wala silang load?

Kung ako lang ang tatanungin. Ayoko na munang bumalik sa siyudad para magtrabaho. Sobrang hirap emotionally, physically, at iba pang -lly ng pagkatao. Akademya lang talaga ang nililigawan ko. May mga nagpaparamdam na mga oportunidad, kaya lang hindi ko pa sila gusto sa ngayon.

Gusto kong magturo gaya ng pagkagusto ko sa choco butternut. Gusto kong kapanayamin ang mga estudyante gaya ng pakikipag-usap ko sa mga kaibigan ko. Gusto kong bumuo ng mga pangarap habang binubuo ko rin ang sa'kin. 

Road to Turo-turo (Part 1)

Oo na nga. Oo na. Inaamin ko na. Hindi ko na kayang ilihim pa. Tapos na ang panahon ng pagkukubli.

Nag-apply po ako. Sa University. Bilang isang instructor, guro, titser, ganan. D'yan sa SLSU sa Tiaong. Ang aking mahal na Alma Mater. Oo nga! Aba! Ayaw pa mong maniwala.

Para nga naman kasi talagang isang malaking JOKE. Kahit nga ako ay nag-alangang mag-apply. Baka kasi kapag nakita ako ng registrar sabihin nyang "E hindi ka nga nagpapasok dati, tapos magtuturo ka sa akademya?". Baka kapag nalaman ng mga kaklase ko sabihin nila "E hindi ka nga naka-graduate 'on time'!". Baka sabihin ng mga prof ko rati, "e wala ka pa ngang napapatunayan sa industriya! Ano ituturo mo?". "E mali-mali nga punctuations mo ngayon sa paragraph na'to ta's magtuturo ka", sabi ko naman yan. Hindi naman pa nila sinabi talaga yan, baka lang sabihin nila. At para malaman ko kung sasabihin nga nila yan kapag nag-apply ako, e nag-apply nga ako.

Sabi sa 'kin ni Mami. Si Mami Edel, na isang mommy nga, na kaklase ko ay bagay naman daw sa akin ang magturo. Bagay daw sa'kin ang mag-explain sa unahan. Kahit nangangatwiran lang ako sa unahan. Sang ayon dito ang Pastor ko. Ayon sa kanya ay bagay daw sa akin ang maging propesor. Hindi mo pwedeng ipagsawalang bahala na lang ang pananaw ng mga may edad na. May alam na yang mga yan sa buhay kaya iginagalang ko ang kanilang pananaw. Pero ang dapat kong masigurado ay hindi kung bagay ba sa akin ang akademya bagkos ay kung may maiaambag ba ako sa akademya?At sa pananaw ko'y may maiaambag naman ako sa paghahasa ng ilang daan ding utak na mahahawakan ko, kaya nag-apply ako.

Nag-update ako ng Resume. Resume ver. 02. Pagkatapos ay saka nagresign sa trabaho. Kinontak ko si Ate Tin, na nagresign na din sa kanyang opisina. Parehas kaming nagplanong magpasa ng resume. Nagkaroon kami ng career planning kena Perlita. Nag-set ng araw ng pagpapasa - April 30. Pero bago pa sumapit ang April 30 ay nagpasa na rin ako ng resume sa Lucban, sa Main campus para magkasalubong ang resume ko sa HR. Desperado much. At ayon sa nakuha nyang intelligence report ay hindi na nag-renew ng contract ang 3 instructors; ang dalawang Sir JM (ang isa ay kaklase ko rin noong college) at yung isang part-timer lang from UP. May dalawang slots. Biro ko kay Ate Tin, wala na kong slot, sa kanya lang kasya.

Ito ang hindi biro: ang pagpapasa ng Resume sa bagong campus director. Nauna na kasi si Ate Tin na magpasa, mga 2 hours siyang ahead sa'kin. Kailangan kong ipresent na naman ang sarili ko. An hirap kayang maging polite, confident, professional, business as usual-mode. Parang nagpapanggap e. Pero dahil ganun talaga e, kailangan ko talagang lakasan ang lamang-loob ko. Ate Tin, pano kung tanungin ako kung bakit wala kang (1) License for Agriculturist, e wala ka rin namang (2) Masteral Degree o Units man lang? Dapat kasi isa man lang sa nabanggit ang meron ka kung papasok ka sa akademya bilang instructor. "Eh Di WOW!", sagot ni Sir Marvel na nag-apply din.

 Parehong lisensyado si Ate Tin at Sir Marvel. May Masteral pa nga si Sir Marvel, thesis na lang daw ang tinatapos niya. Napaka-out of league ko. Hindi mo naman pwedeng sisihin ang sistema na nakapokus sila sa papel, sa credentials. Siempre, kung ikaw ay competitive at qualified dapat may patunay ka at somehow, license and masters prove that you're qualified at adept for pagtuturo. Kukuha din naman ako ng mga 'yan in the near future. Sa ngayon, dapat magtiwala sa'kin ang akademya. Give me at least a chance kumbaga.

So, pumunta ako sa opis bitbit ang naka-stapler ko pang Resume at cover letter. Napagalitan pa ko ni Ate Tin, hindi raw dapat ganon. Dapat hindi naka-stapler at naka-folder na puti. Pasensya naman, sanay lang sa online application. Kumatok ako sa opis, hanggang labas lang si Ate Tin dahil baka raw tanungin ako. Kaba-kabog-dugs-dugs, anlamig sa loob ng opisina ng direktor. Anlakas ng erkon.

Bumati muna. Tsek! Nagpresent ako ng sarili. Tsek! Nagsabi na mag-a-apply. Tsek! Akala ko ay sasabihin ay

Saturday, June 20, 2015

Sumali Ulit ng Essay Contest

    Nakapagpasa ako ng isang essay nito lang Lunes. Mismong deadline. Wala nang mas nakaka-inspire magsulat kundi ang deadline. Medyo nahirapan akong balangkasin ang essay dahil una ito ay nasa wikang Ingles. Parang di na ako sanay. Pangalawa, dahil ang topic ay tungkol sa peace. "Peace in our hearts and minds", ang tema ay parang cliche na lang. Ang lawak kung iisipin ng tema. Pero dahil challenge ito para sa akin e pinilit kong makapagsumite. At awa ng Diyos, ay naka-abot bago magdeadline!

    Ang hirap mag-isip ng kapayapaan lalo na't sa bahay nyo palang ay digmaan na araw-araw. Late ko na ri kasi nakita yung post na minention lang ni Donjie yung pangalan ko. Late as in 1 week before the deadline. Dahil wala namang entry fee at may 33 slots for winners. E nag-umpisa akong magmuni-muni. At sumulat-sulat ng kung ano-ano. Puro ako umpisa, tapos kapag iga na ang utak. Tigil. Oooops ideya! Sulat-sulat. Wala na ulit. Ooooops ideya! Sulat ulit. Hanggang sa napansin kong aba maramirami na pa lang naisulat. Ipinatas ko naman ang ideya. Kena Jul ako nagtype ar nag-editing. Multi-tasking dahil kaalinsabay nito ang pagrereview para sa Civil Service Exam. Hanggang sa nakapaghabi ako ng 650+ na words. Sakto na para sa maximum words na 700.

   Ang slant ng essay ko ay ang food security bilang pangunahing pundasyon ng pandaigdigang kapayapaan. Dahil isa na tayong global community, hindi lang pagkain ng bansa ang pinoproblema natin. Problema nating sugpuin ang kagutuman  saan mang sulok ng mundo. Kasi nga "you're not you when you are hungry". Nakakaisip gumawa ng krimen at nagdudulot ng kaguluhan kapag gutom ang mga mamayan. Saka ako pumunta pa sa mga bahagi ng tao na dapat ay nilalamnan din bukod sa sikmura. Ipinakita ko na gutom ang lipunan sa moralidad, karunungan, ispiritwalidad, at kapangyarihan kaya pasal na pasal din tayo sa kapayapaan. Tinapos ko ang essay na dapat sa usaping pangkapayapaan ay hindi lang gobyerno ang may pakialam. Dapat lahat tayo ay stakehoders. Lahat dapat ay peace advocate.

Ganan lang ang buod ng aking essay na pinamagatan kong 'Ending Hunger Games'.







May kung Ano

Kung Ano

May kung ano sa loob ko
Sa bandang tiyan, may kulo
Lalamuna'y napapasin-ok
Sa dibdib ay may kumakatok
May kung ano sa loob ko
Aalamin pa ba o itatago?

Tinutusok-tusok, kinukuntiw
Hindi raw galit, kundi baliw
Pamasaheng nilimot ang sukli
Tinimbang sa may kalang kaya maikli
Iumpog ang sariling ulo
Sa loob ay may kung ano

Sinisikmura hindi naman gutom
Tahimik na nagwawala hindi naman nakainom
May kung anong gustong ipalahaw
Duwag at di naman makaingaw
May kung ano sa loob ko
Na gusto kong dukutin, durugin,
Sunugin hanggang maging abo

Gustong maduwak sa natikman
Kaya lang wala nang balikan
Pait na lang ay tiisin
Anghang ay wag pansinin
Sa mata ko'y may kung ano
May pumapatak, umaagos, bumubuhos, asan ang tabo?

Wednesday, June 17, 2015

E-boy! E-man ka na!

1. Tsokoleyt Keyk
2. Palabok
3. Sinantomas
4. Tokwang Sisig
5. Jelatin
6. Maja
7. Kare-kare
8. Oh-my-Lumpiang Shanghai! (w/ sweet and chili sauce)
9. The Star of the Handaan: Kanin

   Ayaaan! Mga handa yan ni E-boy (Ebs, G-boy, Bo, Jeuel, Jul)  sa kanyang ikalawang dekadang bertdey noong ika-14 ng Hunyo. Pahapunan ang handa ni E-boy. May ilang regalong natanggap at siyempre mas marami ang bisita kaysa sa regalo. Dumating din sina Roy, Alvin, Zara, Jem-jem, Alfie, at CD (*ubo) dala ang maraming kuwento. Matagal kaya kaming hindi nagkita-kita dahil nagrebyu para sa board exam sina Jem-jem at Alfie ngunit di pinalad na pumasa. Kaya naging selebrasyon din namin yon dahil may chance pa silang maka-top sa susunod. Sindami rin ng aming kuwento ang aming mga subo. Top notcher kami sa number of times na bumalik sa boufet, bouffete...sa hapag-kainan na nga lang. Doon na kami nagkampo, bantay-base.

  Isa rin ako ro'n, sa mga bisitang walang regalo. Wala akong budyet talaga kasi pero kung meron, bibilhan ko yan ng 3DS. Hindi yung game console kundi tatlong dalandan at saging dahil laging sinisipon si E-boy. Sabi nga ni Babes nang makabangon si Ebs noong bertdey niya "Bente anyos na, sip-unin pa rin".

   Pinagdiwang din ng G2 (Growth Group o discipleship class ng simbahan nila) nina E-boy ang bertdey niya sa pakana nina Gyl (pinsan) at Nanes (*ehem). Nakatanggap siya ng keyk at shirt na may adventure time print na paboritong-paborito niya. Nanakawan din siya ng kiss sa cheeks at hugs nina Gyl at Babes na ayaw na ayaw naman niya. Asa pa itong si Gyl na mapagmemessage niya ako kay E-boy. Hindi kasi kami sweet sago-type na expressive pagdating sa ganyan-ganyan. Hindi nga rin siya sanay na nagdidiwang ng kaarawan nang maraming tao. Kadalasan ay yung bilog ng kaibigan (circle of friends:) lang ang kasama n'ya pagbertdey. O di kaya ay pamilya niya ang kasama niyang lalabas.

   Hindi niya rin inasahang may handa siya. Ilang araw bago ang bertdey niya, narinig ko na nagkukwento si Mrs. P (Pampolina, Mami ni Ebs) kay Ptr. Abner (Dadi ni Ebs) na pinaalalahanan siya ni Tita Myla (Tita ni Ebs) na magbebertdey na nga si E-boy at ipaghanda daw kahit papansitin. Ang sagot ni Mrs. P ay wala raw siyang pera, meron naman ay kaya lang ay pang-enrol, pambayad sa kuryente, wala sa budyet. Usapan nila 'yan sa isang almusal. Nagkaro'n ng extra blessing si Pastor kaya raw naipaghanda si E-boy. Nag-arimunhan talaga sila bilang pasasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng Diyos kay E-boy nang maka-survive ito ng vehicular 'accident', Enero ng taong ding ito.

   Dumating ako sa bahay nila ng Sabado ng gabi. "Bakit po maraming tokwa?", tanong ko kay Lola Nitz (lola ni Ebs). Wala itong sagot, hindi yata ako narinig. Lumabas si E-boy mula sa kwarto nila at nagkukuwento ng pagkadismaya niya dahil hindi gumagana yung nabili ni Pastor na adapter ng piano. E last time kasi nang pumunta kami sa mall para nga bumili ng adapter ay hindi kami pinagbilhan dahil saulo nga ni E-boy ang volts, hindi naman ang ampere. Tapos, ngayong tama na ang volts at ampere ay ayaw namang gumana noong adapter. Parang nalugi sa talong at singhaba ng talong ang mukha ni E-boy sa pagkadismaya. Sirang-sira talaga.

   Maya-maya ay dumating naman si Jet-jet (kuya ni Ebs) at Ivy (dyi-ef ni Jet) na may dala-dalang keyk. Walang reaksiyon si E-boy. Aaaahh bertdey nga pala ni E-boy at ipaghahanda siya. Naman! Naalala kong magbebertdey si Ebs kinabukasan pero hindi ko alam na ipaghahanda siya. Hindi naman daw niya napigil ang kanyang mga magulang. Maya-maya'y lumabas si Babes, "A-ah kuya E-boy binilhan ka ni kuya ng keyk, wala ka man lang karea-reaksiyon. Mamahalin kaya 'to. Di ka man lang nagpasalamat". Sinabi ko kay Ebs na wag niyang ipanakaw sa despalinghadong adapter ang mga blessings ng bertdey niya. Alam ko naman na nasisiyahan yo'n, ayaw lang niyang ipakita. Pumasok na ulit si E-boy at inispoil naman ako ni Jet-jet sa Jurassic World.

   Nagtype siya ng mga kakantahin bukas sa simbahan . Sabi ko, bakit ayaw pang gumawa na langng hiwa-hiwalay na ppt file tapos icompile na lang yung ifa-flash kapag linggo. Makakasave ka pa ng time. Tsaka, palaging gabing-gabi ka na nagtatype! "E mga 12 mins naman tapos na'to!", katwiran niya. Ang issue naman dito ay hindi yung kung gaano katagal yung gawain kundi efficiency, to save precious time na pwede pang magugol sa iba. Isa pa tumatanda ka na. Alas-dose na hapi bertdey!

   Natulog na si E-boy. Tulog na silang lahat. Tulog na ang buong Villa Nosa. Payapa ang mga aso ni Ka Lita. Habang ako'y babagong nagsusulat para sa kapayapaan. Alas-tres na. Kape pa!

Saturday, June 13, 2015

Traversing Traviesa (Part 2)



Ito ang second half ng constructive criticisms para sa outputs ng The Traviesa Publications (Ang Opisyal na Pahayagan ng Southern Luzon State University - Tiaong Campus [SLSU-TC]).

2. Intersect (Tabloid)
-para sa front page, maganda ang pagbabalik ng tag line naming "We connect. We communicate. We change." Naipapakita nito na inaalam natin ang boses ng mga mag-aaral at naghahanap tayo ng pagbabago.
-Ang Insider/Inside Page ay na-overpower ang pangalan mismo ng tabloid.

a. News Page
-Masyadong weak ang Mais festival bilang banner news
-Iisa na naman ang form ng mga news articles. Ito ang kahinaan natin sa conferences, kaya kahit dagdagan pa natin ang pages natin sa news ay hindi tayo makapwesto sa award. Dapat ay diversified ang forms ng news articles. Inexplain ko na 'to sa newsletter.

b. Insights (Editorial-Opinion Page)
-Good choice yung topic sa Editorial na pagte-tema ng mga palabas sa telebisyon ng early pregnancy at pagtalakay sa mga developments ng school.
-Maganda rin ang opinyon ni Lycah Bihag na 'Cheaters Win' na tumalakay sa pagiging pride ng mga cheaters sa exam kapag nakakalusot sila sa pagdaraya. Classic na topic sa campus journ ito, pero magandang palaging napapaalalahanan ang students tungkol dito.
-Hindi ko nagets ang Editorial Cartoon at masyadong malaki ang espasyo para sa call for writers/contributors.

c. In-Depth
-Noong time ko (unang panahon pa), ang In-Depth ay investigative journalism. Ngayon ay parang featurette  ng municipal police ng Tiaong, parang nagbago ang ihip ng hangin at naiba ang page na ito ngayon. Kung ako ang tatanungin, masyadong heavy ang investigative journ para sa campus paper.

d. Outlook
-parang opinion page din pero para ito sa mga mag-aaral
-Masyadong malaki lang din ang space na kinain noong FB Forum para sa kakaunting content.

e. Boundaries (Photography)
-potraits ng mga rural faces at karamihan ay mga mukha ng mga bata
-oks rin sana kung may photoessays o di kaya ay finiture ang mga cultural o historical landmarks sa Tiaong

f. Residence
-Hindi ko nagets kung bakit residence ang tawag sa page na iyon. Hindi maganda ang page na'to.
-Una, hindi disente yung pagkakasulat noong article. Insinuating siya kung hindi man bastos. Entertainment? Hindi pa rin ito intellectually appropraite sa campus paper.

g. Feature Page
-ito ang centerfold ng tabloid. Kadalasan after tingnan ng reader ang front at back page ay sinusunod nyang buklatin ang gitna. Minsan nga, ito pa ang unang binabasa. Kaya dapat lamang na hindi nito biguin ang mambabasa.
-Medyo bigo sa center fold ngayon. Una dahil sa lay-out, magulo ang kombinasyon ng kulay at may mga text na hindi mabasa ng maayos o hindi talaga mabasa at all. May mga dead spaces din.

-Second, bigo sa centerfold dahil dalawa lang ang article na sana'y kasya ang 3-4. Pareho pa itong nasa pop culture, ibig sabihin batid na ng lahat. Umuso na bago pa nailabas ang imprenta, alam na ng lahat. Wala ng charm o magic  of unbeknownst. Ganun.

h. Literature
-Hindi ko alam kung literary ba dapat o sadyang literature ang page na ito. Hindi lang kasi tula may dagli at 'parang' sanaysay sa page na ito.
-Pero sa aking tantiya, mas tunog feature ang 'Body Secrets' (na tungkol sa body odor) kaya dapat ay sa feature page ito.
-May mga suggestions na ako sa newsletter literary page. Magandang ma-consider ng susunod na mga patnugot. (Patnugot, huh! Big Word!)

i. DevCom Page
-Eeweee ang pages 16-17 dahil nakaplastar ang dalawang politician. Parang tinulungan natin silang umep-eps sa madlang studs. Sapat na na mabanggit ang projects nila at mamention ang pangalan, after all it's really their job; pero yung ilagay pa ang pics nila na anlaki-laki; eeeeehh! That's a Nay-nay! Maiksi ang articles para sa malawak na espasyo.
-Oks ang "Rice as Staple food for Filipinos" ni Ken Alcala. Akala ko noong una ay parang overview lang ito ng rice industry, pero tinackle din ang problema ng rice industry (infra, pop.growth, price hike at shortage) eventually pati ang govt actions. Banga na sa DevCom.
-May ilan lang akong suggestion na pwede sanang nagpa-improve sa article:

a. Sana ay tinackle din ang "Panatang Makapalay" para makaspark ng awareness sa wag pagsasayang ng kanin. Sa ganitong paraan lahat tayo ay maaring magspark ng change, dahil lahat tayo ay kumakain ng kanin.
b. Binanggit din sana ang pag-cope ng farmers sa climate-change.
c. Sana ay niresearch natin ang effort ng gobyerno sa paghahanap ng
 alternatibong staple food.
d. No no ang high sounding words na ginamit ni Ken gaya ng resplendent (anu yown?). Imbis na escalate pwede sigurong increase na lang.
e. Masyadong obvious yung call for change sa dulo noong article. Binanggit talaga yung "call for change".
-Kudos pa rin kay Ken A. dahil isa itong agricultural article na sinulat ng engineering stud!

-Oks din ang article na tungkol sa Apiculture Center na itinayo sa SLSU-TC (by: Ken Alcala at Mayugs) dahil very light at informational ang pagkakasulat. At least pag nadadaanan ang bldg. alam ng mga mag-aaral kung ano ba yun. Pwede pa nilang i-sound out ang balita sa mga magsasaka sa kanilang lugar na gustong sumubok ng beekeeping
-Suggestion lang: sana ay namention sa article na ang apiculture ay beekeeping rin. :)

j.Sports Page
-no comment ako rito as usual.

Matapos ang aking pagtingin sa dalawang outputs ng Trabesa ay binabati ko sila dahil na-produce nila ang mga ito ng wala nang mga gamit. Nasira ng bagyong Glenda ang mga PC na pang-lay-out nila. 'Bayani'(volunteers) ang mga ito dahil wala naman silang tinatanggap na honoraria gaya pa rin ng dati. Kahit nga additional grades e, waley.

Sana ay umantas pa tayo sa mga darating pang mga istasyon Trabesa!




P.S.
Matagal ko na tong nasulat, ngayon ko lang na-type. Sana ay bukas tayo sa kritiko. Pasensya na kung napaliguan ang outputs, may pagkakataon pang makabawi.

Pasasalamat:
Kay Mica na nagpahiram ng kopya ng The Traviesa at Intersect.













Monday, June 1, 2015

Mother knows Utang


Si Mama ang "Ina na Laging may Utang". Lahat na yata ng institusyon ay nautangan na niya. Mula TSPI, CARD, SSS, PAG-IBIG, 5-6; World Bank na lang yata ang hindi niya pa nauutangan. Napaka-hustler ni Mama sa pangungutang dahil palagi itong nakakapasa sa mga CI (credit investigation). Ilang ulit nang nakapag-housing loan kahit na sira-sira pa rin ang bahay. Nakaka-utang kaya kami ng 50K kahit na nasa 7K lang ang sweldo ni Papa. Hustler na nga kasi.

Akala ko 50K na ang pinakamalaki niyang na-uutang pero isang beses ay nadiskubre kong mas malaki pa sa 50K ang utang niya. Nagkaroon na kasi ng app ang isang microfinance na sinalihan ni Mama, so ako medyo na-sosyalan sa microfinance, e tinesting ko ang app sa android phone ni Mama. Ok lang kay Mama na hingin ko ang account number niya para magamit anga
 app kasi nagmamahanga rin siya na level-app na ang utangan niya! So inenter ko nga, at poof ilang segundo lang ay nakita ko ang account ni Mama:

Savings: 400+
Loan: 99K+

Gulat ka no? Ako rin. Nakakautang na ng 100K ang nanay ko. Paano siya nagbabayad nu'n? Hindi naman daw kanya lahat 'yon. Hati-hati raw sila ng mga mards niya. E pano kung biglang hindi makahulog ang "mga mards" kapag dating ng lunes? E siya ang nakapronta sa utang.

Nakakahulog naman sila kada Lunes. Alam ko Lunesan ang paghuhulog at bubunuin ang utang sa loob ng anim na buwan o isang taon depende sa terms. Siyempre, mas matagal mas mababa ang hulog pero mas mataas ang interes. Alam ko na pagdadating ang Lunes,dahil nagkakaroon ng meeting ang mga "akawntant" sa bahay. Kanya-kanyang daing na kulang ang panghulog ng P168, P200, P316, o kaya ay mga wala pang panghulog kahit piso. Nakakahulog pa rin naman, mga hustler nga eh. Umuutang sila ng pambayad sa utang, madalas ay sa 5-6.

Lately, ito ang mga nauulinigan kong mga lending institutions mula kay Mama:

a. Yung dati raw nilang area manager ay nasa Banko Kabayan na, tinatawagan daw siya para magloan naman sa kanila. Mababa lang daw ang interes. Binibida niya ito sa isang kumare.
b. Bakit ang aga ni Ninang Iyam dito? May lakad kayo? kako. Sa Northpoint. Utangan din yata ito.
c. Galing naman siya sa isang national convention ng isang higanteng grocery chain. Andami raw mga booth, puno ng free taste.Hingi raw sila ng hingi ng mga libreng pamaypay. May tumawag daw sa kanya, PBCom, inalok siya ng personal loans.

Bukod pa ito sa mga existing niyang mga utang. Succession ang mga ito, habang matatapos bayaran ang isa ay may bago na naman siyang binabayaran. Thus, the title.

Utang na naman yan? Yan lang lagi ang sinasagot ko kay Mama. Dinidiskurahe ko na siyang mangutang dahil nautangan na niya ako ng 4K, walang CI-CI, walang guarantor-gurantor, wala ring guarantee na babayaran pa ako. Kaya kapag mas dumadami pa ang kautangan niya, ay lalong bumababa ang chance na mabayaran ako. Nakakaawa namang hindi pautangin, sa ibang tao pa mangungutang e may interes pa 'yon. "Ako? Kelan nyo ko babayaran?" kako.

"Kapag nagkapera  na'ko", sabi niya.