Ilang linggo ang lumipas, wala pa rin akong natatanggap na tawag. Mag-iisang buwan na, wala pa rin. Dito na dapat sabihin ang cliche na "tiwala lang". Habang tumatagal lalo kang nag-aalala, dalawa lang kasi ang lundo nito. Una, malapit na kong tawagan. Pangalawa, hindi na ako tatawagan. O hindeeee...
Nagpapalala pa sa pag-iisip mo ay ang pangangmusta ng mga kaibigan, kaklase, at kakilala. Hindi ko naman malihim na nag-apply ako bilang instructor, e sa nag-apply nga ako e. Siyempre, sasabihin nila "makakapasok ka d'yan, kaw pa". Tapos, i-explain ko naman na wala akong ganito, wala pa akong ganyan, kaya baka hindi rin ako matanggap. Negamind talaga. Kung me pagka-nega mind ako mas nega mind si Ate Tin.
Barkada ko 'yon e. Same birds kaya p'reho kaming negaminds. Sinasabi niya na kesyo wala na raw talaga. Sinasabi niyang baka ako lang daw ang tawagan. Kapag napaka-hopeless na ng chat conversation namin, ako na ang magpapaka-positive-walang-aayaw- attitude. Or else pareho kaming magpapasagasa na sa may Kanto ng Cabatang. Bigyan pa natin hanggang 2nd week of June.
Andami naming naging analysis kung bakit di pa kami tinatawagan. Ito ang ilan:
a. Baka busy pa sila sa summer classes.
b. Baka nakafocus pa sila sa result ng LEA.
c. Baka busy pa sa preparations sa enrolment.
d. Baka may nag-apply na taga-UP. Licensed. With Masters. Taob na tayo nyan.
e. Baka nagrenew ng contracts yung mga instructors.
f. Hindi kaya busy na sa enrolment?
g. Hindi kaya wala silang load?
Kung ako lang ang tatanungin. Ayoko na munang bumalik sa siyudad para magtrabaho. Sobrang hirap emotionally, physically, at iba pang -lly ng pagkatao. Akademya lang talaga ang nililigawan ko. May mga nagpaparamdam na mga oportunidad, kaya lang hindi ko pa sila gusto sa ngayon.
Gusto kong magturo gaya ng pagkagusto ko sa choco butternut. Gusto kong kapanayamin ang mga estudyante gaya ng pakikipag-usap ko sa mga kaibigan ko. Gusto kong bumuo ng mga pangarap habang binubuo ko rin ang sa'kin.
No comments:
Post a Comment