Oo na nga. Oo na. Inaamin ko na. Hindi ko na kayang ilihim pa. Tapos na ang panahon ng pagkukubli.
Nag-apply po ako. Sa University. Bilang isang instructor, guro, titser, ganan. D'yan sa SLSU sa Tiaong. Ang aking mahal na Alma Mater. Oo nga! Aba! Ayaw pa mong maniwala.
Para nga naman kasi talagang isang malaking JOKE. Kahit nga ako ay nag-alangang mag-apply. Baka kasi kapag nakita ako ng registrar sabihin nyang "E hindi ka nga nagpapasok dati, tapos magtuturo ka sa akademya?". Baka kapag nalaman ng mga kaklase ko sabihin nila "E hindi ka nga naka-graduate 'on time'!". Baka sabihin ng mga prof ko rati, "e wala ka pa ngang napapatunayan sa industriya! Ano ituturo mo?". "E mali-mali nga punctuations mo ngayon sa paragraph na'to ta's magtuturo ka", sabi ko naman yan. Hindi naman pa nila sinabi talaga yan, baka lang sabihin nila. At para malaman ko kung sasabihin nga nila yan kapag nag-apply ako, e nag-apply nga ako.
Sabi sa 'kin ni Mami. Si Mami Edel, na isang mommy nga, na kaklase ko ay bagay naman daw sa akin ang magturo. Bagay daw sa'kin ang mag-explain sa unahan. Kahit nangangatwiran lang ako sa unahan. Sang ayon dito ang Pastor ko. Ayon sa kanya ay bagay daw sa akin ang maging propesor. Hindi mo pwedeng ipagsawalang bahala na lang ang pananaw ng mga may edad na. May alam na yang mga yan sa buhay kaya iginagalang ko ang kanilang pananaw. Pero ang dapat kong masigurado ay hindi kung bagay ba sa akin ang akademya bagkos ay kung may maiaambag ba ako sa akademya?At sa pananaw ko'y may maiaambag naman ako sa paghahasa ng ilang daan ding utak na mahahawakan ko, kaya nag-apply ako.
Nag-update ako ng Resume. Resume ver. 02. Pagkatapos ay saka nagresign sa trabaho. Kinontak ko si Ate Tin, na nagresign na din sa kanyang opisina. Parehas kaming nagplanong magpasa ng resume. Nagkaroon kami ng career planning kena Perlita. Nag-set ng araw ng pagpapasa - April 30. Pero bago pa sumapit ang April 30 ay nagpasa na rin ako ng resume sa Lucban, sa Main campus para magkasalubong ang resume ko sa HR. Desperado much. At ayon sa nakuha nyang intelligence report ay hindi na nag-renew ng contract ang 3 instructors; ang dalawang Sir JM (ang isa ay kaklase ko rin noong college) at yung isang part-timer lang from UP. May dalawang slots. Biro ko kay Ate Tin, wala na kong slot, sa kanya lang kasya.
Ito ang hindi biro: ang pagpapasa ng Resume sa bagong campus director. Nauna na kasi si Ate Tin na magpasa, mga 2 hours siyang ahead sa'kin. Kailangan kong ipresent na naman ang sarili ko. An hirap kayang maging polite, confident, professional, business as usual-mode. Parang nagpapanggap e. Pero dahil ganun talaga e, kailangan ko talagang lakasan ang lamang-loob ko. Ate Tin, pano kung tanungin ako kung bakit wala kang (1) License for Agriculturist, e wala ka rin namang (2) Masteral Degree o Units man lang? Dapat kasi isa man lang sa nabanggit ang meron ka kung papasok ka sa akademya bilang instructor. "Eh Di WOW!", sagot ni Sir Marvel na nag-apply din.
Parehong lisensyado si Ate Tin at Sir Marvel. May Masteral pa nga si Sir Marvel, thesis na lang daw ang tinatapos niya. Napaka-out of league ko. Hindi mo naman pwedeng sisihin ang sistema na nakapokus sila sa papel, sa credentials. Siempre, kung ikaw ay competitive at qualified dapat may patunay ka at somehow, license and masters prove that you're qualified at adept for pagtuturo. Kukuha din naman ako ng mga 'yan in the near future. Sa ngayon, dapat magtiwala sa'kin ang akademya. Give me at least a chance kumbaga.
So, pumunta ako sa opis bitbit ang naka-stapler ko pang Resume at cover letter. Napagalitan pa ko ni Ate Tin, hindi raw dapat ganon. Dapat hindi naka-stapler at naka-folder na puti. Pasensya naman, sanay lang sa online application. Kumatok ako sa opis, hanggang labas lang si Ate Tin dahil baka raw tanungin ako. Kaba-kabog-dugs-dugs, anlamig sa loob ng opisina ng direktor. Anlakas ng erkon.
Bumati muna. Tsek! Nagpresent ako ng sarili. Tsek! Nagsabi na mag-a-apply. Tsek! Akala ko ay sasabihin ay
No comments:
Post a Comment