Saturday, June 20, 2015

Sumali Ulit ng Essay Contest

    Nakapagpasa ako ng isang essay nito lang Lunes. Mismong deadline. Wala nang mas nakaka-inspire magsulat kundi ang deadline. Medyo nahirapan akong balangkasin ang essay dahil una ito ay nasa wikang Ingles. Parang di na ako sanay. Pangalawa, dahil ang topic ay tungkol sa peace. "Peace in our hearts and minds", ang tema ay parang cliche na lang. Ang lawak kung iisipin ng tema. Pero dahil challenge ito para sa akin e pinilit kong makapagsumite. At awa ng Diyos, ay naka-abot bago magdeadline!

    Ang hirap mag-isip ng kapayapaan lalo na't sa bahay nyo palang ay digmaan na araw-araw. Late ko na ri kasi nakita yung post na minention lang ni Donjie yung pangalan ko. Late as in 1 week before the deadline. Dahil wala namang entry fee at may 33 slots for winners. E nag-umpisa akong magmuni-muni. At sumulat-sulat ng kung ano-ano. Puro ako umpisa, tapos kapag iga na ang utak. Tigil. Oooops ideya! Sulat-sulat. Wala na ulit. Ooooops ideya! Sulat ulit. Hanggang sa napansin kong aba maramirami na pa lang naisulat. Ipinatas ko naman ang ideya. Kena Jul ako nagtype ar nag-editing. Multi-tasking dahil kaalinsabay nito ang pagrereview para sa Civil Service Exam. Hanggang sa nakapaghabi ako ng 650+ na words. Sakto na para sa maximum words na 700.

   Ang slant ng essay ko ay ang food security bilang pangunahing pundasyon ng pandaigdigang kapayapaan. Dahil isa na tayong global community, hindi lang pagkain ng bansa ang pinoproblema natin. Problema nating sugpuin ang kagutuman  saan mang sulok ng mundo. Kasi nga "you're not you when you are hungry". Nakakaisip gumawa ng krimen at nagdudulot ng kaguluhan kapag gutom ang mga mamayan. Saka ako pumunta pa sa mga bahagi ng tao na dapat ay nilalamnan din bukod sa sikmura. Ipinakita ko na gutom ang lipunan sa moralidad, karunungan, ispiritwalidad, at kapangyarihan kaya pasal na pasal din tayo sa kapayapaan. Tinapos ko ang essay na dapat sa usaping pangkapayapaan ay hindi lang gobyerno ang may pakialam. Dapat lahat tayo ay stakehoders. Lahat dapat ay peace advocate.

Ganan lang ang buod ng aking essay na pinamagatan kong 'Ending Hunger Games'.







No comments: