Lately, maiiksi lang ang blog posts ko. Nanghuhuli kasi kami ni Edison ng pokemons sa gabi. Hayskul bespren ko si Son at nag-umpisa kaming mag-Pokemon isang dekada na ang nakalipas.
At dahil augmented reality ang Pokemon Go, napipilitan kaming lumabas ni Son ng bahay at pumunta sa mismong mga lugar sa Tiaong. Maraming gabi na paikot-ikot lang kami sa maliit na Poblacion.Pokestop ang Eagle Rock. Ini-spin ang stops para makakuha ng in-game items gaya ng pokeball (panghuli ng pokemon) at berries (pampakain ng pokemon). Palaging maraming spawn ng pokemon sa Eagle Rock pati na sa kanto paliko sa Rizal St. Napapag-usapan tuloy namin ang mga lugar-lugar sa Tiaong.
Ngayon ko na nga lang napansin ‘tong Eagle Rock e. May naglakas-loob na magtayo ng resort malapit sa depressed area ng Tiaong. Hinahati ng mga eskinita ang mga bahayan sa looban malapit sa resort. Ang lapit din nito sa maruming ilog. Para nga lang itong private property lang talaga na may pool tapos siguro naisipang gawin na ngang resort o events place.
Sa labas ng Eagle Rock, may patas ng mga bato na may banga sa gitna na s’yang display photo sa Pokestop nito. Nalaman ko na ang rock, pero nasa’n ang eagle? Ayon kay Son, may agila nga sa loob ng Eagle Rock dati.
Sa labas ng Eagle Rock, may patas ng mga bato na may banga sa gitna na s’yang display photo sa Pokestop nito. Nalaman ko na ang rock, pero nasa’n ang eagle?
Teacher si Son sa isang private school sa Tiaong sa loob ng apat na taon. Sa Eagle Rock sila madalas mag-year-end outing ng klase n’ya dahil nasa bayan lang kaya madaling mag-uwian. MAs safe din for kids. Ngayon ka, nakawala itong agila at lumipad sa poblacion. Napadpad ito sa Gaudete, isa ring private school na dalawang kanto lang ang layo sa Eagle Rock. Siyempre, hindi alam ng mga bata ang gagawin, bigla ba namang nagkaroon ng agila sa school nila. Kaya naging subject lesson ito, ipinagbigay alam sa DENR ang agila at nagkaroon ng turn over. Ngayon ka, naghanap pala itong Eagle Rock dahil kanila umano ang naligaw na agila. Ayun, sa DENR na nila ike-claim. Kaya lang wala palang papel di umano ang agila.
Agila na, naging bato pa.
No comments:
Post a Comment