Apat na pahalang na
rehas
ang humahati sa malawak
na tubigan
Halos ga' trak ang loob ng dyip
Walang huntahang pinakikinggan
Walang ibang matingnan
Liban sa sarili
Si Manong lang,
na pinapawisan agang-aga
Sibat lang sa pila
Nagbabaka sakali
Mahigpit ang hawak sa manibela
Handang tumigil sa sinomang kumaway
Nanalanging may maiuwi bago gumarahe
Maaga pa naman pero
walang piho
Parang ako lang.
#
No comments:
Post a Comment