Lahat ng niyaya kong non-PhiLit friends (not into Philippine Lit.) ay hindi puwede. Wala akong kasama papuntang awarding ng Saranggola. Wala akong napilit. Tinatamad tuloy akong pumunta. Ansaket pati ng ulo ko. Linggo pa naman, ang hirap pasukin ng Makati. 'yokong mag-standing hanggang Buendia. Uwian pa naman.
Panato ko na kasi ito, 'sang dekada na pati ang Saranggola. Marami rin 'tong natulong sa'king pagsusulat. Hinigit ko ang sarili ko para maligo. Kahit malamig ang tubig bandang alas onse. Di ako aabot neto. Naghanap a ko ng lavender calming balm ko pero di umano'y di raw alam ni Mama kung sa'n nakalagay. Pero s'ya talagang nakawala noon. Nagpauli-uli na 'ko kakahanap. Di ako aabot talaga.
Ito ang plano: sumakay sa Lucena Grand Terminal para siguradong nakaupo. Mula Grand, 248 pesos na pala pamasahe pa-Buendia! At di ko naisip ang choke points ng Sariaya, San Pablo at Sto. Tomas. Di ako aabot talaga. Alas sais nasa slex pa lang ako. Nung makalampas ako ng Alabang, nag-check na ako ng hashtags, may picture taking na. Kahit mag-Grab pa ko nagtatanggal na ng table cloths.
Paano ba ko nagpunta dati? Nakitulog na ako sa Maynila noon. Kaya pagbaba ko ng Gil Puyat, nag-take out lang ako ng kape at fries at sumakay na uli ng bus pauwi ng Quezon. Binalabalan ang sarili at namaluktot.
Dyord
Disyembre 16, 2018
South Luzon Express Way
No comments:
Post a Comment