9:46
Halos isang oras na kong late sa board meeting. 'yung mga di
nakikitang elemento sa NGO. Unang board meeting ko pa naman. Ipapakilala nga
lang ako.
Hindi naman nila ko empleyado. Wala
naman akong kahit anong ganap sa meeting na 'to. Di naman kasi ako originally
kasama talaga. Ako lang ang hindi binanggit sa body ng e-mail. Okay lang naman
sana kaysa gumising at maligo ako nang maaga. Pero the day before the meeting,
kasama na raw ako. Hindi tuloy ako nakauwi sa'min kung saan mas madaling
ma-access ang highway. Anong oras na ko nakalabas ng Balete?
9:51
Nasan na ko? Nag-Grab na nga ako.
Share ride naman para lesser carbon footprint tayo. Roxas boulevard na. Rizal Park
Hotel 'yun so malamang mukhang luma yun, t’saka maliit lang naman kami na
non-profit.
Nag-double check din yung driver
kung nasa tamang lugar ba kami. "Dito na ba ko, kuys?" dinouble-check
namin yung sabi sa map. Kasi ba naman, mukhang engrande, mala palacio del
gobernador, mukhang consulado de americanos ang datingan nung hotel.
Interior. 10:01
Patakbo na ko sa lobby. Ang gara
talaga, maliit lang yung non-prof namin, afford ba nito yung ganitong venue ng
meeting? Tinatanong ko yung room namin, sa VIP II ng Rizal Cafe. Inusher pa ko
ni kuya. "Late ka na sir, kanina pang 9 am sila pumasok d'yan".
Nakakahiya talaga. Pasingit na lang siguro ako papasok. Pasimple.
Paghila ng sliding door, nasa gitna ako ng conference table. Tigil
sila ng ilang segundo. All eyes on me. Ayoko na. Di na ko magre-renew. May
foreigners nga kami sa board, nakangiti naman. 'yung mga Filipino ang mukhang
di natuwa.
Maya-maya ay humingi na ng
introduction. Pautal-utal pa ko nung una pero bumuwelo lang at nagtuloy-tuloy
na English ko. Sobrang direkta sila punto por punto sa meeting. Kailangan
ma-tackle lahat bago maubos ang kalahating araw sa VIP room. Tinitingnan ko ‘yung board, ang tatanda na
pero nagtatrabaho pa rin. Wala namang nasusuweldo sa pagiging board of trustee.
Natapos ‘yung meeting. Wala naman akong na-contribute.
Kumain kami sa Rizal Café. Ayun may
posters ni digs sa ding-ding. Ang cozy nung place, ba’t may ganun? Dito pala
nagalagi ang mga army navy na amer’kano. Mahigit isang siglo na ang tanda ng
hotel. Isang buong araw kong suweldo yung presyo ng sandwich.
Pagdating ng order ng board,
naka-plastic straw! Tumayo agad ako at ibinilin na wag nang lagyan ng straw ‘yung
dalawang iced coffee. Environmental non-profit po kami, na-ooffend kami kapag
binibigyan n’yo kami ng plastik. Nagpabalot na rin kami ng sandwich kasi hindi
naman kumain ‘yung ibang board of trustees, ang dami tuloy natirang credits. Sa
reusable food container naman nilagay at supot.
Isa sa mga napagkuwnetuhan namin ay
ang oceanarium sa San Francisco. Philippine reefs. Minimic nila ang tropical
sea ecosystem siyempre. Tapos, may underwater guide a puwede mong tanungin
habang nasa loob s’ya ng higanteng aquarium. ‘yung ocenarium ay hinahanapan daw
ng planetarium na puwedeng pagbentahan. Sabi nung asawa n’ya, bakit kailangan
pa ibenta, Philippine Reefs nga naman. “But the academe will ask for income
generation to cover the production…also the rights”. Marami namang pinoy sa San
Francisco, sana makita nila ‘yung Philippine Reefs ocenairum doon.
Okay sanang may oceanarium tayo
para sa mga kagaya naming walang pera pang-diving at takot sa tubig.