Monday, April 22, 2019

Board


9:46
Halos isang oras na kong late sa board meeting. 'yung mga di nakikitang elemento sa NGO. Unang board meeting ko pa naman. Ipapakilala nga lang ako.

Hindi naman nila ko empleyado. Wala naman akong kahit anong ganap sa meeting na 'to. Di naman kasi ako originally kasama talaga. Ako lang ang hindi binanggit sa body ng e-mail. Okay lang naman sana kaysa gumising at maligo ako nang maaga. Pero the day before the meeting, kasama na raw ako. Hindi tuloy ako nakauwi sa'min kung saan mas madaling ma-access ang highway. Anong oras na ko nakalabas ng Balete?

9:51
Nasan na ko? Nag-Grab na nga ako. Share ride naman para lesser carbon footprint tayo. Roxas boulevard na. Rizal Park Hotel 'yun so malamang mukhang luma yun, t’saka maliit lang naman kami na non-profit.

Nag-double check din yung driver kung nasa tamang lugar ba kami. "Dito na ba ko, kuys?" dinouble-check namin yung sabi sa map. Kasi ba naman, mukhang engrande, mala palacio del gobernador, mukhang consulado de americanos ang datingan nung hotel.

Interior. 10:01
Patakbo na ko sa lobby. Ang gara talaga, maliit lang yung non-prof namin, afford ba nito yung ganitong venue ng meeting? Tinatanong ko yung room namin, sa VIP II ng Rizal Cafe. Inusher pa ko ni kuya. "Late ka na sir, kanina pang 9 am sila pumasok d'yan". Nakakahiya talaga. Pasingit na lang siguro ako papasok. Pasimple.

Paghila ng sliding door, nasa gitna ako ng conference table. Tigil sila ng ilang segundo. All eyes on me. Ayoko na. Di na ko magre-renew. May foreigners nga kami sa board, nakangiti naman. 'yung mga Filipino ang mukhang di natuwa.


Maya-maya ay humingi na ng introduction. Pautal-utal pa ko nung una pero bumuwelo lang at nagtuloy-tuloy na English ko. Sobrang direkta sila punto por punto sa meeting. Kailangan ma-tackle lahat bago maubos ang kalahating araw sa VIP room.  Tinitingnan ko ‘yung board, ang tatanda na pero nagtatrabaho pa rin. Wala namang nasusuweldo sa pagiging board of trustee. Natapos ‘yung meeting. Wala naman akong na-contribute.

Kumain kami sa Rizal CafĂ©. Ayun may posters ni digs sa ding-ding. Ang cozy nung place, ba’t may ganun? Dito pala nagalagi ang mga army navy na amer’kano. Mahigit isang siglo na ang tanda ng hotel. Isang buong araw kong suweldo yung presyo ng sandwich.

Pagdating ng order ng board, naka-plastic straw! Tumayo agad ako at ibinilin na wag nang lagyan ng straw ‘yung dalawang iced coffee. Environmental non-profit po kami, na-ooffend kami kapag binibigyan n’yo kami ng plastik. Nagpabalot na rin kami ng sandwich kasi hindi naman kumain ‘yung ibang board of trustees, ang dami tuloy natirang credits. Sa reusable food container naman nilagay at supot.

Isa sa mga napagkuwnetuhan namin ay ang oceanarium sa San Francisco. Philippine reefs. Minimic nila ang tropical sea ecosystem siyempre. Tapos, may underwater guide a puwede mong tanungin habang nasa loob s’ya ng higanteng aquarium. ‘yung ocenarium ay hinahanapan daw ng planetarium na puwedeng pagbentahan. Sabi nung asawa n’ya, bakit kailangan pa ibenta, Philippine Reefs nga naman. “But the academe will ask for income generation to cover the production…also the rights”. Marami namang pinoy sa San Francisco, sana makita nila ‘yung Philippine Reefs ocenairum doon.

Okay sanang may oceanarium tayo para sa mga kagaya naming walang pera pang-diving at takot sa tubig.

No comments: