Ang
dami kong ganap. Masaya naman dahil busy pero marami ring hindi ko pa rin
nagagawa. For example areng blog ko, wala nang update na matino. Laging ang tag
ay maka-entry lang. Matapalan lang ang konsensya. Medyo high maintenance ang
mga relationships ko these past weeks. Sobrang di na ako nakikita sa aking mga
inuuwiang tahanan. Mga, kasi ang dami kong iuuwian. Maraming nagpapakain sa’kin.
Ang dami ko ring kuwento.
Pero kung titingnan mo ‘yung journal ko, ‘yung Lunes o Martes ay
palaging “tinamad lang ako today,” o “tamad-tamad lang ulit” ang nakasulat.
Ayoko namang gawin pang productive ‘yon. Sagrado para sa’kin ang isang araw na ‘yun
sa isang linggo na wala akong plano, wala akong inaalalang dapat matapusan.
Pinababagal ko ang pagdaloy sa araw na ‘yun.
Kaya ayoko ring magsulat. Kaya tambak ako ng isusulat. Nagiging trabaho
tuloy ang pagsulat. Dapat sana ay parang panliligo na nakakapresko at
pagpapahinga ang pagsulat. Gaya ngayon. Kahit maraming pending. Balakayojan.
Hihinga ako. Babagal.
Laging aagaw.
#
Dyord
Abril 05, 2019
Sitio Lipute, Brgy. Kinalaglagan
Mataasnakahoy, Batangs
No comments:
Post a Comment