Iniisip ko
pano ‘to. Mga bagets at never ko pa napanood na ang pagiging super hero ay
family thing. Parang pinoy pero hollywood. Akala ko tatawa lang ako pero may
kulbit ng kaunti sa pagkatao at pagiging komunidad natin ‘yung Shazam. Akala ko
about finding the inner self journey type of superhero movie pero more on
finding a home na hindi natin usually nakikita na support group ng isang
superhero ang pamilya nya. Lagi lang s’yang may sidekick na less cooler or
deskman/woman na nag-a-assist sa kanya.
Nakakamulat ‘yung
pelikula na may mga batang walang pamilya rin pala sa America. Mukha kasing ang
gaganda ng bahay at lawns nila, safe and secured ang schools, ang ganda ng
social services, so akala ko wala nang mga batang nagpapaplipat-lipat ng foster
parents sa kanila. Makes you think na incompleteness at brokeness ay and’yan
lang next door or katabi mo sa tren. At hindi mo ‘yun makikita sa trailer.
All that was on the trailer ay hilarious, feel-good, a bit delinquent, very
light and bright superhero film.
Pero mas
maganda pa rin ‘yung Wonderwoman. Pero magkaiba naman dapat sila tinitingnan.
Pero it’ll be nice if the screen will share eksena ni Shazam and Wonderwoman.
Hilarious. Pero DC Universe sa tingin ko kailangan n’yo pa magdagdag ng iba
pang kasarian sa JL movie.
No comments:
Post a Comment