Bumisita kami ng Taal. 'yung bayan hindi yung lawa. Nakagaling na ako dito dati noong nilindol ang Batangas taong 2017. Nasa opisina lang ako ng dswd, nag-eencode ng mga apektadong pamilya. Coffee break sa 7-11. Balik na ulit sa opisina tapos uwi agad. Hindi ko napansin ang mga lumang bahay kahit pa nga yung malaking Basilica. Ngayon na lang.
Siguro dahil hindi na ako nagmamadali ngayon. O siguro dahil may kaibigan na ako ngayon na nasa conservation work ng mga pamanang kultural. O nakasinghot na ako ng konti pang kultura. Si Archi. Axel ang naging tour guide namin. Naging kaklase ko sya sa isang workshop na may cpd points ng architecture at hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko sa workshop na yun. Kapag tinatawag kaming Taal, pareho kaming lumilingon, "Which Taal? 'yung heritage town o yung protected area?" Pareho ng edad, magkaibang mga pangangalaga, at magkadugsong ang mga kasaysayan.
Dumadaan sa bayan ng Taal, 'yung ilog ng Pansipit na bukod tanging labasan ng tubig mula sa lawa ng Taal papunta sa look ng Balayan. Kaya din namin binisita ni Ms. Jane ang Pansipit dahil ito lang ang daanan ng mga isda mula sa tubig-alat papuntang Tabang. Naiga ang malaking bahagi ng Pansipit "nauhaw po ang bulkang Taal" sabi ng naglalarong batang tinanong ko. Nalalakaran ko na ang dating ilog, sanaw-sanaw na lang ang tubig. Mababaw na yung dating halos ampos tao. Puwedeng umangat ang bayan ng Taal o bumaba ang bayan ng Lemery kaya nawalan ng tubig.
May mga nahuhuling tilapia at dugong sa ilog. Nakita rin namin na maraming kanal mula sa Caysasay at Lemery ay tumatalon sa Pansipit. May mga kabahayan din na deretso ang depostio sa ilog. Malulusog ang mga water lily. May mga napalipat nang residente ng mismong ilog at may mga pag-uusap naman na ililipat rin yung ilang naninirahan pa.
Isa sa mga lumang bahay na malapit lang sa Pansipit ay ang Casa Tirtuga, ayon sa sabi ay sa bahaging ito ng ilog pumapanhik ang mga pawikan para mangitlog. Kaya may mga bahay ng pawikan sa loob ng Casa Turtuga. Marami rin sa loob ng bahay na mga lumang gamit na hindi naman galing sa Taal ayon kay Axel. Sementado na ngayon 'yung malaking bahagi ng gilid ng Pansipit.
notes on Pansipit walk 2021
No comments:
Post a Comment