balik eskwela na ang mga pamangkids sa kabila ng kawalan ng bagong bag. hindi naman masyadong issue ang bagong bag kasi galing sa pandemya at modular na klase na hindi nagba-bag talaga. nagreklamo pa si Top-top sa kanyang anime-designed na pencil case na may built-in pantasa, "ang bigat na nga ng bag ko, wala pang libro." Noong panahon namin kapag may two layered kang pencil case nakakariwasa ka na sa buhay. Excited sina Ten-ten at Puti kakabukas-sara ng bag nila bago pumasok. Kinaumagahan ay may sipon kaya hindi muna pwedeng pumasok. Unang test ni top-top, wala syang yellow paper at namburaot na agad sa kaklase sa first day of school. Hindi rin n'ya kinakain ang maluto at mga baong pagkain. Maghapong di kumakain ng recess at lunch. ayaw magsabi kung bakit. ilang araw pa ang nakalipas na magsabi na may nambubully sa kanya. nakailang palit ng face mask dahil nilalagot ng kaklase. ayaw naman nyang patulan. bilang tito na dating kawani ng DSWD, sabi ko ay sapakin mo agad hindi mo naman pupuruhan papalag ka lang. kesa araw-arawin ka, bigyan mo ng isang malakas. may itinulak nga raw yung bully na isang kaklase at todo himas so hilot ang teacher sa likod kasi hindi humihinga ang itinulak. nang kantiin uli s'ya ng bully, ipinagtanggol sya ng nagbigay sa kanya ng pad paper, silang dalawa tuloy ang napagalitan ng teacher at parent needed. si top-top ay hindi deretso uwi lang at di na naabala. nakailang kaso na agad ng pagiging bayolente ang bully isang linggo pa lang, ang naisip agad ni Mama, bilang nasa sektor ng may kapansanan, ay baka kailangang ma-assess ni Mam Chona ang bata (sa Special Education). bilang tito na dating kawani ng DSWD, binabawi ko na, wag mo nang pektusan, umiwas ka na lang muna habang inaayos pa ang kaso. focus ka na lang muna kung ang kamote ba ay "camote or kamote"?
No comments:
Post a Comment