Mon vs. Raymart
Raymart vs. Claudine
Claudine vs. Gretchen
At ang kamakailan lamang ay ako vs. sekyu ng university
Sa naturalism ng karerang pinili ko,
normal lang na mag-tsinelas ako sa unibersidad. Okay sa olrayt lang din naman
na hindi kagandahan ang suot dahil hindi naman pwedeng mag-bukid kami ng
naka-black leather shoes at posturang-postura pa. Isa lang ang kilala kong keri
‘yun, ang late DA Sec. na si [insert apelyido ng PBA star player dati].
Kadalasan naka-shorts lang ako. Tipong bibili lang daw ng toyo o naghahanap ng
cottage sa isang beach resort. Natapos
ang maliligayang araw ng pag-sho-shorts dahil sa di maipaliwanag na
kadahilanang ipinagbawal ito sa loob ng campus.
Nasanay nakong pumasok ng naka-maong at
tisnelas. Mahilig kasi akong magtaas ng paa kapag mahabaang lecture hours. Ewan
ko, nakaka-absorb ao ng madali sa ganung posisyon. Oks lang din naman sa
instructors at least atentibo akong nakikinig di ba? Ayun ay kapag nasa klase
ako.
Ipinagbawal ang pag-tsi-tsinelas.
Panibagong talulot ng demokrasya ang nlagas ng may kapanyarihang tila ba
naglalaro ng ‘she-lovesme-she-loves-me-not’. Nakakadalawang talulot na siya.
Simple lang ang dahilan, marami raw ang gumagaya sa pagtsitsinelas namin at
hindi ito magandang imahe bilang mag-aaral. Hindi man lang nahingi ang opinion
naming sa minority ng unibersidad na nagtsitsinelas. Ganon ba kami
kaimpluwensiya at banta sa katahimikan ng unibersidad. Hindi naman siguro aabot
sa puntong mahihikayat din namin silang mag-welga o magusisa man lang kung
bakit hindi naka-run down ang other fees sa green forms namin o bakit patuloy
na nagbabayad sa lab.fee gayong marami samin ang wala namang laboratoryong
pinagdadausan ng mga lab.excercises. Hindi naman aabot rito ang impluwensiya ng
pagtsitsinelas, dahil madali lang tumahimik at maging walang pakialam. Sapat na
ang stress ng akademiks.
Pikit mata akong nagsapatos para wala ng
hassle sa pagdaan ko sa dog house. I mean sa guard house. Laking gulat ko ng
bumatok pa rin sa pagdaan koi sang umaga. ‘Yun pala nagkaron na ng lubusang
diktatoryal: No Full Uniform, No Entry! Nawalan na kami ng individuality.
Nawalan ng karapatang malikhaing ipahayag ang sarili sa pananamit.
Hindi ako sumunod. Hindi ko matanggap.
Nakakasakal na nakaka-asar. Pumasok pa rin ako ng hindi naka-uniform. Tuwing
umaga ay na-antala ako sa gurad house at nagpapaliwanag na may appointment ao
kay director, na may field work kami sa research ng isang faculty, na may
i-ta-type lang ako sa publication office. Lahat naman ‘yon ay tunay pero walang
pakialam ang guards sa validity ng rason ko. Basta kapag sinigang ang order,
sinigang dapat! Kaya ilang linggo akong nag-a-almusal ng argumento. Mahabaging
bahag, hindi pa ako natalo.
Kinuwento ko ito kay Mama.
Napagalitan ako. Sumusunod lang daw kasi yung guard sa order at baka matanggal
sila sa trabaho nilang 200 pesos a day ang kita sa pagsuway ko. Kawawa naman
daw ang pamilya nun ‘pag nagkataon. Buti na lang hindi alam ng Inay na 2 guards
na ang napatalsik ng publication namin. Dalawang pamilya na ang ginutom namin.
Pero balido ang pagpapatalsik sa kanila, yung isa nagpaputok ng baril, yung isa
naman nag-amok sa bahay ng adviser namin.
Hindi nako nakipag-argumento sa
nanay ko dahil at stake ang baon ko pero nakaisip ako ng matalinong paraan para
iwas morning-defense kung saan yung guard lang ‘yung panel ko. Para saan pa ang 5
taon ko sa kolehiyo? Ako ang kailangang mag-adjust at umunawa
P.S.
Nakakasalubong ko nga ang campus
director na never yatang nag-uniform pero nagbabatian lang kami. Hindi niya ako
sinisita. Hindi ko rin siya sinisita. Tawag doon? Mutualism.
No comments:
Post a Comment