Kapag pinag-u-usapan ang himagsikang Pilipino laban sa mga Kastila ay 'sin tapang ng bandana ng Katipunan at 'sing madugo ng Spoliarium ang mga tagpo.Puno ng sakit, galit, at pait. Naisasantabi natin ang kwento ng ugat ng pag-ibig sa edukasyon, panitikan, at bayan na 'sing tingkad ng pantalon ni Andres Bonifacio. May bahid ng komedya, kilig, at kapusukan ang kasaysayan ng pag-i-ibigan nila ni Oryang.
Si Oryang na kilala ng marami mula sa mga sing luma ng kasaysayan nating mga aklat ng Sibika, sa pangalang Gregoria De Jesus; ay isinilang sa hanay ng mga ilustrado. Ang kanilang langit-lupang distansya ng kalagayan sa buhay at mahigit sampung taong agwat sa edad ay naging sagabal sa kanilang pag-iibigan. Noong umpisa tila walang pag-asa si Andres lalo na ng ma-bad shot ito ng aksidenteng mapunta ang sulat niya para kay Oryang kay Matampuhin (kapatid sa Katipunan) at vice-versa dahil kay Sebastian noong ito'y di pa marunong bumasa. Pero di maglalao't mapapa-ibig rin si Oryang ng aktor-makata-rebolusyonaryong binata. Alalahaning dalagang Pilipina si Oryang-hard to get.
Pinatunayan ni Dre na hindi lang siya marunong umastrtihiyang pangmilitar kundi pati sa panliligaw. Ayon sa kasaysayan, hindi pala mainam noon na i-stalk ang isang binibini dahil ito'y kawalan ng modo. Kahit pa siguro me' facebook noon hindi 'yon gagawin ng isang katipunero. Inunang niyang ligawan ang mag-asawang De Jesus at noong una'y hindi ito pinayagan dahil trabahador lamang siya sa isang kumpanyang Aleman pero eventually, pumayag din ang mga magulang ni Oryang dahil confidente ang mga ito na hindi ito magugustuhan ng kanilang anak. Yaon nga ang naganap, hindi siya natipuhan ni Oryang pero hindi siya agad sumuko, hindi rin siya tumigil sa isang sulok at nagmukmok. Tinuruan niyang magbasa si Sebastian habang masugid na nanunuyo sa kay Oryang. Matapang na nagtapat si Cio kay Ors at marahil ay bumitaw nga ng banat na "Binibini, walang pwersa sa buong daigdig na kasinglakas ng tunay na Pag-ibig." Mga banat at pick up lines na sing talas ng kanyang tabak. Kayanaman, walang duda na nalupig niya ang puso ng dalaga.
"Hindi maari!" mariing tutol ng mag-asawang De Jesus. Marami naman daw siyang manililigaw mula sa mga nasa alata sociedad bakit isang hamak na Andrew B. pa? Mukhang nagsisisi ang mag-asawa sa pagpayag na paligawan si Oryang. At lumabas ang teen angst ni Oryang
" Ngunit wala silang mga buto sa kanilang mga katawan at apoy sa kanilang mga dibdib."
"Apoy lang pala ang gusto mo? Dadalhin ka niyan sa Impyerno!" giit ni Senyora De Jesus. Walk out si Oryang. Tapang ng script writer. Lumalabas na ang pagiging born katipunera ng dalaga.
Hindi natapos si Oryang sa pag-iiyak at pagpo-post ng feeling sad at hindi rin niya hinintay si Boypie pa niya ang gumawa ng hakbang. Siya mismo ang nagsimula ng pag-aalsa sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Dala ng malabis na rebolusyonistang damdamin ay sumulat siya sa gobernador cillo t ihinabla ang sariling ama dahil siya ay ipinahihimpil ng labag sa kanyang kalooban. Illegal detention ang kaso, na-Ben HurLuy si Oryang. Pumanig ang batas kay Yang at pinadalahan ng habeas corpus ang mag-asawang De Jesus. Walang nagawa ang mag-asawa kundi palayain ang anak.
Sa tapang at diplomasya, nakamit ni Andres at Oryang ang tamis ng kasarinlan ng kanilang pag-ibig. Hindi ko masyadong talos ang kasaysayan siguro matapos ang kanilang independencia ay sabay silang nag-whops kiri. Ewan natin. Marami ang itinuturo sa atin ng kasaysayan kaya mahalagang balik-tanawin natin ito dahil inuulit lang ng kasaysayan ang kanyang sarili.
No comments:
Post a Comment