Friday, November 1, 2013

Bugtungan sa Undas

Day-off kung umaga
Nag-uulam ng gluta
Madalas sa Highway, meron rin sa T.V.
White Lady.

Kinabog ang White Lady
Sa taglay niyang ageless beauty
Habangbuhay na baby face ay tiyak
Palakpak para sa kay Tiyanak!

Hobby ay hit-hit buga
Parati sa punong mangga
Sa sintax ay walang pake
Pahits naman Mamang kape.

Katawang pang-Cosmo
Pero ulo’y kabayo
Siguraduhing may GPS para sa gubat maka-alis
Tikabalang at your service!

Parang batman at robin lang
Ang peg nito twing sinukmanian
Bawat raket may umuunang reporter na pakner
Kaya aswang at tiktik, bespren por eber!

No comments: