Nahulaan na ni Jeuel na gagawa ako ng sanaysay tungkol sa panonood namin ng Catching Fire. Pero hindi isang rebyu ang isusulat ko, ipaubaya na 'yun sa mga eksperto. Ang lundo rin naman ay puro reklamo sa pagkapangit ni Finnick Odair, kadamihan ng smoochings (and when I say smoochings, me' laway talaga.), mga pinutol na scenes, at malayo sa imahinasyon ng mambabasa. Hindi 'yon kasana-sanaysay.
Ang Hunger games Trilogy ang una kong nobelang banyaga na natipuhan. Binigyan ko lang ulit ng tyansa ang mga Ingles na literatura. Nadala kasi sa una kong English novel - Murder for Breakfast. Pinakunot nito ang ulo ko sa mga kagaraan ng mga salita na wala sa bokabularyo kong ipinundar ng 16 na taon. Pinagod ako sa paghihimay sa klasikong estilo ng pagsulat, mga ka-lebel ng New Yorker. Pero itong kay Suzzane Collins, iba. Imba! Pinasabik. Pinuyat. Pinaglaro ang imahinasyon.
Buti na nga lang at nagbigay ako ng muling pagkakataon sa mga banyagang panitikan. Naka-relate din ako sa wakas sa "Iba naman yung pelikula sa libro. Andaming kulang!" ng mapanood ko ang nasabing nobela. Kesyo mukhang mahina yung gumanap na Katniss Everdeen. Kesyo mukhang malag yung Peeta Melark. Kesyo hindi masyadong madugo. Magkagayunman, nirekomenda ko pa rin ito kay Ate Tin na basahin din muna niya bago panoorin.Isa siya sa mga barkada kong tiwala rin sa mga taste ko. Walang duda na nagustuhan niya ang kartada ni Suz, siguro dahil sa elemento ng pag-ibig. Nila, kasama si Ara at Ana; na kinukwentuhan lang namin dahil hindi sila masyadong panatiko ng sci-fi, pati na ng pagbabasa.
At hindi man namin naiukit sa balat ng puno, ay sumumpa kami na sabay-sabay naming panonoorin sa sinehan ang susunod na librong isasapelikula- Catching Fire. At gaya ng maraming corny na sumpaan, hindi ito natuloy. Dala na rin ng nauna na sila sa industriya at ako ay naiwan sa kolehiyo. Inialok ko ang sinumpaang pelikulang ito sa mga (nerdy, may taste) kong ka-bradees. Nag-ala propeta ako na araw-araw ay nagpapa-alala na darating ang isang takdang araw. November 21 ang araw na ipalalabas sa sinehan ang Catching Fire at tatangkilikin na naman ng maraming kabataang Pilipino, sori muna Phil.Lit!
Marami ang kumasa. Sasama raw. Pero ilan lang ang pumutok. Apat lang kaming natuloy sa pagbi-big screen.
Nob. 22, 2013 Ang Takdang Araw. Ito ang pinakamaluwag na araw para sa mga abala naming sked.
2:30 pm Kainitan ng tanghali. Kasama si Alquin at Jeuel, namamalengke kami para sa bertdey ni Mica(log). Hindi pa naman niya bertdey, sa 23 pa, pero dahil walang pasok sa mismong bertdey niya; isasagawa ang sorpresang bertdey chorva para sa kanya. Ngayon din yung prayer meeting sa Kubo ministri. Kumabog ng bahagya ang dibdib. Nangangamoy na di matuloy ang balak. Pero nawala ang pangamba ko ng magtanong kami ng presyo ng mansanas ni Ate,
"Ate, magkano dito sa apple?"
"Bentsingko dalawa, dose ang isa."
2:50 pm Mainit pa rin. Dinobol tsek na ang pinamili ng biglang may itineks na pahabol, bumili raw ng maliit na pako para sa beatbox. Dala ng init at pagod, umusal ng reklamo ang dalawa kong kasama. Malayo raw ang bilihan.Hindi rin kasi kami bumibili ng palamig at nagtitpid nga. "Hayaan nyo na at mamaya ay magpapasarap na. Malapit na ang umaga." Na-fire up naman ang dalawa na ilang oras na lang at Catching Fire na. Luminga ako ng hardware at tawid kalsada lang pala ang layo. Si Alquin lang ang pinatawid namin dahil nga mainit at nakakapagod, tiningnan ko ulit yung tindahan autosupply pala 'yon. Suaveng-suave lang na umalis si Alquin sa tindahan.
3;55 pm Nasa iskul na kami. Nakaupo sa tapat ng kubo. Gustohin man naming mag-merienda habang nagpapahinga pero nagtitipid kami. Chastity para mamaya. Nagkwnetuhan at nagbiruan na lang. Na matutulog lang si Jeuel mamaya sa sinehan. Na tatagos mula sa screen yung pana ni Katniss at tatama ilang pulgada mula sa aking braso. Na makakapulot ako ng mockingjay pin! Lahat ng ito ay pawang pagwawaksi ng negatibong kaisipang hindi kami matutuloy. "Ate, 5 mins. na lang mag-start na tayo." pinaalala ni Alquin na alas-4 ng prayer meeting. "Hanggang 5:30 pa sina Mica, sila ang magpapa-awit." tugon ni Ate Anj. Bravo! sabi ng isip ko. May kung anong elemento na nananadya samin. Nag-umpisang magkalkulasyon ang isip ko: 1 oras sa prayer meeting + 30 mins sa bertdey chorva + may... Hindi, hindi dapat doon nakatuon ang isip ko. Matatapos ang pagtitipon. Madadaos ang bertdey. Maabutan ang huling screening.
4:50 pm Napa-aga sina Mica, nagso-song lead na si Agnes. Ikatlo niya na ata to ngayong linggo. Keri lang. Marami pang oras.
5:30 pm Nasa kalagitnaan pa lang ng devotion si Jem. Ito yung part na hinahatid na ang mensahe mula sa Bibliya. Tila may tinig sa kaliwa kong tenga:
"Ano ba yan ang haba na masyado, hindi na yan devotion, preaching na yan!"
Pero hindi, madami pang oras.
"Paikot-ikot lang yung puntos, sabog yung outline!" bulong ulit.
Pero hindi, mula ito sa salita ng Diyos kahit ano pang presentasyon niyan dapat tanggapin. Sabog lang utak ko ngayon. Hindi ako makikinig sa nasa kaliwa kong may tinidor. Sundot-sundutin niya man ako ng kawalan ng pag-asa mananatiling maigting ang pananampalataya kong aabot kami sa takdang oras - 7:30 pm.
"Hindi na ata tayo aabot" bumigay na si Jeuel. Hindi lang ako ang gumagawa ng kalkulasyon, marahil naistema na rin niya na kakapusin kami sa oras. Nong isang araw ay tiningnan niya ang website at tsinek ang screening hours, 7:00 pm sa Cinema1 at 7:30 sa Cinema 2. "Eh! Tiwala lang!" pasimangot kong tugon sa kanya. Hindi pwedeng ipakita na kahit ako'y nangangamba dahil baka sumuko kaming lahat. Muling tumaas ang bpm ng puso ko.
5:46 pm Tungkol saan nga 'yung mensahe? Linga ako ng linga. Tingin sa cellphone. Sa nagsasalitang si Jem. Sa Dumidilim na langit. Sa wall clock na parang ambilis ng takbo. Kay Alquin. Teka asan si Alqui? Andun sa likod naghahanda na nung sorpresa. Kay Jeuel na nagtetext, kinukulit na siguro ng Kuya Jet niya na naghihintay na sa mall. Tinutupok na ng Catching Fire ang utak ko. Tinext ko si Ate Tin:
"Antgal mag-speak ni Jem! ksalanan moto! hahaha."
Anong kasalanan niya? Maalala nyong nag-take sila ng LEA (sa Si LEA at ang mga Pangil ng Dragons), nagbitaw siya ng gantimpala kung masasalba ang kaluluwa niya mula sa pagkabagsak. Humingi siya ng back-up ng panalangin mula sa akin dahil ako raw ang malakas. Dahil kahit pantas pa ang isang (kahit pan-dalawa ang size niya) Ate Tin ay kinikilalal niya na hindi siya papasa kung hindi loloobin ng soberenong Examiner sa lahat. Kaya ng makapasa siya, iginawad niya sakin ang gantimpala: Catching Fire expense-paid! Pwede nyong tawaging indulhensya pero tinatawag ko itong nilaga ng matiyaga kong pagi-intercede. At dahil nga kay Ate Tin kaya ako naman ang nasa pagsusulit- isang test of faith.
"Pag may nagtetext satin natitiis niyo bang wag munang replyan?" sabi ni Jem.
5:53 pm Natapos na ang mensahe. Prayer time na. Madilim na at nag-rounds na si Manong guard.Ito ang lamn ng mga panalangin ko (medyo malayo sa dati) :
"Lord, patawad dahil ako'y makasalanan at makamundong nilalang pagkat ginusto ko nang matapos ang gawain agad-agad at makaabot sa oras. Sori pooooo... dahil inisip ko rin na sana sitahin na kami ni Manong guard at pauwiin. Ambad talaga. endsoport..."
Inayos ko ang sarili. Kung kalooban man Niyang mautoly. Matutuloy. Basta tatapusin namin ang gawain.
6:28 pm Natapos ang prayer time. May bertdey chorva pa. kasabay ng pag-awit ng hapi bertdey ay ang dugsdugsdugsdugsdugs ng puso ko na malakas pa kesa sa beatbox. Tila finast forward x4 ang mga sandali habang ineenjoy ang sorpresa kay Mica.
6:45 pm Tinapos lang namin ang prayer para sa may kaarawan. Kumuha ng isang tinapay. Nagpalit ng pinagpawisang damit. Nagpaalam. Pagkalabas na pagkalabas ng pinto:
Hindi kami nagsayang ng kahit isang segundo. Gintong ginto ang oras. Tinakbo namin ang runway na parang may pulutong ng zombies na humahabol samin. narating namin ang university gate ng isang kisapmata. Pare-parehong hapong-hapo. Wala pang 10 segundo dumating na ang barko ni Noe - isang erkon na bus byaheng LRT Taft.
PARA!!!