Wednesday, January 22, 2014

7 Senyales na Wala Kang Masulat. #WMK

Nang mga nagdaang araw, wala akong masulat. Salat sa konsepto, ideya, at pagiging malikhain. Kaya gumawa na lang ako ng 'thought article' na hindi na raw uso ngayong 2k14.

Ang 7 Senyales na #WKM :

7.Magpipilit ka 


6. Tapos... Ahh...(Elipses magpakailan-kailanman) 

Tuesday, January 21, 2014

Hippo-Choleric Bond


"Dahil maraming taong maraming sinasabi 
pero mga wala namang sinabe. "

   Isang araw narinig ko mula kay Rodora na nangangailangan daw sila ng tao para sa isang project na willing daw makipagcommunicate sa laymen at makicooperate sa mas nakakataas sa kanya. Maraming pangalang nabanggit mula saming magkakaklase. Hanggang sa ibagsak niya ang pangalan ni Ate Tin, isang malaking bagsak! Masipag, maabilidad, matalino (gaya ko), at hindi choosy. Pero bakit siya e may training siya sa isang multinational poultry kembot co.? At wala akong nakuhang sagot kay Rodora. 

   Si Ate Tin na may kalaparan ang noo kaya may kalawakan din ang kaalaman ay may kalaparan din ng pangangatawan. Hence, Tabs ang isa sa kanyang mga taguri. Naalala ko nung college days, mga prelims nun, hindi pa hagasan; ay naglakas loob siyang mag-red lipstick. Ito ang nagbunsod kaya siya nakaranas ng verbal bullying na tumagos sa kanyang adipose at fatty acids. Tawagin ba siyang Jolibee?! Sa kabila ng mga ganitong danas ay binuhos na lang niya ang galit sa pag-aaral (at kanin) at nakapagtapos bilang Cum Laude lang naman. You know nemen kese, birds of the same feathers. Madami rin siyang natulad sakin.



   Linggo ng gabi kinukulit nako ni Rodora na mag-reunion daw kami kinabukasan. Siya, si Perlita, Ate Tin, at Ako. Nakakatamad dahil mabibitin lang ang kwentuhan dahil may agenda ako kinahapunan. Kaya nagdahiln ako:

Kesyo unang-una, wala akong pera.
Ililibre daw.

Kesyo may meeting pako sa hapon.
Mabilis lang daw.

Kesyo may trabaho pa si Ate Tin ng araw na yan.
Wala na daw.

   Dun nako nagka-clue na baka bumagsak ulit siya. Sa pagkakaalam ko 2-fail-out policy ang kumpanya na pinagtetrainingan niya. Umaga nako nagpasyang sasama kesa naman mag-senti ako sa bahay dahil kamatayan ni Rizal.

   Magkasabay na kami na pumunta ni Rodorang pumunta ng Mang Inasal, pinagpaalam pa niya ako sa nanay ko; tutal siya rin naman ang may pakana. At gaya pa rin ng dati ang 9am ay naging 12pm. Unang dumating si Ate Tin, masaya at malusog pa rin. Usap-usap. Kwento-kwento. Hindi pa kami umorder dahil ayaw muna naming magmanok. Hihintayin lang namin si Perlita na nadefend pa rin ang title bilang the Late Mariah Dolour. Kahulihan siyang dumating at nagbida pa na nag-half day raw siya. "Wow Gurl, holiday ha, mas bayani ka pa ke Rizal". Hindi na namin siya pinaupo at lumipat na kami sa...sa...sa Jolibee, kung san mas memorable ang pagkain.

   Umorder na sila, dahil sila lang ang may pambili. Lahat sila may trabaho at ako na lang ang wala pa kaya ako ngayon ang naaping sektor. "Miss tatlong N2 at isang small fries" sabay hagalpak ng tawa. Usap-usap. Kwento-kwento. Kanya-kanyang daing na mas mabuti pa raw nung college, mas madalas kumain, mas nakakabili ng ganto, mas nakakatikim ng ganyan. Kadalasan daw kasi napupunta sa tuition ng kapatid. Sabi ko lang, "Atliiiit!". At dumating na nga ang order at 4 na kahong ng ispageti naman at may sundae pa. "Ayan yung isa take out namin" pang-aalaska ni Dolour sabay abot sakin ng large fries. They're so mean talaga to me.

   Kwento-kwento. Usap-usap. Hanggang sa mapagkwentuhan namin ang kalagayan ni Te Tin na bibili na daw ng tablet ang kapatid samantalang siya ay nagtiya-tiyaga pa rin sa lumang cellphone na may lastiko pa ang keypad para dh malaglag. Pero bukod diyan, mas gusto kong malaman ang kwento sa pagkaka-alis niya sa Bounty Fresh. Alam ko kasi na may istorya sa likod ng pananahimik ni Rodora.


   Mas gusto lang siguro niyang talaga na manggaling sa snout, I mean sa mouth ni Ate Tin ang buong panyayari.



"Nakadalwa nako, bale tatlo." kwento ni Ate Tin sabay higop ng ispageti. Suuup! 
"Exam lang binagsak mo pa?! O di ba nagbibigay sila ng ibang position?" tanong ko dahil nakwento niya dati yung unang na-evict sa training ay binigyan ng ibang position. 
"Ayy! Hindi ko pa pala nakwento sayo?!" sagot niya kahit alam na niyang hindi pa dahil sila lang naman nina Perlita ang madalas magkamustahan sa text. 

   May isang lecturer daw kasi na do-it-yourself lahat ng lecture notes at hindi lang siya ang nagrereklamo sa ganitong sitwasyon. Buti sana kung simple sugar e, but no! It's a higher science, pare! Science. Higher. 

   E di exam day na nga raw. Sagot-sagot. Sulat-sulat. Kamot-ulo. Hanggang sa dumating na siya sa tanong na bumago sa ikot ng kanyang mundo. 

"Draw the diagram of how hypochlorite molecule act as a disinfectant to kill pathogens of diseases." 

   Yung tanong na parang nananadyang mambagsak. Kung ako baka nag-alsa balutan nako. Pero ito daw ang sinulat niya: 

"Seriously? ... 
I really don't see the essence of this when I work or if I will work here. Sorry, I'm a fool and I don't know the answer." 

   Pinatawag pa raw siya sa opisina ng mga boss, siyempre hindi para offeran ng favorable oppurtunity. At doon niya mas dinitalye ang mali sa sistema ng mga nasabing lecturers. Kilala namin ang isa't-isa, mas sa practical side kami, yung mapapakinabangan sa industriya. May mga Jimmy Neutrong pinanganak para sumagot sa tanong na yon at naniniwala siyang hindi sila yon kaya irrelevant yung tanong. 

   "Prinsipyo" yun ang nasabi ko. Hindi dahil I promote rebellion at rebolusyonistang pagsulat. Kundi yung pagpapahayag ng totoong saloobin laban sa maling sistema. Kahit mawalan pa ng kabuhayan. Marami sa kanila yung maraming sinasabi pero mga walang sinabi. 

   Prinsipyo , kahit papaano'y pinatalas pa ng mga pangil; ang pinagkatulad namin ni Ate Tin. 



Other Titles: 
Who wants to be a Rebellionaire? 
Kristin as Katniss NeverThin 
Isang Tanong, Isang Ungot.

Saturday, January 18, 2014

Sinag ng Buwan

   Kakatwa yung buwan nung isang gabi. 

   Naglalakad ako nun pauwi at bagaman Enero na at tapos na ang Amihan, ay malamig pa rin ang dampi ng hangin. Tumunghay ako para sa mga bit'win, madalas ko yung gawin; pero bigo dahil sa maulap ang langit. Gayunman, maliwanag pa rin ang buwan at ambilis-bilis ng galaw ng ulap na tumatakip rito tila naghahabol sa clearance sale. 

   Maya-maya pa. 

   Napatanga ako ng tumingala ulit. Nawala na ang tumatakip na ulap at may kakaibang ring sa langit. May pabilog na sinag na nakapalibot sa buwan. Parang halo, ganun. "Ngayong gabi, ako ang bida" sabi ng glamurosa at mahiwaga nitong liwanag. 

   Tinaas ko ang aking kamay at binukas ng malawak ang palad. Habang nakatapat sa buwan winika ko: "Moon Crystal Poweeer..." 

   Pero walang biro, nakakaakit ang gayak ng buwan nang gabing yon. Ayon sa mga metereologists, isang normal na pangyayari ito kung saan tumatama ang liwanag ng buwan sa mga ice crystals sa atmosphere. 

   Ilang oras pa, nalaman kong moon halo pala ang tawag dun.

Friday, January 17, 2014

Pulis-Magnanakaw: Pula-Dilaw

   Maya-maya nga'y may hawak na siyang isang pulang panyo as pulis at isang dilaw na panyo as magnanakaw. Bale, dalawa lahat. Mukhang alam mo nang maglalaro kami ng Pulis-Magnanakaw. 

   Isa itong klasikong palaro kung saan ibubuhol ng dalwang beses ang panyong magnanakaw, tatanggalin sa buhol at ipapasa sa katabi, ganun din ang gagawin sa panyong pulis pero isang beses lang ito ibubuhol. Kayanaman sa ilang sandali lang masasakote ng pulis ang magnanakaw, out na ang maaabutan. Pero hindi gan'to sa real life. 


Get's? 
Let the game begins. 

   Pero bago muna nagstart yung game. Binriefing ko muna sarili ko: "Jord, this is just a game. Nothing to lose." masyado kasing nakaka-palpitate ang larong 'to. 

   Nag-umpisa na nga ang habulan. Nag-umpisa na rin akong magcalculate. Kung ang average time para mabuhol ang dilaw na panyo ay 5.2 sec at 3 sec naman sa pula; given that may 5 tao pa bago ako daanan ng magnanakaw. What is the probability na ma-out ako sa game? 

   Pero nawawala ang bawat attempt ko for mental calculations kada may naabutan ng pulis. Buntong hininga ako. 


   Napansin kong may social relevance pala yung game matapos mapanood ang sinapit ng apo ni Willy Nep. Marami sa nagbubuhol ng pula ang relaxed, petiks lang. Samantala ang nagbubuhol ng dilaw ay double-time. Parang palubog na ang justice system ngayong administrasyon. 

   Ang mas nakakatakot pa, ay kung ang 'dilaw' nga ay magnanakaw.

Wednesday, January 15, 2014

Reso...Isang Pandalasan-naysay


Pumailanlang sa ere ang isang tanong: "Anong New Year's Resolution mo?" 

At nasundan pa ng isang mapanuring tanong na sasapak sa marami satin: "Natutupad ba?" 

"Kaya ako ang NYR ko, hindi nako gagawa ng NYR." hirit ng katabi ko. 

"Hindi mo yan matutupad, gumawa ka na e." sabi ko. 

Nagawa na niyang hindi gumawa. 



... 


Ito na ang hudyat ng marami pang Pandalasan-naysay.

Writer's Block: Isang Emergency Holiday

Nakakainis! 

Mga panahong wala kang maisip na matino para isulat. Na parang 8kg dumbel ang bigat ng bolpen. Hindi makasulat sa papel. Lalo na sa blog. Tigil ang update. Nakakafrustrate. 

Ayoko sanang maniwala sa writer's block, pero habang tumatagal ako sa pagsusulat ay mas nagiging kaibigan ko ito. Hindi ko siya gusto pero parang isang taong hindi mo vibes ang ugali pero dapat pakisamahan. 'Pag naasar ka, ikaw ang talo. 


Kahit ang pagkakape wala na ring nabibigay na magandang timpla sa sulatin. Wala ng tapang. Wala ng init. Sing lamig na ng ilong ng pusa ang pagsusulat. 

Siguro sa dami ng mga nagdaang danas na maaaring isa-akda ang dumaan at hindi naisulat, hindi dahil ayaw ko kundi wala akong pagkakataong umupo; e nagtampo na ang aking panulat. Minsan tinatrato ko na rin siyang may buhay para may masisi lang ako. 

Naghihingalo na siya. Paubos na ang tinta. Lumalabo na ang bawat paghagod ng panulat sa papel. Pakilasa ko'y me sakit ako na walang gamot na mabibili san mang botika.Minsan sinisi ko yung papel, masyadong madilim nakakatamad magsulat. Minsan naman masyadong maputi, nakakasilo mag-umpisa. 


Yung kahit nga nakapanalangin ka na, wala pa rin. Kapag gan'to, hindi ko na pinipilit. Naglilinis muna ako ng bahay, kakausapin si Chow-chow habang pinapaliguan, pag-aawayin si Dashu at ang pusang iskwater, maghuhugas ng pinggan, maglalaba, at matapos alilain ang sarili; pag pawis na pawis na at nangangamoy na saka ako uupo. Napansin ko lang to lately.

Pero may mga araw talaga na wala, wag ng magpilit dahil minsan kailangan mo ding gumawa ng isusulat mo. At sa oras na tinatawag kang muli para magsulat, e di sumulat na parang superheroe na walang choice kundi magpakabayani.

Sa ngayon may 2 akong gamot sa writer's block:
1. Wag magsulat.
2. Magsulat at tigilan ang pag-iinarte.

Sunday, January 12, 2014

Mil Dos Trese, Adios!

   Yaman din lamang at uso ang mga Reviews sa paglipas ng 2013, nakiuso na'ko at gumawa ng review by the digits: 


(Because I believe Math is the language of the Mathematicians) 

  Ngayong taon sinalubong ako ng 2 medalya sa campus journ. Kapalit nito ang graduation ko sa 'timeless dimension'. 

   Pagdating ng pasukan itinama ang 'pagpapabaya' at ang 5 sa Elem.Stats. ay naging 2 na pagkasara ng unang semestre. Nakaranas muli ako ng mga 7/20, 3/15, at 0/20 na iskor sa quizzes, very humbling experiences. 

   Pagpasok na ng June ko naisipang i-monitor ang galaw ng pera sa aking bulsa at bago magsara ang taon ay pumalo naman ito sa 13k na may 95% confidence interval. Hindi ko nasama sa tala ang mga kinukupit na sukli 'pag bumibili ng shampoo. At may 30 pesos ako sa bulsa pagpasok ng 2k14. 

   Sa loob ng 12 buwan, nakagamit ako ng 5 notebooks ([1]8x11, [2]80-100 leaves, at [1] 7x5 carolina pad) na sinulatan ng quite time journs, poetry, sanaysay, at to-do-lists. 

   Hindi ko natapos ang Bible (KJV) ng cover to cover. Pero nakapag-full highlight ako gamit ang yellow green na Zebrite ng 93 bible verses. Ilan dito namemorize. Ilan dito ay memorable. 

   Sa loob ng 57 sundays, nakapagtake notes pala ako ng 126 messages at preachings. Nakasama ng 3 retreats/camps. At ilang ulit pa ring nadadapa. Mahirap kasing bilangin kung ilan sa mga mensahe ang nai-apply in everyday pamumuhay. 

   Nagkaron ng 3 zebra 0.5 at nakapagsulat ng mangilang-ngilang akda na nalathala online sa kauna-unahan kong active blogsite. Naka-64 posts din at 1974 views bago magsara ang taon. Marami-rami ring unpublished sanaysay dahil tinamad mag-type o di kaya nanghinayang i-post. Nagkaron din ng 9 na libro ngayong taon. (At patuloy na nangangarap na makapagsulat man lang kahit isa sa hinaharap.) 

   Ilang tibok ang ginawa ng puso ko? [Ilang beses nasaktan? Luh numun!] Merong 38-42 million beats per year ayon sa estimasyon. Ilang beses huminga? Ayon sa Body Systems ng howstuffworks.com ay: "The average adult at rest inhales and exhales something like 7 or 8 liters (about one-fourth of a cubic foot) of air per minute. That totals something like 11,000 liters of air (388 cubic feet) in a day.... a human being uses about 550 liters of pure oxygen(19 cubic feet) per day."

  Maraming mga mabubuting bagay talaga na hindi maitatala dahil kung maitatala man kapos ang isang sanaysay, kapos ang ilang hanay ng mga bilang, hanggang sa malunod tayo sa kalakhan ng kabutihan ni BOSS. Kabutihan pa lang 'yon paano kung isusulat yung biyaya, yung kaunawaan, e yung pag-ibig kaya? Ah, ewan!

  Isa ang sigurado, tapos na ang 2013 at papasok ang 2014. Mas marami pang numero ang bibilangin ko.

Mga Berso mula sa Delubyo

          Isang e-mailang natanggap ko mula sa Meritage Press, at eto na nga ang ulat nila sa progreso ng isang antolohiya ng mga tula na idinoneyt namin (kasama ng iba pang mga manunulat)  nung pang Disyembre sa kasagsagan ng pagbuhos ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Haiyan. Naniniwala naman akong hindi lang ito promotional ek-ek. Kahit nga ako baka hindi ko rin mabili. Dahil una, wala naman akong kindle o reader at available to malamang sa dollars. Ganunpaman, nagkaron ako ng pagkakataong makapagsulat ng tula, siguro yung iba ang may kakayahang bumili ng mga ito. 


VERSES TYPHOON YOLANDA: A Storm of Filipino Poets
Editor: Eileen R. Tabios
Meritage Press (San Francisco & St. Helena, 2014)
Book’s Retail Price: $To Come
Online Orders: Lulu____(To Come)
To order directly from publisher, contact MeritagePress@aol.com

   Super Typhoon Haiyan—known as Yolanda in the Philippines—was the largest storm ever recorded on land, affecting over 11 million people who became homeless, widowed, orphaned or saw their beloveds die or themselves died in the onslaught of water and wind. Rebuilding efforts are estimated to require about three years with the Philippine government estimating that such efforts will cost about US$8.59 billion.

   In response to Yolanda’s devastation, Filipino poets in the homeland and the diaspora rallied to create a fundraising anthology entitled VERSES TYPHOON YOLANDA: A Storm of Filipino Poets. Edited by poet and editor Eileen R. Tabios, the anthology of 132 poems is released by Meritage Press (San Francisco & St. Helena), and can be ordered online through the press’ Lulu account at ___[To Come]__. All of the book’s profits will be donated to those helping the survivors of Yolanda. Recipients will be listed on the book’s website as they are known—and already includes Shelter Box, a disaster relief charity that was on the ground in Yolanda’s immediate aftermath.

   Book sales and, thus, fundraising proceeds, need not occur simply through online purchases. Meritage Press will work with fundraising organizations or individuals wishing to raise funds for Yolanda’s survivors. Specifically, Meritage Press is willing to send books at cost to fundraisers who then can sell the books at their individual retail price of [$20] each. The fundraisers then are free to donate the profits to organizations of their choice who are involved in aiding Yolanda’s survivors. For more information, contact Eileen R. Tabios at MeritagePress@aol.com

   While the anthology was geared for fundraising, the result also showcases the wealth of talent in Filipino poetry, a category that has not received sufficient attention within the poetry world. While not created for this purpose, this book is a useful showcase of contemporary Filipino poetry. Most poems are written in English, but a few also present examples of some of the Philippines’ languages: Filipino, Cebuano or Bisaya, Waray, and  Hiligaynon (with excerpts from their English translations).

   Additionally, while each individual poem may be powerful, the poems together create a sum-effect greater than its parts. What results is both novelistic in scope and urgent in communicating the news. For the news continue beyond the actual incident and aftermath of Typhoon Yolanda. The news continue about how our actions degrade the environment and each other, making likely the return of Yolanda’s brethren…unless we amend our actions. The sum of these poem-stories also reflect a different reality from what’s mostly been presented in the media, attesting once again to the importance of Filipinos speaking up on their own behalf.

   A Foreword is provided by poet-scholar Leny Mendoza Strobel, whose presence is appropriate due to her ground-breaking studies into the decolonized Filipino self and how pakikipag-kapwa/building-a-beloved-community is an indigenous part of Filipino identity. For the eagerness with which Filipino poets embraced this project manifests the indigenous Filipino trait of Kapwa.

   Meritage Press and the poets in VERSES TYPHOON YOLANDA appreciate your support. We look forward to engaging with you … including having our poems being read by you.

CONTACT: MeritagePress@aol.com

Para sa mas detalyadong pag-uusisa:

Thursday, January 9, 2014

Prefeys - Collegeopoly: 5 Taong Pagpaparoo’t-Parito sa Kolehiyo





   Dito ko siya sa dine-area ng mumunti naming kantina sinulat. Pero dati nang wala pang mga naghahabaang lamesa’t upuan, study area ang tawag dito dahil pinagdadausan din ‘to ng klase noong suuuuper kulang pa kami sa pasilidad. Buti ngayon, kulang na lang. Pero dahil suuuper simple ng shed na ito mas kilala ito sa taguring Bus Stop. Mula noong Bus Stop hanngang naging  dine-area ay erkon pa rin ito. Erkon-tinyus. Tagusan lang ang malakas na hangin na minsan ay mag-gagarnish ng tuyong dahon ng santol sa tanghalian mo.

   Tamang-tama kasi yung gulo, kalat, at mga mantsa para isalarawan ang buhay kolehiyo na nilaro ko. Mga ligwak na iskor, mga lagpak na grades, mga palpak na desisyon, at iba pang sulpak ng malupit na akademiya na ipinutok sakin. Katulad na katulad ng mga mumo ng kanin at hibla ng mga pasta na nagkalat ngayon sa mesa. Ang pinagkaiba lang hindi ako nilalangaw tulad ng mga mumo. Hindi ako nabulok. Lalong hindi napanis.

   Sa limang taon ko sa kolehiyo, nagkaron din ako ng lakas ng loob para i-feature ang ‘collegeopoly’. Halata namang inspired ng larong monopoly na nakabatay ang takbo ng laro sa pag-gulong ng mga dice. Naranasan kong ma-late (madalas) at naransan ding pumasok ng maaga. Naranasang magpapotokapi at hindi rin ito binasa. Naranasang bumatos sa kantin kahit nag-extra rice pa ako noon. Naranasang makipaglaban sa kaklase, sa instructor, sa ibang course, at maging sa iba’t-ibang universities. Naranasang mag-term exam ng 20 mins at naranasang ma-surprise sa quiz na announced naman. Ehem!Ehem! Naranasan ko ding mag-top sa exam at siyempre mag-flop. Ehem ulit. Naransan ko din naman (taas muna ng kwelyo at hawiin ang kilay) na makakuha ng UNO at maabot rin ang kailalalimang singko.
Naging malawak ang karansan, kaisipan, at kakayahan ko sa loob ng limang (nakakainip, nakakabitin) na taon. LIMA kahit apat na taon lang ang kurso ko. Alin ba ang mas masarap? Ang tocino na matagal na nababad? O ang tocino na MAS matagal na nababad? Pero ang katotohanan ay hindi ako tocino. Kaya malamang sa malamang ay nagdadahilan lang daw ako sa aking ka-iresponsibilidad-an pero tinatawag ko ‘yung ‘special curriculum’.

   Special? Parang buko pie, pinagong, at halo-halo, angat ng kaunti sa  ordinaryo. Curriculum na ako mismo ang nagdisenyo, pinili ang pinakinggan, hinirang ang pilosopiyang inakap, at nag-tenor ng dapat umimpluwensiya. Sa tinagal-tagal kong naglaro, nagkaro’n ako ng sariling pamantayan ng ‘matalino’ na kahit ako mismo hindi ko kayang abutin. Marami ang nagbago. Kung dati hinahangaan ko na ang mga babaeng maputi, tsinita, at naka-braces ngayon mas humahanga ako sa mga taong may kakayahang gawing demokratiko ang pag-aaral sa ilalim ng diktator na syllabus, kumawala sa kumukulong na kahon ng ordinaryonismo, sumugal sa walang kasiguraduhang tagumpay, at umukit ng maimpluwensiyang buhay. Mature-kuno na ang crush-criteria ko na sa tingin ko’y dapat lang sa pumuputi ko ng buhok.

   Ang Bus Stop na kainan sa tanghali ay patuloy pa rin palang nagiging study area para sa mga nag-ra-rush ng lesson plans, naghahanda sa recitation sa Topology, nagtse-tsek ng prototypes, at naghahabol ng mga laboratory exercises. Lahat kebs na sa mga nag-aawayang aso, malangis na lamesa, at nagbabantang mantsa mula sa mga sarsa; makakuha lang ng markang pasado sa panlasa.  Ano nga ba ang depinisyon ng kolehiyo sa iba? Palagi akong may mga tanong na sapat ng isagot ang Ewaaaaan.

   Siya ka na, bago pa maging fusion ng preface, opinion, critical paper, featurettes, at anekdota let’s get the dice rolling…

(Collegeopoly: 5 Taong Pagpaparoroo’t Parito sa Kolehiyo will be published in The Traviesa Newsletter Issue No.4)

Sunday, January 5, 2014

Tenksgibing sa TBC

   Suuuuper late na ng post na ito. Gayunpaman pinost ko pa rin. Andaming nigawa kasi.

Pagab-i hanggang gabing-gabi na ng ika-24 ng Disyembre napili naming isagawa ang Christmas Thanksgiving. Nang mga nagdaang taon palaging umaga ito ginaganap at unang beses namin itong ginanap ng gabi. Damang-dama ang lamig ng Pasko at init ng pagkakapatiran. Kapatiraaaan!!! 


  Hinati namin ang programa sa dalawang bahagi. Dalawang preachings. Dalawang dinings din. Una ng plano ni Pastor na magbigay ng maigsing exhortation pero nag-iba ang ihip ng hangin ng pasyahin niyang ihatid ang dalawang mensaheng sing tamis ng tikoy at sing init ng tsokolate. Napahaba man ang preachings, oki doks lang pasko naman at "bertdey" ni Jesus. 

  Hindi namin sinasabing saktong Disyembre 25 ang bertdey Niya, hindi rin naman namin inaalis; ang amin lang kung inaalala namin ang matagumpay't madugong kalbaryo Nya, e why not naman ang fact na pinanganak Siya. Pero ayon sa pananaliksik ng mga bible scholars, maaari ngang Disyembre pinanganak si Hesus. Gayumpaman, ang mahalaga naipanganak Siya at nagpapasalamat tayo 'ron.


  Pero dahil hindi naman ito season of debate, enough na. Kundi naniniwala ang iba sa pasko, go! Kung pagsamba sa diyos-diyosan ang pagsasabit ng christmas balls at pagtatayo ng christmas tree, go! Hiramin ko lang kay Krissy, love love love pa rin namin kayo. 


  Masigla ang kantahan at talagang Joy to the world-level din ang preaching. Pero merong bagong portion ang program: ang exhortations mula sa mga 'sirs' ng TBC. Kitang-kita na ang pagiging kapit-kamay dikit-kalamay sa aming kalagitnaan. 

  At dahil palaging may bago pag Pasko, bago rin ang dining system dahil nga 2 phases ito. Una, ang Dinner. Ikalawa, ang Coffee Time na mas pinatamis ng cupcakes at chocolate cheesecake na wasak-sumpak ang tsokoleit. 


Pasasalamat: 

Kay BOSS: Sa taon-taong pagsasama, sa inyong Anak, at sa lahat-lahat na! 

Kay Chef Mimba: Para sa kanyang culinary prowess na na batak na batak kapag okasyon kaya pagaling ng pagaling. (Credits also to Kuya Ennie, Mrs. D, at buong kitchen team!) 

Kay Alquin at Roy: na kasama ko sa gutom at gutom. Sabi senyo hindi puro gutom at kwek-kwek lang lang tayo buong taon. Minsan may blueberry at chocolate cheesecake rin.