"Dahil maraming taong maraming sinasabi
pero mga wala namang sinabe. "
Isang araw narinig ko mula kay Rodora na nangangailangan daw sila ng tao para sa isang project na willing daw makipagcommunicate sa laymen at makicooperate sa mas nakakataas sa kanya. Maraming pangalang nabanggit mula saming magkakaklase. Hanggang sa ibagsak niya ang pangalan ni Ate Tin, isang malaking bagsak! Masipag, maabilidad, matalino (gaya ko), at hindi choosy. Pero bakit siya e may training siya sa isang multinational poultry kembot co.? At wala akong nakuhang sagot kay Rodora.
Si Ate Tin na may kalaparan ang noo kaya may kalawakan din ang kaalaman ay may kalaparan din ng pangangatawan. Hence, Tabs ang isa sa kanyang mga taguri. Naalala ko nung college days, mga prelims nun, hindi pa hagasan; ay naglakas loob siyang mag-red lipstick. Ito ang nagbunsod kaya siya nakaranas ng verbal bullying na tumagos sa kanyang adipose at fatty acids. Tawagin ba siyang Jolibee?! Sa kabila ng mga ganitong danas ay binuhos na lang niya ang galit sa pag-aaral (at kanin) at nakapagtapos bilang Cum Laude lang naman. You know nemen kese, birds of the same feathers. Madami rin siyang natulad sakin.
Linggo ng gabi kinukulit nako ni Rodora na mag-reunion daw kami kinabukasan. Siya, si Perlita, Ate Tin, at Ako. Nakakatamad dahil mabibitin lang ang kwentuhan dahil may agenda ako kinahapunan. Kaya nagdahiln ako:
Kesyo unang-una, wala akong pera.
Ililibre daw.
Kesyo may meeting pako sa hapon.
Mabilis lang daw.
Kesyo may trabaho pa si Ate Tin ng araw na yan.
Wala na daw.
Dun nako nagka-clue na baka bumagsak ulit siya. Sa pagkakaalam ko 2-fail-out policy ang kumpanya na pinagtetrainingan niya. Umaga nako nagpasyang sasama kesa naman mag-senti ako sa bahay dahil kamatayan ni Rizal.
Magkasabay na kami na pumunta ni Rodorang pumunta ng Mang Inasal, pinagpaalam pa niya ako sa nanay ko; tutal siya rin naman ang may pakana. At gaya pa rin ng dati ang 9am ay naging 12pm. Unang dumating si Ate Tin, masaya at malusog pa rin. Usap-usap. Kwento-kwento. Hindi pa kami umorder dahil ayaw muna naming magmanok. Hihintayin lang namin si Perlita na nadefend pa rin ang title bilang the Late Mariah Dolour. Kahulihan siyang dumating at nagbida pa na nag-half day raw siya. "Wow Gurl, holiday ha, mas bayani ka pa ke Rizal". Hindi na namin siya pinaupo at lumipat na kami sa...sa...sa Jolibee, kung san mas memorable ang pagkain.
Umorder na sila, dahil sila lang ang may pambili. Lahat sila may trabaho at ako na lang ang wala pa kaya ako ngayon ang naaping sektor. "Miss tatlong N2 at isang small fries" sabay hagalpak ng tawa. Usap-usap. Kwento-kwento. Kanya-kanyang daing na mas mabuti pa raw nung college, mas madalas kumain, mas nakakabili ng ganto, mas nakakatikim ng ganyan. Kadalasan daw kasi napupunta sa tuition ng kapatid. Sabi ko lang, "Atliiiit!". At dumating na nga ang order at 4 na kahong ng ispageti naman at may sundae pa. "Ayan yung isa take out namin" pang-aalaska ni Dolour sabay abot sakin ng large fries. They're so mean talaga to me.
Kwento-kwento. Usap-usap. Hanggang sa mapagkwentuhan namin ang kalagayan ni Te Tin na bibili na daw ng tablet ang kapatid samantalang siya ay nagtiya-tiyaga pa rin sa lumang cellphone na may lastiko pa ang keypad para dh malaglag. Pero bukod diyan, mas gusto kong malaman ang kwento sa pagkaka-alis niya sa Bounty Fresh. Alam ko kasi na may istorya sa likod ng pananahimik ni Rodora.
Mas gusto lang siguro niyang talaga na manggaling sa snout, I mean sa mouth ni Ate Tin ang buong panyayari.
"Nakadalwa nako, bale tatlo." kwento ni Ate Tin sabay higop ng ispageti. Suuup!
"Exam lang binagsak mo pa?! O di ba nagbibigay sila ng ibang position?" tanong ko dahil nakwento niya dati yung unang na-evict sa training ay binigyan ng ibang position.
"Ayy! Hindi ko pa pala nakwento sayo?!" sagot niya kahit alam na niyang hindi pa dahil sila lang naman nina Perlita ang madalas magkamustahan sa text.
May isang lecturer daw kasi na do-it-yourself lahat ng lecture notes at hindi lang siya ang nagrereklamo sa ganitong sitwasyon. Buti sana kung simple sugar e, but no! It's a higher science, pare! Science. Higher.
E di exam day na nga raw. Sagot-sagot. Sulat-sulat. Kamot-ulo. Hanggang sa dumating na siya sa tanong na bumago sa ikot ng kanyang mundo.
"Draw the diagram of how hypochlorite molecule act as a disinfectant to kill pathogens of diseases."
Yung tanong na parang nananadyang mambagsak. Kung ako baka nag-alsa balutan nako. Pero ito daw ang sinulat niya:
"Seriously? ...
I really don't see the essence of this when I work or if I will work here. Sorry, I'm a fool and I don't know the answer."

Pinatawag pa raw siya sa opisina ng mga boss, siyempre hindi para offeran ng favorable oppurtunity. At doon niya mas dinitalye ang mali sa sistema ng mga nasabing lecturers. Kilala namin ang isa't-isa, mas sa practical side kami, yung mapapakinabangan sa industriya. May mga Jimmy Neutrong pinanganak para sumagot sa tanong na yon at naniniwala siyang hindi sila yon kaya irrelevant yung tanong.
"Prinsipyo" yun ang nasabi ko. Hindi dahil I promote rebellion at rebolusyonistang pagsulat. Kundi yung pagpapahayag ng totoong saloobin laban sa maling sistema. Kahit mawalan pa ng kabuhayan. Marami sa kanila yung maraming sinasabi pero mga walang sinabi.
Prinsipyo , kahit papaano'y pinatalas pa ng mga pangil; ang pinagkatulad namin ni Ate Tin.
Other Titles:
Who wants to be a Rebellionaire?
Kristin as Katniss NeverThin
Isang Tanong, Isang Ungot.
No comments:
Post a Comment