Yaman din lamang at uso ang mga Reviews sa paglipas ng 2013, nakiuso na'ko at gumawa ng review by the digits:
(Because I believe Math is the language of the Mathematicians)
Ngayong taon sinalubong ako ng 2 medalya sa campus journ. Kapalit nito ang graduation ko sa 'timeless dimension'.
Pagdating ng pasukan itinama ang 'pagpapabaya' at ang 5 sa Elem.Stats. ay naging 2 na pagkasara ng unang semestre. Nakaranas muli ako ng mga 7/20, 3/15, at 0/20 na iskor sa quizzes, very humbling experiences.
Pagpasok na ng June ko naisipang i-monitor ang galaw ng pera sa aking bulsa at bago magsara ang taon ay pumalo naman ito sa 13k na may 95% confidence interval. Hindi ko nasama sa tala ang mga kinukupit na sukli 'pag bumibili ng shampoo. At may 30 pesos ako sa bulsa pagpasok ng 2k14.
Sa loob ng 12 buwan, nakagamit ako ng 5 notebooks ([1]8x11, [2]80-100 leaves, at [1] 7x5 carolina pad) na sinulatan ng quite time journs, poetry, sanaysay, at to-do-lists.
Hindi ko natapos ang Bible (KJV) ng cover to cover. Pero nakapag-full highlight ako gamit ang yellow green na Zebrite ng 93 bible verses. Ilan dito namemorize. Ilan dito ay memorable.
Sa loob ng 57 sundays, nakapagtake notes pala ako ng 126 messages at preachings. Nakasama ng 3 retreats/camps. At ilang ulit pa ring nadadapa. Mahirap kasing bilangin kung ilan sa mga mensahe ang nai-apply in everyday pamumuhay.
Nagkaron ng 3 zebra 0.5 at nakapagsulat ng mangilang-ngilang akda na nalathala online sa kauna-unahan kong active blogsite. Naka-64 posts din at 1974 views bago magsara ang taon. Marami-rami ring unpublished sanaysay dahil tinamad mag-type o di kaya nanghinayang i-post. Nagkaron din ng 9 na libro ngayong taon. (At patuloy na nangangarap na makapagsulat man lang kahit isa sa hinaharap.)
Ilang tibok ang ginawa ng puso ko? [Ilang beses nasaktan? Luh numun!] Merong 38-42 million beats per year ayon sa estimasyon. Ilang beses huminga? Ayon sa Body Systems ng howstuffworks.com ay: "The average adult at rest inhales and exhales something like 7 or 8 liters (about one-fourth of a cubic foot) of air per minute. That totals something like 11,000 liters of air (388 cubic feet) in a day.... a human being uses about 550 liters of pure oxygen(19 cubic feet) per day."
Maraming mga mabubuting bagay talaga na hindi maitatala dahil kung maitatala man kapos ang isang sanaysay, kapos ang ilang hanay ng mga bilang, hanggang sa malunod tayo sa kalakhan ng kabutihan ni BOSS. Kabutihan pa lang 'yon paano kung isusulat yung biyaya, yung kaunawaan, e yung pag-ibig kaya? Ah, ewan!
Isa ang sigurado, tapos na ang 2013 at papasok ang 2014. Mas marami pang numero ang bibilangin ko.
Isa ang sigurado, tapos na ang 2013 at papasok ang 2014. Mas marami pang numero ang bibilangin ko.
No comments:
Post a Comment